"Bakit ako? Paanong ako?" Tanong niya habang nakatungo sa akin
"Sakin mo tatanong? Tss" bulong ko at kinutkot ang kuko kong malinis naman
"What the-"
"Gusto nilang bantayan kita kasi nga, hm let's just say na I've been through the same shoes as yours." Kunwaring maangas kong sabi, nangunot naman ang noo niya
"Uhm, no pala! Hm, siguro class B yung aken yung iyo class A, mas malala yung iyo e" nakangiti kong sabi at lalong kumunot ang noo niya, hot headed!
"Okay, okay! Tss. Nawalan din ako ng mga kaibigan, nawala siya..." Kwento ko
"Nawalan?"
"Actually, sakin lang siya nawala. Sa akin lang mismo, hindi sa iba kasi dun siya napunta e, sa iba." Kunot noo kong kwento at mukhang naging interesado naman siya dahil umupo pa siya sa harapan ko sa sahig.
"Baka naman hindi lang kaibigan yan?" Sabi niya at kunot na kunot pa rin ang noo niya!
"HOY PRIMO! HINDI AKO NAPATOL SA BABAE! Kahit gaano pa sila kaganda!" Sabi ko at umirap naman siya
"Dalwang sunod na taon na nangyari sa akin yun, nakakabaliw." Kwento ko pa at mukha na talaga siyang interesado.
"Go on," chismoso.
"I valued my friends more than I valued my family, well yun ang tingin ko kasi hindi naman ako ganoong kaclose sa family ko. So nung nawala ang mga kaibigan ko talagang halos mabaliw ako, or maybe nabaliw talaga ako hindi lang ako nakapagpa check up" sabi ko at sabay kaming natawa
"Halata ngang hindi nagamot, okay next" inirapan ko siya bago magkwento ulit
"Alam kong mas malala yung iyo kasi yun yung wala na talagang balikan, pero sobrang sakit pa rin nung nandyan siya, kasama mo siya sa iisang room, naririnig mo yung tawa niya, tapos isang upuan lang yung pagitan niyo pero hindi mo siya makausap! Nandyan siya, humihinga sa tabi mo pero parang napaka layo niya..." kwento ko, siguro kung dati maiiyak ako habang nagkukwento pero ngayon, wala.
"Bakit ba nawala sayo?"
"Ewan, bigla nalang kaming hindi nag usap, bigla nalang kaming, alam mo yun? awkward!"
"Sus, mga babae! Ang sabihin mo umiral ang matataas niyong pride!" Sabi niya habang nailing iling pa
"Hm, yun nga yata. Addition to that, alam mo bang bumagsak ako sa math?" Sabi ko pero mukhang hindi siya nagulat, hambog!
"Halata"
"Yabang! Tss, anyways ayun nga bumagsak ako sa math, hindi ako nakapag stem—"
"STEM? Ilang taon na mula nung nawala ka?" Kunot noo nanaman siya
"Last year lang, death anniversary ko sa October ahahaha" sabi ko at sumenyas siyang magpatuloy ako
"Ayun nga hindi ako nakapag stem,"
"Stem pero bulok sa math?"
"Hoy Prim, hindi ka ba aware sa mga late bloomer sa math?!" Sabi ko at inirapan siya
"Sus, oh e ano dapat kukunin mong course?"
"Gusto ko talaga maging piloto‐"
"Yaman,"
"Hoy hinde! Isip ko lang non baka magkapera kami pag nagcollege na ako pero mukhang malabo kasi milyon ang inaabot don kaya ang back up ko ay mag nursing, mahal din pero mas mahal pa rin pag sa piloto," proud kong sabi, actually naisip ko din non na gusto kong maging Pediatrician.
"Okay, so anong kinuha mong strand? Kung hindi ka tanggap sa stem? Anong kinuha mo?"
"Kinuha ko? Buhay ko ahah" sabi ko at nagulat siya don
"Ha?!"
