Epilogue:"Margarette! Pinapatawag ka sa Dean's office" napa-angat ako ng tingin mula sa binabasa kong mystery book patungo kay Rhea, kaibigan ko.
Napakunot naman ang noo ko ng marinig ang sinabi niya "Bakit daw?" Tanong ko dito.
"Ewan." Sabi nito sabay kibit ng balikat.
Napa buntong hininga nalang naman na ako bago tuluyang isinara ang librong binabasa ko, tumayo ako sa pagkaka-upo saka nagsimula ng lumabas ng classroom.
"Hoy teka, sama!" Sigaw pa ni Rhea at agad na bumuntot saakin. "Siguro may nag sumbong nanaman na isa sa mga na-basted mo kay Dean 'no? Kadiri naman sila, napaka-iyakin!"
Hindi ako sumagot sakanya at hinayaan lang siyang dumada.
"Hindi ko talaga alam kung maganda bang madaming nag kakagusto sayo o sumpa!" Anlakas ng boses niya habang dumadada, hindi ko alam kung aware ba siya na parang naka speaker siya kung mag salita. "Basta ako okay lang kahit wala nang mag kagusto saakin na iba, kahit si Calix nalang sana!" Agad akong napairap ng banggitin niya nanaman ang pangalan ni Kuya.
Hindi ko alam kung paano niya nagustuhan ang kapatid ko, basta ang alam ko nakaka-inis iyon kasama! Hindi matino kausap!
Habang naglalakad kami patungong Dean's office ay pansin ko ang mga estudyanteng napapalingon at napapatigil sa paglalakad para lang tignan kami.
Hindi ko nalang pinag-tuonan ng pansin iyon dahil nag mamadali akong pumunta sa Dean's office, any minute kasi ay tutunog na ang school bell hudyat para sa susunod na subject.
"Hi, Margarette!" Bati saakin ng mga kababaihan habang kumakaway... Tinignan ko lang sila sandali bago ibinalik ang tingin sa dinadaanan.
"Hi, din!" At si Rhea na din ang bumati para saakin. Nang malagpasan na namin ang mga iyon ay sinamaan ako ng tingin ni Rhea at mas binilisan pa ang lakad para maka-sabay saakin.
"Iba talaga pag famous, eh 'no?"
Nang makarating na kami sa Dean's office ay agad akong kumatok sa pinto, hindi pa nakuntento si Rhea sa dalawang magkasunod kong katok at dinagdagan niya pa ito ng mahigit sa lima.
"Come in" Rinig naming sabi ng nasa loob ng Dean's office ng kumatok kami sa pinto nito.
Agad ko din namang binuksan iyon at saka kami pumasok.
At nang maka pasok kami ni Rhea ay agad bumungad saamin ang babaeng naka talikod saamin, naka harap ito sa malaking bintana na kita ang malaking kabuuan ng school field. Naka suot siya ng beige dress habang may hawak sa kanang kamay na wine glass.
"Pinatawag mo daw po ako?" Magalang na tanong ko sa Dean.
"Good afternoon, Dean! Hehe!" Bati pa ni Rhea saka umupo sa couch kahit na wala pang pahintulot. "Dean, tumawag na po ba si Papa?" At nag tanong pa siya.
Nilingon naman kami agad ng Dean, tumingin muna ito saakin bago kay Rhea na komportableng naka-upo sa couch.
"Hindi pa, pero si Kiomi, Oo." Sagot ni Dean sakanya, tumango lang naman si Rhea bago humiga pa sa couch, hindi nakuntento sa pag-upo.
Hindi naman na iyon pinansin ni Dean dahil naka tingin na ito saakin ngayon at palapit na sa swivel chair niya, lumapit din naman na ako doon at naupo din sa isa sa dalawang swivel chair na nasa harapan ng office table niya. "Good afternoon," bati ko dito.
Tinanguan niya ako bago nginitian ng matamis, "Good afternoon, how's your study?"
Napa-isip ako at inalala pa sandali ang mga huling quiz, matataas naman ang mga scores ko bawat subjects so masasabi kong okay lang naman.
BINABASA MO ANG
Enigma Academy
Mystery / ThrillerThe Beautiful, Genius, Mysterious, and Cold personality Mackenzie Wilton... her life is almost perfect. Pero magiging perpekto pa ba ang buhay niya oras na malaman niya ang katotohan sa sarili niya? Will she still live her life as she used to? No...