Napatingin ako kay Dyllan, nag-aalala ang itsura nya. Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko. Tumayo ako at dere-deretso lang, hindi sya pinansin.
Hindi pa ako tuluyan nakakalayo ng hawakan nya ang braso ko.
"What happend?" Malamig ang boses nya, napahinto ako dahil doon. Hinila ko ang braso ko para mapabitaw sya.
"Isn't your business."
"Ayoko sanang sabihin." Humarap ako sa kanya. Deretso lang syang nakatitig sa akin. Walang kahit anong pinapakitang emosyon. "I don't know who you are, but I know you're not Adrhean." Hindi ko na ikinagulat dahil alam ko naman na alam nya na.
"Please, I want to rest, pagod na ako." Tumulo na naman ang luha sa pisngi ko, hindi ko na kayang punasahan kaya tumalikod na lang ako sa kanya.
Sabay kaming pumasok sa loob ng elevator.
"I think nahahalata na rin ni Ryan." He suddenly said.
"Anong tingin mo sa akin ngayon, Dyllan?" Hindi ako natingin sa kanya.
"I don't know, mahirap pa rin paniwalaan."
Ramdam ko ang titig nya sa akin kaya hindi ko sya nililingon, natatakot ako sa mga mata nya.
"Totoo bang si Kate ang katawan mo?" I nodded.
Wala naman na rin ako magagawa dahil alam nya na ang katotohanan. Hindi ko na sya narinig nag salita kaya tumingin ako, kita ko ang pag ka seryoso nya.
"Hindi ako makapaniwala..." He said after long silent. "Imposible palang mangyari ang ganito."
Bumukas ang floor ko, hindi pa ako nakakalabas ng hilain nya ako ulit paloob. Nanlaki ang mata ko ng mabunggo ako sa matikas nyang dibdib.
"W-what are you doing?" Kinakabahan ako dahil seryoso lang ang itsura nya.
"Pwede bang ikwento mo sa akin ang nangyari? Para matulungan kita." He said to the serious tone.
"Where?"
"Condo ko."
"Pwede mo na ba akong bitawan?" Medyo nagulat pa sya kaya nabitawan nya ako agad, umiwas sya ng tingin at pekeng umubo. Lumayo ako ng kaunti.
Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na sumama sa kanya dito sa condo nya. Malinis at malaki ang unit nya, malawak para sa isang tao.
"Ikaw lang mag isa rito?" Tanong ko habang nililibot ang paningin, ibang iba ang interior design ng kanya kaysa sa akin, mahilig sya sa brown mga nude na kulay.
"Yeah."
Inabot nya ang juice sa akin at umupo sa couch.
"Why Kate still avoiding you? Sinabi mo na sa kanya diba?" Biglaan nyang tanong.
"Hindi sya na niniwala, nag ka Amnesia sya." Tumingin ako sa Orange Juice na hawak ko.
"Is she okay?" Tumango ako.
"Susubukan kong mapalapit sa kanya." Napatingin ako sa sinabi nya. Bakit nya ginagawa 'to? "Sa tingin ko nag tragtrabaho sya sa mansion ng Adamson."
"May gusto kaba sa akin o kay Kate?"
"Wala,"
"Pero bak-"
"Kung ayaw mo edi wag. I just want to help dahil rare ang sitwasyon nyo." Pinatay nya ang TV at tumayo dahil may tumatawag sa kanya, pumasok sya sa isa sa mga kwarto.
Naiwan akong tulala, nagalit ba sya? nag tanong lang naman ako. Inilapag ko ang inumin at inayos na ang gamit ko, sa tingin ko kailangan ko ng umuwi. Gusto ko mag paalam kaya inintay ko syang makalabas muna.