-This chapter is dedicated to ziash0901Enigma XXVIII:
Kenzie's POV
"Si ma'am Cathlily ang traydor na isa, kung ganon siya yung kapatid namin?" Tanong ni Zy.
"Hindi! Step-sister lang siya! Hala, kaya pala may kakaiba sa pakikitungo niya saatin kambal!" Exaggerated na sigaw ni Zi.
"Paanong kakaiba?" Tanong ni Kendra.
Ngumuso si Zi at saglit pang napa-isip. "Alam naman natin na cold siya diba? Pero saamin ni Zy medyo nagiging sweet siya."
Nang matapos ang usapang iyon ay gumawa kami ng paraan na maparating kanila Papa ang nalaman namin. Ang sabi'y susubukan daw sundan ang dalawa tuwing aalis ng Academy.
Nang dumating ang panghapong meryenda ay nakisalo na din saamin ang mga Alejo, nasa library kami nang mansyon'g iyon. Nag memeryenda habang ipinag papatuloy ang pag iimbistiga.
"Kung kilala niyo na ang mga traydor, bakit hindi pa kayo kumikilos para iligtas ang kaibigan?" Tanong saamin ni Lolo habang umiinom sa juice na hawak niya.
"Senyor, may inaalam pa po kami sa mga braha'ng nakuha namin, at hindi po kami puwedeng mag padalos-dalos." Sagot ni Zek kay Lolo habang nilalantakan ang pasta.
Tumango naman si Vivi para sang-ayunan ang sinabi ng kaibigan. "At inaalam pa po namin kung may kinakapitan si Mrs. Alistair."
"Sino ba ang mga puwedeng tumulong sakanya na may galit din sa mga Enigma?" Napatanong sa sarili si Xenn at saka ngumuso pa ito.
"Yung tatay ni Brie?"
Bigla kaming natigilan sa pag subo ng marinig iyon mula kay Kiomi.
"Malaki ang posibilidad, pero bakit hindi natin naisip iyon?" Napa-isip din si Kendra, siguro inaalala kung paano kami muntikan ma-kidnap noon.
"Because we focused on the traitors of the Academy, that's why." Sagot ni Kidd na nag patango saamin.
Posible nga iyon.
"Mackenzie, nasaan yung Five of spades?" Tanong saakin ni Vivi na parang napapaisip ng malalim.
"S, R,V, O? And one seat apart, parang naintindihan ko na." Singit din ni Zy na napa-hilot ng sintindo kahit na kalmado.
Kinuha ko lang naman mula sa bulsa ng pants na suot ko ngayon ang tinutukoy na card ni Vivi.
Saglit pang napa singhap ang lahat maliban sa mga Alejo na kunot ang noo ngayon. Pero si Lola ay parang napapaisip din ngayon at nakikitingin sa card na hawak ng katabi na si Vivianne.
"One seat apart is like being in school, distance is needed especially if there is an exam. But in this case one seat apart is said to be the absence of a letter, parang one letter apart." Paliwanag ni Lola na naintindihan iyon.
"Yes, we already know, Lola."
Ang itinutukoy ng mga card Sarivio. At kung magkakaroon ng one letter apart ay magiging S R V O ang mga iyon. And that is the meaning of the damn card!
"Bakit pa ba tayo magtataka? Alam natin na masama ang Daddy ni Brie, at kahit na anak niya pa iyon ay kayang-kaya niyang saktan ang tagapagmana ng co-lead." Si Zek na natigilan na din ngayon sa pag nguya.
Napabuntong hininga ako, "Kung ganon, isa nalang ang poproblemahin natin."
Nagtaka sila sa sinabi ko kaya nag salita ulit ako.
BINABASA MO ANG
Enigma Academy
Mystery / ThrillerThe Beautiful, Genius, Mysterious, and Cold personality Mackenzie Wilton... her life is almost perfect. Pero magiging perpekto pa ba ang buhay niya oras na malaman niya ang katotohan sa sarili niya? Will she still live her life as she used to? No...