Before the Secret Exposed
Bago pa man malaman ni Noah ang Katotohanan, Unti unti na siyang nag hahanap ng Pruweba ukol dito.
"Alam kong Tunay na tao si Monica, Imposibleng Multo o Kaluluwa na lang siya" -Noah
Noah's POV
"Oh, Tol. Bakit mo kami pinapunta?" -Raymond
"Naalala niyo ba yung Nagbigti sa Resort non, 4yrs ago?" -Noah
"Yung Babae? Bakit?" -Lucas
"May picture ka non diba Raymond?" -Noah
"Bakit mo kailangan?" -Raymond
"Ako ang Abogado sa Kaso nung Babae. Ilang taon na rin hindi pa rin nabibigyan ng Hustisya si Monica" -Noah
"Gusto mo ba tulungan ka namin sa kaso niya? Parang mahihirapan ka masyado kung ikaw lang mag iisa mag iimbestiga" -Lucas
"Narito ang Litrato na kailangan mo" -Raymond
Tumayo ang Balahibo ko, at Nagulat. nung una hindi ako makapaniwala.
Pero, kamukha ng Monica na kasintahan ko ngayon si Monica Bustamante.
Nagsisimula na rin ako magduda kung ano nga ba ang totoo, inisa isa ko ang mga Lugar na pinuntahan namin.
Sinimulan ko sa Restaurant nung First Day namin...
Restaurant (1 Araw bago malaman ang Katotohanan)
"Sir, Naaalala niyo pa ba ako?" Tanong ko sa Crew
"Oo naman, Sir. Kasama niyo po ba yung Kasintahan niyo?" -Crew
"Nung gabing sumasayaw ako at kumakain dito, may kasama ba ako?" -Noah
"Yun nga po sasabihin ko sir, Nagtataka po kaming Lahat dito sa mga nakita namin. Dinouble check pa nga po namin sa CCTV" -Crew
"Maaari ko ba mapanood?" -Noah
Pumayag siya at ipinakita saakin ang sinasabing CCTV nung araw na 'yon.
Ano ang nasa CCTV?
Matapos pumasok si Noah, unti unting Bumukas ang pintuan kahit wala namang nakitang dumaan.
Maya maya lamang ay may kinakausap na si Noah kahit wala naman siyang Kasama.
Sa Clip na Kumakain sila, Napapansin rin na gumagalaw ang kutsara at tila ba may gumagalaw kahit si Noah lang naman ang nasa Lamesa.
Sa isa pang clip nakita si Noah na kala mo may kapareha pero siya lamang ang sumasayaw, ang mga sumunod na Clip ay nakakakilabot.
Namatay unti unti ang CCTV matapos nila magsayaw.
Noah's POV
"Ayan na lahat yun?" -Noah
"Meron po ako sa Phone nung may hinahalikan po kayo" -Crew
Pinanood saakin ito nang Crew. At may napansin kami.
Bukod sa may parang Hinahalikan ako, May dugong tumutulo sa kinatatayuan ni Monica. at sa Isang Picture pa na dun lang rin niya napansin
Nakatingin si Monica sa Camera. Pinaghamabing ko ang Litrato mula kay Raymond at Litrato mula sa Crew. Hindi ako naniniwala na yun si Monica.
Hanggang sa nung Pumunta kami sa Resort at Iniligtas ko siya dahil malulunod na siya
Nang iligtas ko si Monica ang sinabi ng mga tao
"Sino yang nililigtas mo? Wala ka namang Kasama kanina" -Crew ng Resort
"Hindi niyo ba nakikita---" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil totoo nga ang sinasabi nila.
Wala nga akong niligtas... Unti unti sumagi sa Isip ko ang sinasabi nila Mama.
"Totoo nga ang sinasabi ni Mama, Bakit ako naniwala sa mga Kasinungalingan mo" -Noah
Matapos ang insidente umuwi na ako ng Bahay.
Bahay
Noah's POV
Nagsisi akong Hindi ko pinaniwalaan si Mama, Ngayong alam ko na si Monica at Monica Bustamante ay Iisa. Gusto ko malaman bakit siya nagpapakita saakin. May gusto ba siyang itulong sakin para maayos ang kaso niya?
Nakipag kita ako kay Tatay Noel
"Oh, Noah. Bakit ka nakipag kita?" -Noel
"Huwag po kayong Mabibigla" -Noah
"Bakit? ano meron?" -Noel
"Nakakasama ko po ang anak niyo" -Noah
Nakita kong nagulat si Tatay Noel
"Paano mo naman yan nasabi?" -Noel
Pinakita ko sakanya ang Litrato kung saan may mga dugo at kita ng bahagya ang Katawan ng isang Babae.
"Si Monica nga!" -Noel
Nakilala niya si Monica dahil sa Kwintas na nahagip ng Camera
"Bakit nagpapakita siya sa'yo, Noah?" -Noel
"Hindi ko po alam, Hindi kaya may gusto siyang sabihin sa'kin?" -Noah
Ikinuwento ko kay Tatay Noel na si Monica ay Nagpapanggap na Buhay at naging Kasintahan ko pa ito.
"Pagpasensyahan mo na siya kung nagpanggap siyang Buhay at naging Kasintahan mo siya. Alam ko namang hindi masama ang Anak ko" -Noel
Ilang Linggo ang Lumipas, Hindi ko na muli pa nakita si Monica...
Ngayong Alam na ang Katotohanan, Mabibigyan pa kaya ng Hustisya si Monica? Ano ang mga susunod na mangyayari? Sino ang may Sala sa nangyari kay Monica?
Teaser:
Noah's POV
May hindi inaasahang Balita ang Natanggap ko, At sa Balitang ito Magbibigay na nang Linaw sa Pagpatay kay Monica...
Pinuntahan ko ang mga may Salarin..
"Kailan niyo pa ito nilihim sa'kin! Kailan niyo pa pinagtakpan 'to?!" -Noah
"Parang awa mo na, Huwag mo kaming Isusumbong" -(Abangan)
"Huwag Isusumbong?! Kalat na mga Kasalanan niyo! Nandidiri ako sainyo!" -Noah
"Isusumbong mo ba kami o gusto mo nang sumunod kay Monica sa kabilang Buhay?!" -(Abangan)
"Sige iputok mo! Hindi naman ako ang magdudusa sa impyerno, Kayo!" -Noah
-----------------------
Sa Nalalapit na Wakas ng Kanilang Kwento, kasabay ba nito ang Pagwawakas ng Buhay ni Noah? o ang Pagwawakas ng mga Kasinungalingan ni Monica?
Walang Kasalanang Hindi Nabubunyag. Ang mga may Sala Lalantad na. Abangan sa
Huling Apat na Kabanata ng"Deadly Love" The Last 4 Chapters
•End of Chapter 12
![](https://img.wattpad.com/cover/256449865-288-k831209.jpg)
BINABASA MO ANG
Deadly Love (Book 1)
Mystery / Thriller[BOOK 1] Ang kwento na ito ay tungkol sa isang lalaking may pangalang Noah, na nangangarap maging abogado upang mabigyan ng hustisya ang krimen na kanyang nasaksihan nung siya'y estudyante pa lamang. Ngayong isa na siyang abogado, isang babae ang ma...