Simula- 1

14 3 0
                                    

Amber's POV

Sa pagbukas ng pinto ay bumungad sa akin ang tingin at ngiti ng mga tao. Naroon sina Tita Audelia, Kuya Tristan, mga impakta kong bestfriends at mga batchmates namin noong high-school. Mahabang puting gown ang suot ko na kumikinang habang hawak ko ang isang bouquet na puting rosas. Sa dulo ng altar ay naroon sya. Makakapal na kilay, namumulang labi na kahit sino ata ay mapapatingin at mga matang matalim na pangingilabutan mo kapag tinignan. I was getting closer and closer at ng makarating ako sakanya ay hinawakan niya ako sa baywang at hinarap sa kanya. He smiled as he holds my chin at unti-unting nilalapit ang mukha nya saakin. This is it pansit, Lord first kiss ko to!

"Amber wake up! It's already 8 in the morning" agad akong napamuklat at nilingon si Tristan, my super overprotective and bossy brother. Nakataas ang kilay niya at iiling-iling akong tinignan.

"Hindi nako papasok" sabi ko dito at humiga ulit para matulog.

"Papasok ka sa ayaw at sa gusto mo kaya bangon na" napairap nalang ako at sapilitang bumangon para pumunta sa banyo. Grr kahit kailan talaga!

Matapos maligo ay hinanda ko na ang uniform ko. Puting long sleeves na pinatungan ng abot hanggang tuhod na dress lang naman para sa mainit na panahon ang uniform namin at tipong dadating ka sa school ay mas iinit dahil puro demonyo ang mga nasa loob. Joke lang syempre pero oo nakakairita na ganto suot dahil 3rd floor pa ang classroom namin at yun yung may scenario na paakyat ka tas biglang hahangin kaya magsisitaasan mga palda ninyo.

Naalala ko nun 3rd yr high-school ako, 4th floor yung classroom at sakto mahangin, paakyat nako ng tumaas palda ko tas nakita ng kaisa-isahang Jace Gonzales, ang 3 yrs ko ng crush. Oo for 3 yrs nanatili akong palihim na humanga sa kanya well sino ba namang hindi? Gwapo na nga, gitarista pa at nangunguna sa listahan ng mga Honor Students. First yr ako nun nung nakilala ko si Jace sa party sa school namin, naalala ko non kung pano nagslow-mo lahat the moment na tumugtog sya at pano naghiyawan ang mga students nung banda na nila ang tutugtog. Jace became my inspiration sa lahat and until today, hindi nagbago yun.

Pagkadating ko sa campus ay sumalubong sakin sina Sabrina at Elliah, ang bestfriends ko since first year.

"Omg girl himala at maaga ka ngayon" puri ni Sab at napairap naman ako

"Tantanan moko Sab, 8:40 na ng umaga at kanina pa ko late" kung hindi naman kasi ako pinilit na pumasok ni Tristan edi sana humihilik pa ako diba hay nako life!

"Duh wala si Ms. Dragon ngayon teh. 10 am pa next na klase natin" irita kong tinignan si Elliah.

"BWISET TALAGANG TRISTAN! Sabi na kasing di ako papasok eh!"

"Gaga buti nga at pumasok ka dahil may bagong fafa sa campus natin" hiyaw ni Sab na kinikilig.

"For sure isasama mo nanaman yan sa lista mo Mendoza" asar ko dito at napatigil kami ng may motor na tumigil sa harapan namin. Sakay nito ang mala anghel-- teka! Anong ginagawa niya dito?!

Mali ang term na 'anghel' para sa kanya dahil isa itong demonyo.

"Ikaw?!" tumaas naman ang kilay nito at pilyong ngumiti na halatang nangaasar.

"Hi neighbor" at kumaway pa ang mokong. Napanganga naman ang dalawa kong kasama at sabay napatanong

"Magkapitbahay kayo?!"

"Yes. Kilala ko ang kaibigan nyo. Right Amber?" agad na sagot nito. Baket naman ganyan kung tumitig ito bigla akong kinilabutan. Tinalikuran ko ito at narinig pa ang pagtawa sabay na sumunod sina Sab.

"Hoy babae panong kilala mo yun na transferee? Tsaka kapitbahay? Bat di namin alam?" sunod sunod na tanong ni Elliah.

"Long story. Matagal ko na yun na kilala" paliwanag ko at tsaka muling naalala ang mga nalaman ko tungkol kay mokong.

"Omg! Pakilala moko sis!" hiyaw ni Sab at nilingon ko naman agad ang dalawa.

"Kayo ha kung hahanap kayo ng jojowain niyo utang na loob wag lang dun" seryoso kong sabi at bakas ang pagkabigla sa mukha nila.

"Baka type nya" rinig kong bulong ni Elliah at napailing nalang ako.

"Teka si Jace yun ah?" sabay turo ni Sab. Agad akong napatigil at sinundan ang tinuturo nito, si Jace nga shet! Pero teka bakit parang saamin sya papalapit?

"Hi Amber" bati nito at ngumiti din naman ako pabalik habang nagpipigil sa kilig. Shet ka Amber umayos ka.

"Uy! Kamusta naman?" tanong ko dito at napakamot naman ito sa ulo nya. May kuto ka beh? Charoot!

"Ayos naman. Uhm may favor sana ako sayo" at parang nahihiya pa.

"Ha? Ano yun?" hindi kaya yayayain niya ako lumabas? Char! Asa ka Amber, hindi ikaw ang gusto niya.

"I saw your video singing a song na sinulat mo and I like it. Tatanungin sana kita kung gusto mo magcollab tayo?" Ako kaya kailan mo ilalike? Pero teka! Pano niya nalamang may video akong ganun?

"Pano mo nalamang nagcocompose ako?" ang alam ko lang namang pinakitaan ko nun is sina Sab pati si Tristan dahil nahuli nya ko nun na kumakanta sa kwarto ko. For years, yung pagsusulat ng kanta at mga tula ang naging way ko to escape sadness and everytime na gagawin ko yun pakiramdam ko ako lang ang tao sa mundo and that I was meant to do that kaya it became my comfort since then.

"Actually si Elliah nagsabi sakin" at nilingon ko naman ang gaga na agad nagpeace sign. Pinandilatan ko naman ito, lintek ka mamaya ka saken. Anyway, baka chance ko narin to.

"Sure! Game ako, kailan ba start?" napangiti naman ito sa sagot ko. Juice colored that damn smile.

"That's good well free kaba today after class? Monday and Friday kami lagi may vacant. Ikaw ba?"  Buti nalang same kami ng vacant every Friday. Is this meant to be??

"Oo free ako and vacant rin namin pag Friday. Ngayon ba mismong Monday start?" yes Amber di ka naman halatang excited eh noh.

"Oo sana kung ayos lang sayo?"

"Wala naman akong ibang gagawin kaya sige I'll see you mamaya" ngiti kong saad dito at ngumiti rin ito pabalik. Sige Jace tama yan dapat sakin lang yang ngiting yan!

"Great. I'll see you Amber" at nagpaalam na para umalis atsaka ko lang narealize ang lahat. Wtf 2 times a week ko makakasama si Jace?!?

The Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon