Kakamulat pa lang ng mga mata ko ay agad na akong napabuntong hininga. Panibagong araw para tumulala sa loob ng room at makisama sa mga wirdo kong kaklase.
"Prim?" Dinig ko tawag ni nanay na may kasama pang katok.
"Gising na po," Sabi ko at tsaka napipilitang tumayo at limang beses na tumalon at nag push up
Eto nanaman tayo Primitivo, maghapon nanaman tayong lulutang ang isip at sa huli ay magugulat sa bagsak na grades.
Matapos kumain ay tamad na tamad akong kumilos upang mag ayos ng sarili para pumasok ng school
"Prim, okay ka lang anak?" Usisa ni nanay nung palabas na ako ng gate, tinanguan ko lang siya at hinalikan sa pisngi bago tuluyang lumabas at pumara ng jeep.
Papasok ng school ay kunot noo akong naglakad hanggang sa makalapit ako sa room at batiin ng isa kong kaklase ng magandang umaga, tinanguan ko lang siya at tsaka nagdiretso sa upuan kong katabi ng binta at tumulala sa langit.
Napaka ganda ng langit ngayon, maliwanag at asul na asul, kita ko pa rin kaya ang magandang kulay nito kapag nanduon na ako? Nakikita mo ba yan dyan sa taas?
Panay ang titig ko sa alapaap habang wala pa ang guro namin, natigil lang yon ng maramdaman kong mag vibrate ang cellphone ko.
09617238805: tama na ang pagtulala, malapit na dumating si Miss, chair up! Hehez. :)
Siya rin iyong nagtext sa akin kahapon, mabilis ko siyang hinanap sa labas ng bintana pero ang lahat ng nandoon ay puro mga estudyanteng nagmamadali dahil baka malate.
09617238805: wanna see me? *attached photo*
Nangunot ang noo ko ng makita ang sinend niyang picture, isang bahagi yon ng school na tanaw naman dito sa bintana pero ganon nalang ang pagtataka ko nang lingunin ko ang lugar na yon ngunit wala naman dun na tao
09617238805: bagal mo naman lumingon naka alis na tuloy ako :)
09617238805: stop using your phone, nandyan na si miss. Makinig ka sa klase mo hehe. Goodluck Primitivo!
You: stop texting.
Agad kong itinago ang cellphone ko nang makareply ako, dumating si miss at nagsimulang magklase.
Last subject, hapon at heto nanaman ang madilim na langit. Ayaw na ayaw ko ang ulan kasi sobrang nagiging tahimik ang paligid, alam kong tahimik ako pero hindi ibig sabihin non ay gusto ko ng tahimik na paligid ang totoo ay mas gusto ko pa ang maingay na paligid dahil nakakaiwas ako sa pag iisip isip at saka masyadong senti kapag umuulan.
09617238805: smile naman dyan!
Hindi ako nag reply
09617238805: late na nga teacher di pa masaya?
Hindi ulit ako nagreply
09617238805:papatak na ang malakas na ulan.
At mga limang segundo lang ay totoong biglang umulan ng malakas, may bagyo yata.
09617238805: mukhang di na tuloy klase niyo, smile ka na hehe. :">
Sa bawat pagbabasa sa mensaheng natatanggap ko ay laging napapakunot ang noo ko, sino ba ito? Kahapon pa siya ah
You: pano mo nasabi?
Napabuntong hininga ako, alam kong pag sinabi kong tigilan na niya ako alam kong hindi niya gagawin yon.
09617238805: YAAAAA!! sa wakas nagreply ka din ng maayos ayos hehe
Hindi ko ulit siya nireplyan
09617238805: sunget
You: pano mo nalamang uulan nang malakas?
09617238805: alam mo pakiramdaman nalang yun tsk
You: ok
09617238805: grabe, nakakaenjoy kang katext grabe talaga Primitivo!
Hindi ko siya nireplyan at inisip nalang kung paano akong makakauwi gayong wala akong dalang payong,tsk.
09617238805: sabi ko nga di ka rereply hehe, may dala ka bang payong?
Ako: wala
09617238805: WHAT?!? Pano ka makakauwi?!? Aish bobo, di ka ba nanonood ng balita?!
Agad na kumunot ang noo ko dahil sa text niya, fc.
09617238805: ay char hehe joke lang Prim echos lang smile ka na ehehehe
Agad akong napalingon sa labas ng room at naghanap nang tao don pero wala akong makitang posibleng tao na itinetext ako
Ako: who are you?
09617238805: luh siya, curios ka na ngayon? HAHAHA
Ako: tss
09617238805: alam mo sayang yung load mo, magrereply nalang ayaw pang haba habaan gosh!
Napailing ako sa reply niya at tumulala nalang sa kung saan, nagsimula na rin maglakbay ang utak ko.
Kailan pa niya nakuha yon? At talagang hindi niya pa pina alam saken ah? Tss
Ramdam ko ang pagkunot ulit nang noo ko at ang panginginig nang katawan ko. Agad kong naikuyom ang kamao ko kasabay nang paghinga nang malalim.
King ina Primo, huminahon ka. Kalma! Anxiety! Shit!
Umub ob ako sa desk ko habang panay pa rin ang panginginig ng binti ko, itinago ko ang nakakuyom kong kamay at isinara bukas ko yon kasabay nang paghinga ko nang malalim! Sinubukan ko rin na palagutukin ang mga daliri ko. Parang gusto kong makapanapak ngayon, king ina.
Kalma
Kalma Prim09617238805: okay ka lang?
Napasilip ako sa phone ko nang may magnotif at sunod sunod na mensahe ang nabasa ko
09617238805: Prim, what's happening?
09617238805: are you alright???
09617238805: kailangan mo bang madala sa ospital??
09617238805: kingina!!!!!!
09617238805: INHALE 1-2-3 EXHALE ulit ulitin mo Prim, kalma lang kalma...
09617238805: tatawag na'ko nang teacherPinilit kong kumalma at makapag reply sa kanya, ilang minuto pa bago ko nagawa yon
Ako: don't. Okay lang ako.
Reply ko at huminga ng malalim, fuck this.
09617238805: are you sure??????
Ako: oo, uuwi na ako.
09617238805: magpa sundo ka malakas ang ulan.
Tinignan ko lang ang mensahe niya at saka bumuntong hininga.
Panic attacks ang matindi kong kalaban ngayon, kailan ba matatapos ang pago overthink ko? Pag kinausap na ulit niya ako? Labo. Malabo pa sa sanaw.

BINABASA MO ANG
Ulan
Fiksi RemajaHiwaga ng panahon, akbay ng ambon. Daan daang nakaraan ibinabalik ng simoy ng hangin. Ang aking damdam pinaglalaruan ng baliw at ng ulan. Lagi nalang umuulan, parang walang katapusan, tulad ng paghihirap ko ngayong parang walang humpay. Hindi naman...