Nag lalakad ako papuntang school ng mapahinto ako dahil may nabangga ang sasakyan, kitang kita ko kung paano tumalsik ang matandang lalaki dahil sa lakas ng bunggo. Natulala ako dahil hindi ko magawang kumilos. Dumarami na ang mga tao para tulungan ang matanda pero ako ay nakatayo lang.
Bigla na lang nag flash back lahat ng nangyari noong gabing yon. Nanlabo ang mata ko dahil sa nag babadyang luha, bumibigat rin ang pag hinga ko at nanghihina ang tuhod ko.
Gusto ko nang bumalik sa katawan ko pero paano? Paano ko gagawin yon. Maski ako ay hindi alam kung paano nangyare ang lahat.
Hindi ako pumasok dahil mabigat ang pakiramdam ko at nanghihina. Pumunta ako sa isang park kung saan ay may mga batang nag lalaro. Nakaupo ako sa silong ng puno, nakayakap ako sa tuhod ko habang umiiyak.
"Bakit narito ka pa? Dapat ay patay na kayong dalawa."
Napaangat ako ng tingin dahil sa nag salita, sobrang lalim non at parang galing sa ilalim ng lupa. Hindi ko sya agad nahanap kaya tumayo ako para ikutin ang puno. Nakita ko ang isang lalaki na naka higa ang kamay nya ay nasa batok nya na ginagawa nyang unan.
"Ikaw si Kate Lyn diba?"
Umakyat lahat ng kaba ko sa dibdib. Naka all black sya at may sumbrelong itim rin.
"P-pano mo nalaman?" Sya na ba si kamatayan? Pero ang gwapo naman nya para sa ganon.
"Simple lang, naroon ako noong naaksidente ka." Nakangisi nyang sabi. "Dapat nga ay patay kana kung hindi lang nag loko ang relo ko noon."
"Anong relo?-Teka nga! Sino kaba talaga? Adik ka ba?"
"Siguro nga ay tama na ang pagpapasarap nyo sa buhay." Tumayo sya at pinagpagan ang itim na pants. "Naranasan mo na ang maging mayaman... Samantalang yung isa ay naranasan na ang pag mamahal at maging masaya."
"May alam kaba sa nagyare sa amin?" Naguguluhan kong tanong.
Napaatras ako ng kaunti ng ilapit nya ang mukha nya sa akin, sinungaling ako kung hindi ko sasabihin na hindi sya gwapo. Halos mag dikit na ang ilong namin dahil sa sobrang lapit nya.
"Kate Lyn Safari." Bigkas nya sa buo kong pangalan. Sino ba talaga sya. Nakahinga ako ng maluwag ng sa wakas ay lumayo na rin sya.
"Bumalik ka rito sa araw kung kaylan kayo nagkapalit. Isama mo rin sya." Tumingin muna sya sa relo nya na umilaw bago tumingin sa akin "See you again."
Napapikit ako ng pitikin nya ako sa noo at nang dumilat ako ay wala na sya. Umikot pa ako sa puno dahil nag babakasakaling mahanap sya.
Isang linggo na lang mag 2years na kaming namamalagi sa kanya kanya naming katawan. Kailangan ko nang makausap si Keyl about dito.
Nawala ako sa pag iisip ng may tumawag sa cellphone ko.
["Bakit hindi ka pumasok? May sakit ka ba?"]
"Tinamad lang ako Thessa, papasok ako bukas wag ka mag alala." Kinuha ko ang mga bag ko dahil balak ko nang umuwi.
["Gaga ka talaga! Kaylan kapa tinamad? Wala tuloy akong kasabay!"] Naiimagine ko tuloy ang naka busangot na itsura ni Thessa ngayon kaya natatawa ako.
"Gusto mo bang tawagan ko si Kevin para may kasama ka?" I teased her.
["Don't you dare to do that, Keyl! Sige na ibaba ko na, dumating na prof. Bye Keyl!"]
Hindi agad ako nakapag salita dahil sa pag banggit nya sa pangalan ni Keyl. Naguguilty na talaga ako na hindi ko sinasabi sa kanya ang totoong ako.
Sana kapag nalaman nya ang tunay kong pagkatao ay tawagin nya ako sa pangalan ko. Wala nang mas sasaya pa sa akin kung mangyare man iyon.