I once wished to be gone sabi ko pa "Kung bukas hindi na ako magising wag kayong malulungkot, isipin niyo nalang na natupad ang isa sa mga hiling ko."
Pero nung makilala ko siya, gusto ko ng mabuhay ng matagal, gusto kong lagi ko siyang kasama... ang kaso masyadong naging mabait sa akin ang Diyos at tinupad niya ang isa sa mga kahilingan ko dati.
06.14. Ang araw na mismong pinanganak ako ay ang araw din pala mismo na mawawala ako.
Lagi nalang umuulan, parang walang katapusan, tulad ng paghihirap ko ngayong parang walang humpay.
Hindi naman ako tanga, alam ko na wala ka na pero mahirap lang na tanggapin di na kita kapiling.
Ang aking damdam pinaglalaruan ng baliw at ng ulan.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Bakit ba nagugustuhan ng mga tao ang ulan? Hindi ba nila alam na nakakalungkot kapag umuulan? Masyadong tahimik ang paligid at ang dilim pa ng langit, walang kagusto gusto don at lalong walang maganda don! (Except nalang sa malamig ang hangin at masarap matulog, pero ang pangit pa rin!)
Yun ang sabi ko —dati, pero nung makilala ko siya ako na mismo ang humihiling na sana ay palagi nalang umuulan at kung pwede nga e sana hindi na tumila, para hindi ko na kailangang umalis.
Ang masama nga lang kung kailan pede na akong magtagal, siya naman ang kailangan ng umalis.
Hiwaga ng panahon, akbay ng ambon.
Daan daang nakaraan ibinabalik ng simoy ng hangin.
Tanging hiling ko sayo na tuwing umuulan maalala mo sanang may nagmamahal sayo, ako.
No one's stopping us from trying things. Try it for free or miss the chance.
This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are the products of the authors imagination. ;)
Enjoy. Peace. Ily. ♡
290920°
![](https://img.wattpad.com/cover/247353066-288-k84042.jpg)
BINABASA MO ANG
Ulan
Teen FictionHiwaga ng panahon, akbay ng ambon. Daan daang nakaraan ibinabalik ng simoy ng hangin. Ang aking damdam pinaglalaruan ng baliw at ng ulan. Lagi nalang umuulan, parang walang katapusan, tulad ng paghihirap ko ngayong parang walang humpay. Hindi naman...