14

52 7 0
                                    

"Kumusta bakasyon?" Tanong ni Kiendra pag ka-upo namin dito sa canteen ng A.U, kakatapos lang namin mag enroll kaya kumain muna kami.

Hindi ko inaakala na malayo pala talaga ito kumpara doon sa Highschool.

"Ayos lang, malungkot lang hindi ko kayo kasama." Itinutusok niya ang straw ng milktea na binili kanina.

Nakatingin lang ako sa kanila habang nag uusap ng kung anong nangyari noong bakasyon nila. Kailangan ko na naman mag sinungaling kung anong ginawa ko noong bakasyon. Tiningnan ako ni Kie na parang nag tataka.

"You okay?"

"Oo naman."

"Mukha kang binagsakan ng langit at lupa, isama mo pa ang building ng school, ganoon ang itsura mo!"

"Kung sayo ko kaya ibagsak tong building?" Taas kilay ko syang tiningnan.

Kampante na kami sa isa't isa. Kung may iba nga lang nakakakita sa amin iisipin na nag aaway kami.

Hinila niya ng mahina ang buhok ko kaya hinila ko rin ang kanya saka nag tawanan.
Kapag tinignan mo si Kie akala mo wala syang problema.

"My god, girls! Look! Mas naging hot si Kevin!" Napatingin kami ni Kie sa kanya at sinundan kung saan siya nakatingin.

Nakita ko sa isang pwesto ang grupo ni Ryan. Ang tagal ko rin sila hindi nakita. At totoo ang sinabi ni Thessa dahil mas lalong gumwapo sila! Naglakihan pa ang mga katawan. Mukhang isinubsob ang sarili sa gym.

"You're right, sis, ang sarap ni Tyron ngayon, pwede bang tumikim?" Nakangiting aso si Kie kaya hinila ko ng mahina ang buhok nya dahil hindi na maalis ang tingin sa lalaki at mukhang mag lalaway.

"Ang dirty mo." Asar ko ng ikinasama niya ng tingin.

"Wala lang yong bebe mo diyan, e!"

Ako naman ang nag sama ng tingin sa kanya. Kahit hindi nya sabihin ang pangalan alam kong si Dino ang tinutukoy nya. Wala na rin akong balita sa lalaking iyon.

"Bebe amp! Bebe your ass!" Sabi ko sabay subo ng cake na inorder namin kanina. Pinagtawanan lang ako ng dalawa kaya mas lalo akong nainis.

"Bakit kaya minsan lang nila nakakasama si Dino, no?" Pag iiba ng topic ni Thessa.

Naalala ko tuloy ang away ng dalawa. Sila lang ata ang nakakaalam mag kakaibigan kung bakit hindi nasama si Dino. At saka ako.

"Pansin ko rin yan kahit noong highschool tayo, kung hindi nga lang tayo nakakasama sa mga party nila hindi ko malalaman na kaibigan nila." Sabat ni Kie. "Ibang klase naman kasi si Dino, introvert ata."

Ganoon din ako dati akala ko hindi nila kaibigan yon, nawala ako sa pakikinig kay Kiendra ng mag tama ang tingin namin ni Winston, kanina pa pala ako nakatingin sa pwesto nila. Ngumiti siya bago kumaway.

Nagkatinginan din kami ni Ryan, hindi siya gulat ng makita ako. Mukhang inaasahan, inalis ko na ang tingin sa kanila at nakipag chismisan na sa kaibigan ko.

"Namimiss ko tuloy si Rose, sana dito na lang din siya, e." Malungkot ang boses ni Thessa.

"Lagi ko nga siyang ka video call. Mukhang okay siya roon." Nakakausap naman pala nila, okay na rin.

Hinayaan ko silang mag kwentuhan habang ako nakikinig lang.

Naikwento rin nila na may condo na raw sila dito malapit sa school kaso sasakay pa ng jeep. Inaya nga nila ako na roon nalang kaso hindi pa nababanggit ng magulang ko kung saan ako. Baka ihatid sundo pa rin ako.

Umuwi na rin kami pag katapos mag kwentuhan, marami pa raw silang gagawin dahil mag aayos pa sila ng gamit. Gusto ko sana tumulong kaso nag text si Dad na umuwi na ako.

Unexpected Life. (Completed)Where stories live. Discover now