Nakangiti kong sinulyapan ang lalaking halos magdikit na ang makakapal na kilay sa pagkakakunot ng noo habang nakatingin sa madilim na langit, galit na galit sa paparating na ulan? Mamahalin mo rin yan.
You: Hi!
Nakangiti kong sinend ang mensahe at agad na lumingon sa kanya, tinignan niya ang cellphone niyang nakalagay sa kanyang tabi at lalong nangunot ang kilay matagal niyang tinitigan ang cellphone bago tumingin ulit sa langit, amp! Dedma!
You: Prim!
Send ko ulit at muli siyang nilingon pero inulit lang niya ang ginawa niya kanina! Ano ba yan!
You: lods?
Natatawa kong send ulit sa kanya pero ni hindi na niya nilingon ang cellphone niya! PRIMOOOO!!
You: sunget. ;(
You: yo!
You: heyo?Sunod sunod na text ko pero wala pa rin! Tulala lang siya sa langit! Ano bang meron don?!
You: may inaantay ka ba?
Kunot noo kong sinend yon sa kanya at muli siyang nilingon! Halatang naiinis niyang kinuha ang cellphone niya hindi pa rin inaalis ang pagkakunot ng noo, akma niyang ibaba ang cellphone niya ng isend ko ang mensaheng alam kong makakapagpa reply sa kanya! Bwisit ka ah?
You: smile naman dyan! Tama na pag kunot ng noo! Hehe. :))
Nakangisi kong send sa kanya, agad naman na naghanap ang mga mata niya kaya naman lalo akong napangiti
Primitivo: wtf?
Agad akong napatawa sa reply niya, hagya na siya magreply bad word pa! Hayst!
You: stop looking around, di mo ko makikita. :p
Primitivo: who u?!
You: chill, HAHA di naman kita aanuhin HAHA.
Primitivo: stop sending message.
You: and why???
Primitivo: im not interested.
You: ngayon pa na nagreply ka?? HAHA
Primitivo: idk u, stop texting.
You: but I know you. ;)
Primitivo: I'll block your number.
You: PRIMITIVO EUDEL PEREZ DONATO. :)
Pagka send ko non ay nilingon ko siya at ayun pa rin ang kunot na noo niya at nanlikisik pa ang mga mata niyang nakatingin sa cellphone,whew! HAHA
You: stop glaring at your phone, baka sumabog HAHAHA
Primitivo: who are you?
Ngumisi ako sa reply niya at tinitigan siya.
You: your future. : p
Primitivo: stop. texting.
You: : p for now, go home na. 🌧
Tinignan ko siya at akma na siyang magtatype ng bumuhos ang malakas na ulan kaya nataranta siya at agad na inayos ang mga gamit, tsk sinabi ng umuwi na e.
Pinanood ko siya hanggang sa makasakay siya ng jeep na basang basa ang katawan, tsk!
You: take a bath pagkauwi mo, baka magkasakit ka.
BINABASA MO ANG
Ulan
Teen FictionHiwaga ng panahon, akbay ng ambon. Daan daang nakaraan ibinabalik ng simoy ng hangin. Ang aking damdam pinaglalaruan ng baliw at ng ulan. Lagi nalang umuulan, parang walang katapusan, tulad ng paghihirap ko ngayong parang walang humpay. Hindi naman...