Sa kakalakad ko at pag iwas sa mga ugok nayon ay napadpad ako sa isang bakanteng lote. Dulo na ito ng AU dahil puro puno na dito at medyo matataas na ang talahib. Malinis din kahit may iilan ilan na bote at mga upos ng sigarilyo. Mas okay nang tumambay dito kaysa roon sa classroom.
Mayroon din mga upuan at lamesa kaya pabagsak akong umupo at isinampa ang paa sa lamesa at inilagay ang kamay sa likod ng ulo ko, nakapikit. Nakapaka presko pa rito dahil sa mga puno.
Nang idilat ako ang mata ko ay nasilaw ako sa araw ngunit hindi iyon masiyado masakit dahil natatabunan sila ng mga dahon ng puno. Parang mga bitwin! Ngunit agad akong napabalikwas ng makitang may lalaking nakaupo roon sa taas!
Wow, ang sarap naman ng pwesto niya roon! Mukhang masaya roon. Mayroon pa siyang hawak na sigarilyo at may naka salpak na ear pods. Matagal akong napatitig sa kaniya dahil namumukhaan ko kung sino iyon. Siya yung lalaki roon sa party ni Jackson. Hindi ko pa alam ang pangalan niya pero lagi na kami nag kikita.
Ngunit naalarma ako ng makitang inupos niya ang sigarilyo at walang pakealam na itinapon iyon sa pwesto ko. Napangisi tuloy ako. Napaka hudas ng isang ito. Naninigarilyo na sa loob ng paaralan, mukhang nag cut pa ng class. Hula ko ay pasang awa lang ang mga grado niyan. Mayaman lang.
Tumayo ako at nag pagpag ng sarili. Paalis na ako ng tiningala ko siya ulit ngunit nag tataka na itong nakatitig sa akin. Kunot pa ang noo at halatang nag tatanong kung pa ano ako napadpad sa lugar na ito.
Hindi ko nalang siya pinansin at aalis na sana pero bigla nalang siyang bumagsak sa harapan ko! Hindi tuloy ako nakagalaw dahil halos mag lapit na ang mga mukha namin! Unting galaw ko lang din ay didikit na ang labi niya sa noo ko!
"What?" Kunot noo niyang tanong.
Naamoy ko tuloy ang pinag halong sigarilyo at ang toothpaste niya! Bakit ang bango? Dumagdag pa ang showel gel niya! Shuta, oras oras ba siyang naliligo?! Halos walang libag dahil sa kaputian!
"Lumayo ka nga." Tinulak ko siya sa dibdib, tinatago ang kaba.
Ngumisi lang siya bago tumalikod. Kahit sa simpleng pag ngisi napakagandang pag masdan. Bakit ganito ang epekto sa akin ng isang to? Sino ba siya sa buhay ni Keyl?
"Why did you smoke here inside the school? I mean... I don't really care if you smoke. Pero sana hintayin mo muna ang uwian at doon ka na lang sa labas." I said in a normal voice. Hindi ko alam kung bakit ko iyon sinabi! Nakapa pakelamera ko talaga!
"May gusto ka ba sa akin?"
Muntik na akong mabulunan kahit wala naman akong kinakain dahil sa sinabi niya! Wow, hindi lang pala siya taong gluta dahil assumero rin siya.
"What the fuck?" Irap ko. "I don't like you."
"Then leave me alone." Wow ang sungit! Siya nga kinausap ako roon sa party! Tapos ako bawal siyang kausapin? VIP ba ang isang to?
"Concern lang ako. Pa ano kung mahuli ka?" Saad ko. "Irespeto mo naman ang iskwelahan natin. Hindi porket mayaman ka gagawin mo ang gusto mo."
"Just shut your mouth. Hindi bagay sayo ang pakelamera."
"At sino ka para sabihin yan? Lahat ng tao may karapatan." Lumapit ako. "Kayong mayayaman. Nakakairita kayo."
"You're rich too."
"Atleast hindi ako kagaya mo. Concern lang ako sa school, wala akong nilalabag na rules. Next time na makita ulit kita na nag sisigarilyo rito. Isusumbong kita sa Guidance."
"Then do it." Umarko ang dulo ng labi niya.
Wow, ganito ba talaga ka spoild ang mga tao rito?! Hindi ko nga alam kung ilan beses na ako napa 'wow' sa kanila dahil kakaiba ang iskwelahan na ito.