Enigma II:"Good morning, Class Aenigma." Bungad ng isang magandang babae na pumasok dito sa classroom namin.
Nailipat ang atensyon ko sa kanya mula sa paglinga-linga ko sa paligid.
"Everyone, magpapakilala ako ulit, nang sa gano'n ay makilala ako nang bagong dating." Sabi nito saka tinignan ako.
Napa-ayos naman ako nang upo dahil doon.
"I am Devine Tsei, Your Detective Riddle Instructor." Sabi nito habang nakatingin sa akin, saka ngumiti. "And you are?" Tanong nito habang papalapit sa kina-uupuan ko.
Tumingin pa ako sa kanila Vivi na tumatango sa akin bago muling tinignan si Ma'am Devine na nasa harapan ko na ngayon.
Tumayo ako sa pagkaka-upo ko saka ngumiti ng tipid sa kanya. "Mackenzie," pagpapakilala ko rito.
"Wilton," sabi nito saka ako tinignan mula ulo hanggang paa. "You may now take your seat." Sabi nito saka bumalik sa harap at hinarap kaming sampo.
Nakakapag taka lang na kaming magkaka-dorm ang mag kakaklase. Siguro dahil Enigma A kami? Iyon ang sabi ni Vivi sa akin kanina.
"For today's lesson, gumawa ako ng riddle na inyong sasagutan." Sambit ni Ma'am Devine at kasunod no'n ay rinig ko ang mahinang pag ungol at mga reklamo ng mga kasama ko.
Napatawa naman nang mahina si Ma'am sa kadahilanang na rinig niya rin ang mga ito. "Don't worry, it's easy this time."
"Scam! Hindi naman madadali ang ibinibigay mong riddles, eh! Ang hihirap kaya!" Lukot mukhang sabi ni Lavi.
"Really?" Tatawa-tawang tanong ni Ma'am saka inilipat ang tingin kay Cali na nasa harap. "Tanungin natin si Cali kung mahirap nga ba talaga."
"Eh Ma'am iyang si Cali wala namang mahirap diyan. Sakmalin na 'yan!" Sigaw ni Zi na sinang-ayunan ni Lavi at ang tumatawang si Xenn. Nanatiling wala namang pinakapakitang emosyon si Cali.
Ang hirap niyang basahin.
"Manahimik nga kayo, ang dadaldal niyo, imbis makapag riddle na." Simangot na sabi naman ni Brie.
"Excited na excited ka sa riddle, e hindi ka nga makasagot." Pag paparinig naman ni Lavi.
Sumimangot naman si Brie kay Lavi saka binigyan ito nang matatalim na tingin. "Damn you, sagad to the bones." Sagot nito at doon na nag simula ang bangayan nila.
Halos mapuno ng ingay ang buong classroom sa sigawan ng dalawa at nakikisali pa roon si Zi na ichini-cheer si Brie at gano'n din si Xenn kay Lavi.
Napapa-iling na lang si Vivi na naka-upo sa tabi ko at si Zy sa ingay na dulot ng apat. Ganoon din si Kidd at Zek, habang si Cali ay walang pakialam.
At ako, ay naguguluhan lang sa inaasta nilang lahat.
"Pag pasensyahan mo na lang sila." Bulong ni Vivi na nasa tabi ko. "Ganiyan talaga ang apat na 'yan. Pag nagsimulang mag bangayan si Brie at Lavi, ay roon na papasok ang pagiging siraulo ni Zi at Xenn."
Tinanguan ko na lang siya at pilit iniintindi ang nagaganap sa harapan ko ngayon. Sinanay ako ni Papa at Felice sa tahimik na environment pero ito ang mangyayari sa akin ngayon.
Siguro ay masasanay rin ako.
"Hindi ba pipigilan ni Zy ang kakambal niya?" Tanong ko kay Vivi, at si Kidd naman ang sumagot doon.
"Wala siyang magagawa, sa sobrang tigas ng ulo ni Zi ay hinahayaan na lang ni Zy." Sabi nito at napatango-tango naman ako roon.
"Stop that noise, you four." Sabi ni Ma'am dahilan para matigilan ang apat. Siya na ang umawat "Let's focus to my class, can we?" Sabi pa nito dahilan para magsiayusan sila ng upo.
BINABASA MO ANG
Enigma Academy
Mystery / ThrillerThe Beautiful, Genius, Mysterious, and Cold personality Mackenzie Wilton... her life is almost perfect. Pero magiging perpekto pa ba ang buhay niya oras na malaman niya ang katotohan sa sarili niya? Will she still live her life as she used to? No...