"tss, alam mo nung una pinagdasal ko na sana magkasakit ako kasi gusto kong makita ang reaksyon ng mga tao sa paligid ko, kung may mag aalala ba o ano pero naisip kong kung mawawala ako isang bayaran nalang yung palibing nalang e pag nagkasakit ako palaki pa ng palaki ang bill sa hospital, tsk!" nakangiti kong kwento
"Wow, galing! Wise thinker pala! So, nakita mo ba yung reaksyon ng mga tao sa paligid mo?"
"May kwento ako, alam mo bang nung buhay pa ako parang ramdam ko yung kaluluwa ko-"
"Lul" inirapan ko nga!
"Tunay! Basta parang ramdam ko talaga yung ako, basta ganon! Tapos hindi ko rin tanda ang itsura ko meron akong isang naa alalang pangyayari na nanalamin ako tapos parang yun yung unang beses, napasabi talaga ako non na "ganto pala itsura ko" ewan pati ako nawiwirdohan din sa sarili ko non."
"Okay, so nakita mo ba reaksyon nila?"
"Sabi nung matatanda pag daw nakaburol ang isang patay yung kaluluwa daw naggagala, siguro yung akin di pinayagan HAHAHA"
"Hindi mo sila nakita?" Naka iwas ang tinging tanong niya sakin
"Hindi," nakangiti kong sabi at napabuntong hininga siya
"Anong itsura ng mga magulang mo?"
"Ewan ko, alam mo may subject kami nun about sa values yata ang sabi samin kapag daw namatay ang isang tao hindi mo na kilala sa langit yung pamilya mo" nakangiti ko pa rin na sabi
"Huh? Hindi mo sila tanda? Yung mga kaibigan mo? Hindi rin?" Umiling lang ako sa tanong niya
"Yang gamit mong pangalan? Yan ba talaga pangalan mo?"
"Hindi rin, binigay lang sa akin yung pangalan ko ngayon."
"E bakit yung mga memories tanda mo pa rin?"
"Hindi ko rin alam, pero mas ayos ng memories nalang yung tanda ko, baka makapanakit pa ako e mahulog ako sa ilalim ayaw ko don mainit HAHAHA."
"Tanda mo ba kung ano ka dati? Kung paano ang buhay mo?" Sa tanong niya ay napangiti ako
"Isa akong tao na maraming pangarap, lahat gustong masubukan, curios din ako sa maraming bagay alam mo gamitin mo 'tong motto ko dati, Live life without regrets. Narealize ko yan nung naaksidente ako na muntik akong mapaaga HAHAHA"
"So, did you live your life without regrets?" Nginitian ko siya bago sumagot
"Oo, yata."
"Yata?"
"Hindi ako nakapagpa tattoo e, hindi rin ako nakapunta ng Japan, hindi ako naka attend ng concert ng paborito kong banda, hindi ko naranasang maging tanga sa pag ibig at hindi ko naipagpagawa ng malaking kusina yung nanay ko. Regrets, but atleast the pain is already gone now. Ni hindi ko nga sila maalala e"
"Hindi ka napapaisip kung anong itsura nila?"
"Sobra yung peace sa utak ko at gusto kong manatiling ganon yon."
"How old did you die again?"
"I died at the age of 17 and I have some regrets kaya ikaw Prim, please live your life without regrets, live your life to the fullest! Wag mong ikulong ang sarili mo sa kalungkutan, magiging ayos din ang lahat." Nakangiti kong sabi sa kanya at unti unting pumikit, sa pagmulat ko nasa sarili ko ng kwarto ako.
Always choose life because life always chooses you.
Piliing mabuhay dahil ang buhay ay regalo galing sa itaas.
2020
BINABASA MO ANG
Ulan
Teen FictionHiwaga ng panahon, akbay ng ambon. Daan daang nakaraan ibinabalik ng simoy ng hangin. Ang aking damdam pinaglalaruan ng baliw at ng ulan. Lagi nalang umuulan, parang walang katapusan, tulad ng paghihirap ko ngayong parang walang humpay. Hindi naman...