Chapter 5: What Happened that Night

52 11 0
                                    


Ano nga ba ang tunay na naging dahilan ng pag alis ni Monica sa bahay nila nung Gabi? Ano ang naging away ng mga Magulang ni Monica?

Normal lang sa mag asawa ang mag away, pero dapat isipin muna nila kung ano ang magiging apekto nito para sa anak nila

Tatay Noel's POV

~2021

"Saan ka na naman nang galing?!" ang sinabi saakin ng asawa ko non

"Pwede ba 'wag mo ako pakelaman!" ang sinabi ko sakanya

"Dyan, dyan ka magaling! Pulis ka pero napaka panget ng bisyo mo! Inom ka ng inom hindi mo ba naisip na marami pa tayong utang na babayaran?!" galit na sinabi saakin ng asawa ko

"Ano naman? Hindi pa pwedeng maging masaya paminsan minsan? sawang sawa na ako sa Pagbububunganga mo!" ang sinabi ko sakanya

"Kung ganun lang naman maghiwalay na tayo!" seryosong sagot sakin ng asawa ko

Hindi ko namalayan na si Monica ay nakikinig saamin, nakita nalang namin siya tumatakbo palayo saamin

"Nakita mo na? Palaging na naapektuhan ang anak natin! Naglalasing ako pero hindi ako pabayang magulang! Tignan mo pagkakaiba natin. Ikaw na walang bisyo na walang pakelam sa anak natin!" nanginginig ako sa galit

Kung alam ko lang na ayun ang huling beses na makikita kong buhay ang Anak ko sana hinabol ko na siya.

~2025

Noah's POV

Nalaman ko na unti unti kung ano ang naging dahilan ng pag alis ni Monica sa Bahay nila nung Gabing 'yon,

"Tatay Noel, Bago po 'yon mangyari, may natanggap po ba kayong text muka kay Monica?" Ang tinanong ko kay Tatay Noel

"2M" pinakita saakin ni Tatay Noel ang huling text message ni Monica

"2 Million ba ang ibig sabihin niyan?" tanong ni Tatay Noel

Iniisip ko kung ano ito hanggang sa malaman ko ang ibig sabihin.

"Hindi tatay Noel, 2M ay 2 Males nangangahulugang dalawang lalaki" kinikilabutan ako

Biglang nanghina si Tatay Noel at hinimatay....

May kinalaman nga ba ang dalawang lalaking barkada ni Monica sa Nangyari kay Monica?

Pareho kami ang nasa isip ni Tatay na ang Dalawang Lalaking tinutukoy ni Monica ay ang Dalawa nitong Kaibigan

Nang magkaroon na ng Malay si Tatay Noel muli akong nagtanong sakanya

"Tatay Noel, alam niyo po ba ang pangalan nung mga yon?" tanong ko sakanya

"Wala akong alam, Pero naaalala ko noon na sa Parehong school rin kung saan nagaral si Monica nag aaral ang Dalawa" sagot saakin ni Tatay Noel

~Academy of Saint Andrew

Noah's POV

Alumni ako don, doon ako nag High School at doon rin Gumraduate, Pero hindi ako pumunta don para bisitahin ang paaralan. Pumunta ako noon para humingi ng mga kaalaman tungkol kay Monica Bustamante

Nakita ko si Sir Gerald. Siya ang Grade 11 Teacher ko.

"Sir! Kumusta?" ang sinabi ko kay Sir

"Noah! Ikaw pala 'yan. Kaytagal na natin hindi nagkita. Ayos lang ako, Ikaw kumusta ka?" ang sagot saakin ni Sir

"Isa na akong lawyer" proud akong sinabi kay Sir

"Congrats, Anak! Napasaya mo ako don" Masaya si Sir na isa na akong Lawyer

"Ano pala sadya mo dito? Namiss mo ba ang school natin?" tanong niya saakin

"Related ang school natin sa Kasong inaayos ko ngayon, The Case of Monica Bustamante"
ang sinabi ko kay Sir

"Ang babaeng natagpuang patay sa isang Resort diba? Kayo pa nga nakakita non?" ang sinabi saakin ni Sir

"Opo, ipinangako ko po kasi sakin noon na hindi ko pababayaan ang nangyari sa Babae. May kilala po ba kayo makakatulong sakin para makakuha ng mga papeles ni Monica?" Ang sinabi ko kay Sir

"Tatawagin ko lang ang Principal namin, Sandali lang" Umalis si Sir Saglit

Maya maya lamang ay lumalapit na si Sir Sakin

"Wala po ang principal Sir?" malungkot na tanong ko

"Nalimutan ko... Ako nga pala ang Principal dito" ang sinabi saakin ni Sir

Masaya ako dahil may makakatulong na saakin.

~2021

Tatay Noel's POV

Matapos ang insidente, Naghiwalay kami ng ina ni Monica

Kasalanan mo 'to! Kasalanan mo lahat to!" Nagagalit na Boses ng asawa ko

"Ginusto ko ba mangyari sa anak natin 'to?! Walang may gusto neto. Aksidente ang nangyari!" Ang sinabi ko

Hanggang sa itanong ko ang Ikinamatay

"Suffocating while being raped" ang sinabi saakin

"Kawawa ang anak ko, Walang kaawa awang Pinaslang! Mga Hayop gumawa nito sakanya!" Sinusumpa ng Asawa ko ang nangyari

"Maghiwalay na tayo" sinabi ng asawa ko

"Mag usap tayo, Wag kang ganyan" ang pakiusap ko sakanya

"Wala na tayong pag uusapan" ang sinabi niya saakin

Nawalan na ako ng Anak, Nawalan pa ng Asawa. Hanggang Kailan ang Paghihirap ko?

Nagkita pa kami sa Lamay noon, Matapos ang Libing Hindi na muli kami Nagkita at Nakapag usap.

~2025

Noah's POV

Tinutulungan ako ni Sir Gerald sa kaso, Maayos naman ang Lahat hanggang sa Makita ko ang isang babaeng nakakabighani ang itsura. Pero, Itutuloy ko pa rin ang Kaso.

------------------

Paano kung sa kalagitnaan ng imbestigasyon mo ay makilala mo ang taong magmamahal sa'yo? Paano rin kung ang Babaeng yon ay ang babaeng tinutulungan mo sa imbestigasyon? Siya nga ba ang Monica sa Kaso o iba siya sa Monica sa kaso?

Ang Pagpasok ni Monica sa Susunod na Kabanata, Malapit na!!

•End of Chapter 5

Deadly Love (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon