2

14 2 0
                                    

"Oo nga jusko ngayon mo lang narealize?!" lokang sambit ni Sab. Pano ba naman kasi ngayon ko lang narealize lahat ng sinabi ni Jace. Paking shet as in!

"Eh sino ba kasing nagsabi sakanya tungkol sa pagcocompose ko diba?" sabay tingin ko kay Elliah.

"Hehe sorry na girl. Sus kunyare pang ayaw. Ginawa ko lang naman yun kasi narinig ko nung isang araw na naghahanap si Jace ng pwede nyang makaduet para sa party natin sa August and since naalala ko na kumakanta ka at nagcocompose ayun pinakita ko sa kanya yung video mo. Tsaka haler 3 yrs mong crush yung tao jusko ka teh! Di na ata crush yan baka mahal mo na!" at nakuha pangang asar ng gaga. Magsasalita na sana ko ng dumating na ang pumasok na ang prof namin sa Chem kasama ang di pamilyar na lalake.

"Good morning class" at tumayo naman kami para batiin din ito.

"I guess its not yet too late to have some new students here in our campus so I'd like you to meet your new classmate. Please introduce yourself"

Pumunta sa harap si guy at para bang gusto ko nalang umalis at pumunta sa isang lugar kung saan di ko siya makikita. Epal talaga kahit kailan.

"I'm Lance Agustin Alfonso. 18 yrs old at sa gustong magtanong, please don't hesitate to ask me" at namuo ang isang pilyong ngiti dito. Agad namang naghiyawan ang mga girls at syempre kasama ang dalawa kong bestfriend na lokaret. Sunod sunod na nagsitaasan ng mga kamay ang karamihan at tinawag nito si Stacey na kung magsalita ay para bang naipit dahil sa sobrang pagpapakapabebe.

"Do you have a girlfriend? Hihi" at sabay sabit ng buhok niya sa kaliwang tenga na parang tanga.

"Actually wala but I think I've met her today" at kumindat ang loko. Ang hindot ay napahiyaw naman sa kilig, if I know magiging isa rin si Stacey sa koleksyon niya pagdating sa babae.

"Sino pa magtatanong? Amber?" gulat akong tumingin dito. Ano nanamang trip neto?

"Wala kong panahon para tanungin ka ng mga walang kwentang bagay" napa "oww" naman ang mga lalake sa klase. Mas lalo itong napangiti na syang kinairita ko.

"Wala pa nga tinatapos mo na. Maybe someday sagutin mo ko" wth? Naghiyawan ang mga babae sa klase na kunyare nagseselos at mga lalaking nagsimula mang-asar. Tama nga sila, magaling talaga ang isang to pagdating sa salita. Si Maam Lea na ang pumagitna at doon natapos ang ingay at nagsimula na ang klase. At parang nananadya pa talaga ang loko dahil sa likod ko pa naupo. Kahit pa gusto ko siyang paalisin ay wala nakong magagawa dahil yun nalang ang vacant na natitira.

Natapos ang klaseng badtrip ako at ng maalala kong magkikita kami ni Jace ay nawala lahat ng iyon at napalitan ng saya.

"Haba ng tair teh!" asar ni Elliah at nakita ko namang nakanguso si Sab.

"O ano nangyare sa mukha mo?"

"Pano ba naman kasi parang type ka ni fafa Lance" napangiwi naman ako sa sinabi nito.

"Wag nga kayong magpauto sa panloloko nun. Mauuna nako magkikita pa kami ni Jace" pagpaalam ko at dumiretso sa cafeteria na kung saan tambayan ng mga students.

Pagkadating ko ay bumungad agad sakin si Jace na nakaupo at tila ba malalim ang iniisip. Kumaway naman ako sa harap nito atsaka siya natauhan.

"Akala ko umuwi kana eh" biro nito.

"Nagpromise ako sayo na tutulungan kita noh" paalala ko at ngumisi ito. Jusko ilang beses pa ba ngingiti si Jace at parang pati araw ko bukas ay buo na.

"Alam mo di ko inexpect na ganyan kang tao" at tinignan ako nito diretso sa mata.

"Panong ganyan?"

"You're cool. May nabasa din akong ibang works mo  sa office. You're good parang alam na alam mo yung ginagawa mo" ramdam ko sa mga sandaling yon ang pamumula ng pisngi ko. Shet anuba! Agad akong nagiwas ng tingin at ngumiti.

"Nako wala lang yun na mga yun. Grabe lang talaga nasusulat ko kapag malungkot ako. Mas magaling kapa rin syempre meant to perform ba naman sa harap ng madla. Bihira lang yun noh" napangiti naman ito.

"Bolera. Bakit di mo itry sumali sa mga banda? I think maganda boses mo"

"Natry ko ng kumanta pero pakiramdam ko di naman ganun kaganda na gugustuhing pakinggan ng karamihan kaya di ako sumasali" at nabigla ako sa pagayos niya ng upo.

"May mga kanta ka bang cinover? Based on your performance dun sa video na pinakita ni Elliah, ang galing mo kaya"

"Meron. Ayoko lang iparinig sakanila. Di ako ganun kaconfident" pagamin ko dito. Hindi naman talaga kasi ako ganun kaconfident, okay nako sa ako lang at kina Tristan may alam.

"Can I listen to it?" tanong ni Jace. Nung una tumanggi ako pero dahil kinulit nya ko, sa huli ay nilabas ko ang phone at headphones ko na binigay ko naman kay Jace sabay play ng "With A Smile" na cinover ko. Maya't maya ay kita ko ang pag ngisi ni Jace, di ko alam kung tinatawanan nya ko o ano lintek T^T

"Sabi mo hindi maganda. Niloloko mo naman ako" inirapan ko naman ito at napailing.

"Bolero. Magsimula na nga tayo" at kinuha ko ang notebook na siyang pagsusulatan ko. Nakangiti pa rin si Jace habang pinagmamasdan ang ginagawa ko. Natapos ang hapon na puno ng tawanan at kwento ang nagawa namin. Since ako gagawa ng lyrics, ako na rin daw ang makipagduet sa kanya sa party. Pumayag naman ako syempre magpapabebe paba? This is the moment for Amber Trinidad. Umuwi ako sa bahay na may ngiti pa rin sa labi at bumungad saken si Tristan.

"Kanina ayaw mo palang pumasok ngayon ngiting aso ha" asar nito ay binato ko ito ng unan.

"Wala kana don epal"

"Nga pala. nabalitaan kong kaklase mo ang isa sa mga Alfonso" napatigil naman ako at muling naalala ang sumira ng araw ko. Bilis nga naman kumalat ng balita.

"Yep. Kahit nga ako nabigla kung makaasta akala mo close pa rin kami" hindi ko makakalimutan kung pano sya gumawa ng eksena kanina sa klase.

"Siguro naman alam mo na ang dapat gawin. Stay away from him hanggat maaari. Alam mo kung gaano kadelikado ang mga tulad niya" at naalala ko naman ang mga nakuwento sa akin nila lola tungkol sa pamilya nila. Ang Alfonso ang isa sa mga malaking pamilya na kinikilala ng karamihan kaya di nako nagtaka pa nung halos lahat ay grabe makatingin sakanya. He may be be handsome which is totoo naman but there's something na mas nangingibabaw sakin kaya grabe ako mairita sakanya.

"You don't need to remind me about that. Wala akong planong mainlove sa isang Lance Alfonso" tugon ko dito habang pinagmamasdan ang litrato ng dalawang batang nakangiti.

The Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon