Chapter 6: Monica

50 9 0
                                    

Chapter 6: Monica

Paano kung sa kasagsagan ng imbestigasyon, Makita mo ang Babaeng Magmamahal sa'yo?

Paano rin kung ang Babaeng Makikilala mo at ang Babaeng tinutulungan mo ay iisa? Iisa lamang nga ba sila?

Itutuloy ba ni Noah ang Kaso? Sino ang Pipiliin niya, Si Monica na binibigyan na ng Hustisya o ang Monica na Iibig sakanya?

Lahat ng 'yan ay Masasagot dito lamang sa Chapter 6: Monica

Noah's POV

Habang nasa Academy of Saint Andrew ako, Kasama ang Principal na si Sir Gerald. Isang Babae ang Lumapit saakin.

"Kaklase kita noon" ang sinabi saakin ng Babae

Tinanong ko siya kung ano ang pangalan niya,

"Grade 11 tayo non, Ako nga pala si Monica" Monica rin pala ang Pangalan ng Babae

Hanggang sa Naalala ko nung Grade 11 kami

~2016

Naalala ko ang Babaeng nagustuhan ko non, Siya pala si Monica. Bago ko makilala si Isabella may isang Babae akong nagustuhan.

Grade 11 Year 2016

Noah's POV

"Class, Find your Partner siya ang makakatabi niyo Hanggang matapos ang buong Grade 10 ninyo" -Sir Gerald

Lahat ng Kaklase namin mayroon ng Katabi, ako nalang ang wala. Akala ko non ako lang ng biglang may Late na Babae na Dumating

"Name?" tinanong ni Sir sa late na Babae

"Monica po" ang sagot ng Babae

"Sakto wala pang katabi si Noah, Kayong dalawa na ang magtabi" Ang sinabi ni Sir Gerald sa amin

Maganda, Maputi at Tahimik si Monica noon kaya hindi ko madalas nakakausap hanggang sa naalala ko non

Nakatulog si Monica habang nag klaklase, Hindi niya namalayan na yung ulo niya nakasandal saakin

Ang mga Kaklase namin pilit kaming inaasar at Tinutukso,

"Ako na ang Pari" Pabirong sinabi ni Lucas

Matagal ko ng Kaibigan si Lucas, Kaibigan niya si Raymond kaya naging Kaibigan ko na rin si Raymond.

Nang dahil sa Pang aasar hindi ko namamalayan na unti unti ko ng Nagugustuhan si Monica

Hindi ko alam kung bakit na fafall ako sakanya, Pinapakopya niya kasi ako. Ang Cute rin niya kapag tinatali niya ang Buhok niya. Bumibilis ang Tibok ng Puso ko tuwing nakikita ko siya.

Monica's POV

Sobrang Ingay ni Noah! Nakakairita. Pero dahil sa Kaingayan ang Kakulitan niya Unti unti ko na rin siya Nagugustuhan, Gusto ko nang umamin kaso nauunahan ako ng Takot. Paano kung Ayaw niya saakin?

"Monica, Pakopyahin mo na ako Parang awa mo na" -Noah

Sinong hindi maiirita sa ganyang ugali diba?! Pero ang Cute niya eh

"Eto na Papakopyahin ka na, Nangungulit ka na naman eh" Ang palagi kong sinasabi sakanya

"Haynako, Monica! Na fa fall ka na sakin haaaa" Sinigaw ba naman ni Noah, Edi narinig ng mga Kaklase namin

"Yieeeee!!"

"Noah naman pala"

"KADIRI! YUCKS!" sinigaw ko rin

Alam kong nasaktan si Noah non, Hindi niya alam gustong gusto ko pag kinukulit niya ako. Gustong gusto ko tuwing nangongopya siya

Noah's POV

Ang sakit, Hindi pa ako umaamin halatang ayaw niya na saakin magmula nung sinabi niyang Nandidiri siya.

Tumigil ako sa Pangongopya at Pangungulit. Hindi pa man ako umaamin gusto ko na pigilan ang nararamdaman ko para sakanya.

Monica's POV

Nanibago ako kasi Hindi na siya Nangungulit at Nangongopya, Argh! Ka miss.

"Kopya ka sakin oh" ang sinabi ko kay Noah

"Yucks! Ano akala mo sakin mangongopya sa'yo?" Ang sinabi saakin ni Noah

Alam ko na may Kinalaman to sa Nasabi ko sakanya, Hindi ako Sanay na ganyan siya

"Tungkol pa rin ba 'to sa sinabi ko sa'yo? Sorry na, Hindi ko naman sinasadya sabihin 'yon eh. Hindi ko alam nakasakit na pala ako" Nag sosorry ako sakanya.

Hindi niya ako pinapansin, Edi don't! De joke lang. Sinuyo ko pa siya non.

May Kaibigan ako si Isabelle, Sakanya ko pina paabot ang mga gusto kong ibigay kay Noah

Noah's POV

Hindi man ako gusto ni Monica, Nakilala ko naman si Isabelle.
Palagi niya ako pinapadalhan ng mga Chocolates pati Pabango. Kaya feeling ko gusto niya ako

Ano kaya nagustuhan sakin neto, Kaya lang si Monica pa rin gusto ko eh. Siya ang iniisip ko habang binibigay saakin ni Isabelle ang mga 'yon.

"Noah, Kanino galing yan?" Nagulat ako ng Tinanong ni Monica

"Bakit nag seselos ka ba?" Ang sinabi ko sakanya

"Alam mo nakakadiri ka talaga, Napaka feeling neto" Ayan na naman siya sa mga masasakit na salitang sinasabi niya.

Monica's POV

Lahat ng Bagay ginagawa ko para hindi malaman ni Noah na gusto ko siya, Hindi niya alam lahat ng Ibinibigay sakanya ay Lahat galing saakin

Pero mali ako, Natunghayan ko lang naman ang Love Story nila ni Isabelle na dapat para saamin ni Noah.

Noah's POV

Habang tumagal nawawala na ang Feelings ko kay Monica, Si Isabelle na ang gusto ko. Sana ganun rin ang Tingin niya saakin

Gusto ko ng Umamin, nag aantay lamang ako ng Tamang Panahon

Isabelle's POV

Nung una balewala saakin ang mga pinapasuyo ni Monica na Ibigay doon sa Lalaki na Pangalan ay Noah. Sabi ko nga sakanya na sabihin ko na Siya nagpapadala non pero ayaw niya ipaalam.

Edi yon, Kahit na alam kong mali. Nagugustuhan ko na rin si Noah.

~Before Grade 11 Ends

Monica's POV

Aamin na ako, Gustong gusto ko na talaga si Noah

Papunta ako non kung nasaan si Noah nang sa.....

"Gusto kita, Isabelle" Ang sinabi ni Noah kay Isabelle

"Gusto rin kita, Noah. Pero, may sasabihin muna ako.... Lahat ng dinadala ko ay------" Hindi natuloy ang sinasabi ni Isabelle

Dahil hinalikan siya ni Noah.

Alam kong mali ako. Ako yung naging Dahilan ng Pagkikita at Pagmamahalan nila. Ako ang nauna pero siya yung Minahal.

Paano nga ba kung ako nalang nagbigay noh? Wala na eh. Huli na ang Lahat. Nasa Huli talaga ang Pagsisisi.

Masakit makita na yung taong mahal na mahal mo may Kahalikan at Minamahal ng Iba.

Ano nga ba ang mga sumunod na Nangyari? Abangan sa Susunod na Kabanata

•End of Chapter 6

Deadly Love (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon