Chapter 7: Realizations

48 10 1
                                    

~Before Grade 11 Ends

Monica's POV

Aamin na ako, Gustong gusto ko na talaga si Noah

Papunta ako non kung nasaan si Noah nang sa.....

"Gusto kita, Isabelle" Ang sinabi ni Noah kay Isabelle

"Gusto rin kita, Noah. Pero, may sasabihin muna ako.... Lahat ng dinadala ko ay------" Hindi natuloy ang sinasabi ni Isabelle

Dahil hinalikan siya ni Noah

Matapos non ang nabalitaan ko na lang sila na

Year 2021

Noah's POV

"Monica, ikaw na pala 'yan" ang sinabi ko kay Monica

Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko pa rin yung mga naramdaman ko sakanya kahit 9 Years na ang nakakalipas, Gusto ko pa rin kaya siya?

"Wala ka bang gagawin mamaya? like date sa boyfriend?" Tinanong ko sakanya

"Haaa? Boyfriend wala ako non, Ikaw Kumusta na kayo ni Isabelle?" Tinanong saakin ni Monica

"Oh? Hindi nga wala ka talagang BF? si Isabelle, 6 taon na rin kaming hiwalay" Ang sinagot ko kay Monica

"Kain tayo sa labas mamaya, G ka?" Niyayaya ko siya kumain sa Labas

"G lang, text mo nalang number ko" binigay niya saakin ang number niya

Nagkita kami sa isang Restaurant Malapit sa School

Nag uusap kami, napapansin ko na nakatingin saamin yung mga tao na kumakain rin. Hindi ko alam bakit ganun sila makatingin

"May sasabihin ako sa'yo, Noah" -Monica

"Ano 'yon?" -Noah

"Grade 11 tayo non, Aminin ko sa'yo naalala mo nung naiirita tsaka naiinis ako sa'yo. Gusto talaga kita non" Nagulat ako sa sinabi ni Monica

"May aaminin rin ako, Natutuwa ako kapag Iniinis tsaka Kumokopya ako sa'yo. Magmula non di ka na nawala sa isip ko" -Noah

"Ano ba, Noah. Bakit ngayon mo lang sinabi sa'kin 'yan" -Monica

"Hindi ko alam paano ko aaminin sa'yo palagi ka kasing naiirita tsaka nandidiri sa'kin non" -Noah

"Naalala mo yung mga binibigay sa'yo ni Isabelle?" -Monica

"Ah, 'yun. Oo" -Noah

"Sa akin galing lahat 'yon, Hindi ko alam kung paano ko aaminin sa'yo kaya pinapadala ko nalang kay Isabelle. Hindi ko naman alam na dahil don magkakatuluyan kayo" -Monica

"Sorry, Hindi ko talaga alam. Kung alam ko lang na gusto mo ako non sana matagal ko na rin inamin sa'yo. For now we can be friends naman 'diba?" -Noah

"Oo naman, Bakit naman hindi" -Monica

Noah's POV

Magmula nung Araw na 'yon, palagi kaming nag uusap at Nag kikita. Hanggang sa Nasanay na kami sa isat isa. Masaya ako na kasama siya.

May isang bagay ata akong nalimutan, Ang kaso ni Monica Bustamante. Nagsimula na muli ako kumuha ng mga Impormasyon.

May isang tao pa ang hindi ko pa nakakausap, Ang Nanay ni Monica. Hindi ko alam saan siya Hahanapin, Maging si Tatay Noel wala ng Contact sakanya

Monica's POV

Aaminin ko, masaya ako kapag kasama ko si Noah. Para bang binabalik ako sa nakaraan. Lahat ng Realizations ko. Bakit nga ba kasi Hindi ko sinabi simula pa lang, Edi sana Walang nagsisisi saming Pareho

Pagkatapos kasi maghalikan ni Noah at Isabelle, eto yung mga sumunod na Nangyari

~Before Grade 11 Ends
Noah and Isabelle First Kiss

Monica's POV

Nakita ako ni Isabelle, Pero hindi ako nakita ni Noah. Kaibigan ko si Isabelle pero bakit niya ginawa 'yon, "Alam niyang Gusto ko si Noah tapos ginusto rin niya, Sana pinigilan na lang niya kasi alam niyang may Masasaktan."

Kung akala niyo ganyan ako mag isip, Hindi.

Pagtapos nila maghalikan ni Noah, Hinabol ako ni Isabelle

"Monica, I'm sorry" -Isabelle

"Huwag ka na mag Sorry sa'kin, Hindi naman kita mapipigilan eh. Hindi rin naman siya Sa'kin kaya wala akong Karapatan" -Monica

"Pero---" Isabelle

Niyakap ko si Isabelle at sinabi ko na

"Puntahan mo na si Noah, Baka nagtataka na yon bakit bigla kang nawala" -Monica

Kahit masakit, Okay lang. Kahit hindi na ako Basta makita kong masaya kung Taong Iniibig ko.

Nagka Reunion yung Batch namin nung 2017

~Year 2017

"Magandang Araw mga Kaklase, Sa susunod na Taon College na tayo" Sinabi nung President ng Klase namin non Luna pangalan niya.

Nakita niyang Dumadaan si Noah at Isabelle

"Andito na pala ang Love Team ng Batch natin non, Noah at Isabelle" Naka mikroponong sinabi ni Luna

Nagulat ako ng Umakyat si Noah sa Stage sinabi niya na

"Kami na ni Isabelle, Last year pa" -Noah

Nagulat ang lahat ng mga Kasama namin non

Alam kong masakit, Kaya tinigil ko na yung Nararamdaman ko para kay Noah.

Noah's POV

Hindi lang dahil sa Nakita nung Pamangkin ko na naghalikan kami ni Isabelle nung Pasko kaya kami nag Hiwalay. May naging Isang Dahilan pa

~ December 25, 2020
Noah and Isabelle Break up

Naiwan ni Isabelle na Bukas Phone niya, Chismoso ako eh kaya Binasa ko. Nakita ko na may Kausap siya na Marcky ang Pangalan.

"Sino si Marcky, Isabelle?" -Noah

"Kaibigan ko lang 'yan, Noah" -Isabelle

"Kaibigan pero nag iiloveyou-han? Sweet niyo naman?" -Noah

"Sabing kaibigan ko lang nga siya" -Isabelle

Hinalikan ako ni Isabelle para malaman ko daw na ako lang Mahal niya.

hinalikan niya ako. Unti unti niyang sinasarado pinto ng biglang may nagsalita

"Kuya Noah what are you doing?" sabi ng pamangkin kong si Kurt

"We're just playing, go to sleep na" mahinahon na sagot ko

Tapos 'yon, sinabi niya nga yon habang kumakain kami, Tawa ng tawa Pamilya ko.

Tapos nag Break na kami.

Between Love and Job what will you choose?

Ano ang uunahin mo, Kung ikaw si Noah? Ang Pag ibig o ang Trabaho mo na Bigyan ng Hustisya si Monica?

Si Monica sa Kaso ba ang Pipiliin niya o si Monica na First Love niya?

•End of Chapter 7

Deadly Love (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon