137

97 5 0
                                    

Riri's POV

Dali-dali aking bumangon sa kama at nagpalit ng damit. Kingina, nung nag-chat talaga si Tita Fely na nabangga si Al, parang may tumambol sa aking dibdid.

“Oh, san ka pupunta?” Tanong agad ni Mama ang bumungad sa akin pagkalabas ko sa kwarto.

“Sa ospital po,” may tinanung pa siya pero di ko na pinansin. Dali-dali akong lumabas ng bahay at pumunta sa garage.

“Kingina naman,” naalala ko na wala pa la kaming garage.

Kaya naman lumabas na lang ako at naghintay na may pumara na taxi.

“Hello?” Sagot ko sa tawag.

“Babaita, asan ka?”

“Ley, sunduin mo ako please.”

“Gago. On the way na ako.”

“Hintayin kita,” binaba ko na ang tawag at umupo na lang sa sidewalk.

Tangina naman kasi. Sana prank lang this. Di ko ata kakayanin na mawala si Al.

Ket spokening dollar yun, mahal na mahal ko yun.

Pero pain kung di ako yung mahal.

“Tumayo ka na dyan, gaga.” Napaangat ako ng tingin.

“Gago. Sabing tayo na eh. Mamaya ko na sasabihin,”tumango na lang ako at pumasok na sa car niya.

“Bat ganyan yan?” Takang tanong ko.

“Anong ganyan?” Nakakunot noong tanong ni Liyyah.

“Gaga. Bat ganyan yang buhok mo?”

“Color? Nagustuhan ko eh. Saan tayo pupunta?” Sinabi ko na lang kung saang ospital kasi tinatamad na akong makipagchikahan sakanya.

“One year na pala kayo ni Al, noh? Sanaol.” Napalingon ako sa kanya.

“Gago. One year na kami?” Di ako makapaniwala. Tangina.

“Mag one year pa lang. Gaga ka.” Eh? Bat di ko knows?

“Mamayang 12. Gaga ka, kinalimutan talaga eh noe?” Pinagsasabi nito?

“Ano na ba ngayon?” Takang tanong ko.

“March 31.”

“Tangina.”

“Tangina talaga.”

Hindi naman nagtagal at nakadating na kami sa hospital.

“Di ka sasama sakin?” Tanong ko nung ako lang yung lumabas sa kotse niya.

“Nah. May pupuntahan pa ako. Ciao.” And then broom. Umalis na siya.

Dali-dali kong pumasok sa ospital at tinanung ang nars na nasa information desk or something like that kung saan ang room ni Al.

Room 041. Second floor.

Godbless. Tinatamad ako mag floor kaya nag elevator na lang ako.

Hey, Can You Love Me? | Epistolary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon