061218

3 0 0
                                    

June 12 walang pasok, malakas ang ulan kaya naman alas diyes na ako nagising. Hindi pa ako bumabangon at panay lang ang titig ko sa kisame habang iniisip ang lahat ng nangyayare sa buhay ko. Papasok ng school, tititig sa kawalan tapos uuwi, sobrang boring ng buhay ko, pagka uwi ng bahay susunod sa ilang utos ni mama, kakain, magkukulong sa kwarto, mago overthink, iiyak at tutulog. Hindi ako masyadong gumagamit ng phone dahil wala naman akong pagkaka abalahan don.

If only she's still here hindi magiging ganito.

09617238805: morning Prim! Nakakain ka na ba?

Maliban nalang dito, napabuntong hininga ako matapos mabasa ang mensahe

Ako: who are you?

09617238805: call me whatever u want :)) so nakakain ka na ba??

Ako: stop texting.

09617238805: ay why? Kala ko pa naman tanggap mo na aq ;(

Ako: what do you want from me?

Pagkasend ko non ay lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa kusina para maghilamos at kumain

"Prim, kailan bakasyon niyo?" Tanong ni mama na nakaupo sa dining at nanonood ng balita

"Sa 20 ma" sabi ko at umupo sa harapan niya at nagsandok ng pagkain ko

"Hmm, mukha mapapa aga may bagyong parating oh" sabi niya at itinuro pa ang tv, tumango ako at nagpatuloy sa pagkain

09617238805: I want you to stop thinking about her.

Agad na nangunot ang noo ko at napatigil sa pagsubo ng mabasa ko ang mensahe niya. Her?

"Ay mabuti naman at tumila na ang ulan pero sa tingin ko mas malakas yan mamaya, punta muna ako sa likod Prim." sabi ni mama at tumayo na kaya naiwan akong mag isa sa lamesa.

Binuksan ko ang cellphone ko para tignan ng maayos ang mensahe pero hindi ko na mahanap yon sa messages ko, anong nangyari?

Isinawalang bahala ko yon at napatulala nalang sa kawalan nang biglang bumuhos nanaman ang malakas na ulan. Si nanay!

Agad akong tumakbo sa likod at saktong papasok na rin siya, may mga putik pa sa kamay.

"Naghalaman nanaman kayo e kita niyong may bagyo" sabi ko habang sinusundan siya pabalik ng kusina

"Hindi naman, tinignan at inayos ko lang sila mukha malakas yung bagyong paparating e, aakyat na muna ako para maligo, siguro mamaya tatawag nanaman si dad." Sabi niya at umalis na

09617238805: kumusta?

Nangunot nanaman ang noo ko ng lumitaw nanaman ang numerong yon

09617238805: oy?

Wala na 'to kanina di ba?

09617238805: Prim, forget her.

What the hell?

09617238805: she's long gone, hindi na siya makakabalik pa.

Napaupo ako sa mga nababasa ko

09617238805: Neptalie Ibarra. Nice name, too bad she's gone too soon.

Agad akong nakaramdam ng panlalamig at nanginig pa dahil sa mensahe niya

Ako: WHO ARE YOU?

Ako: STOP TEXTING ME.

09617238805: don't be scared Prim.🙄 Aalagaan kita.☺️❤❤

Ako: Wtf. Stop. Kung nanti trip ka lang tigilan mo na, hindi nakakatuwa.

09617238805: oh Prim, we'll meet soon. But for now, please move on para mas maging madali sakin ang lahat.😔🤚🏽

Ako: what do you know about me? Sino ka ba? At anong mas maging madali para sayo?!

09617238805: hehe :))

Ako: what do you know about Neptalie?

09617238805: hey Alexa, play "Buloy" by Parokya ni Edgar.

Nagtindigan ang balahibo ko sa text niya, puta.

"Prim"

"fuck!" Sigaw ko at halos mahulog pa sa pagkakaupo

"Language! Napapano ka ba ha??? Kanina pang tumutunog ang cellphone ko hindi mo sinasagot" sabi ni nanay at nilapitan ang nag iingay niyang phone, shit Prim!

09617238805: kalma Prim, ako lang to! HAHAHAHHA :)

Pucha. Nep, kung ikaw to wag naman sana ganito ang pagbisita mo, bibisitahin ko naman yung libingan mo e gusto mo ngayon na? Wag lang ganito

09617238805: you're crazy Prim, im not Neptalie 🤦🏽‍♀️

"King ina." Sabi ko

"Primitivo ano ba?! Kanina pa yang bunganga mo! -oh etong anak mo panay ang mura..." kausap pala ni Mama si papa yare ako don

"Sorry ma, punta lang po ako sa taas,"

09617238805: speaking of Nep, hindi mo pa rin siya napupuntahan?

Ako: Are you a stalker?!? O talaga baliw ka lang talaga?! Stop texting me! Where did you even got my number?!

09617238805: tch, sa ganda kong to?!? Asa ka! Anws, hindi mo pa rin nga nabibisita si Neptalie? Grabe ilang months na ah? Mag iisang taon na yata, baka nagtatampo na sayo yon yare ka baka ikaw na bisitahin HAHAHHAHAH :">>

Ikaw ang yare saken pag nalaman ko kung sino ka.

09617238805: oh Prim, I'm always available, kailan mo ba gusto magmeet?
09617238805: no wait, we can't.
09617238805: omyghad, PANO PALA TO HINDI MO AKO MAKIKITA! WTF HOW WILL I DO THIS SHIT!
09617238805: oh fuck

Naguguluhan ako sa mga nabasa ko pero mas naguluhan ako nung biglang tumila ang malakas na ulan at biglang nawala ang mga text niya, what the hell?! Sinubukan ko pang irestart ang cellphone ko pero wala naman ng nangyari.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon