Chapter 11 : Violet

2 0 0
                                    

Chapter 11 : Violet

"Just drop me here."

"Where?"

"Just stop the car now," sagot ko na 'agad niya namang sinunod.

He parked the car three blocks away from our house. It's still dark outside, but I don't mind walking to go home from here. Ayaw ko lang na may makakita sa aking mga kapit-bahay namin na may naghatid sa aking isang lalaki at sa ganitong oras pa.

People nowadays are so much nosy and inquisitive about other people's lives. At ayaw ko nang dumagdag pa sa mga pinag-uusapan nila.

Mabilis ko nang tinanggal ang aking seatbelt at 'agad akong natigilan nang malamang naka-locked pa rin ang pinto sa may side ko.

Kunot-noo kong nilingon si Indigo na nakatingin na rin pala sa akin ngayon.

"Paki-buksan ang pinto," I told him. "Bababa na ako."

"Just a minute," sagot niya habang nakataas ang hintuturo. "I wanna ask something."

Huminga ako nang malalim at pinigilan ang sarili na mapairap.

"Ano?"

"What happened?" tanong niya. "Bakit ako ang naghatid sa 'yo, instead my brother?"

Napaiwas ako nang tingin. Just mentioning his brother, ay muli na namang kumalabog nang malakas itong dibdib ko.

My grip on my shoulder bag tightened. Kahit isang oras na ang lumipas simula nang mangyari iyon, hanggang ngayon, ay ramdam na ramdam ko pa rin ang kanyang mainit na palad na binalak akong sakalin. It felt like he was still holding my neck in an invisibly way.

And I don't like this feeling.

Marahan kong hinaplos ang aking leeg, umaasang sa pamamagitan nito ay mawawala ang bakas ng kamay ni Black na humawak dito.

Kanina, nung umalis ako sa kwarto niya, ay hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ilang minuto akong nagpaikut-ikot lang sa tahimik na hallway ng gusaling 'yon hanggang sa muli na namang sumulpot mula sa kung saan si Indigo na hinila ako at sinabing ihahatid niya na ako pauwi.

At ngayong ilang hakbang na lang ang layo ng bahay namin, ay mukhang hindi pa ako kaagad na makauuwi nang dahil sa mga itatanong ng lalaking 'to.

Muli akong nag-angat nang paningin kay Indigo bago ako napakibit-balikat.

"Hindi ko alam," I lied. "Bakit hindi siya ang tanungin mo?"

"He won't tell me," inalis niya ang pagkakakabit ng kanyang seatbelt upang mas maayos akong maharap. "I already asked him nang tinawagan niya ako kanina, but he just hung up the call."

I sighed. "You're just making an issue, Indigo," umiling ako. "Wala namang nangyari, so please, puwedeng paki-buksan na ang pinto?" naiinip kong sabi sa kanya.

Pero imbis na sundin, ay tinitigan niya lang ako. He was staring at me as if he was trying to read what's on my mind. Ngunit nanatiling walang emosyon ang mukha ko, kaya naman sa huli, ay napabuntong-hininga na lang din siya bago ko narinig ang mahinang pag-click ng pinto sa side ko.

"One last question," pahabol niya nang akmang bubuksan ko na ang pinto.

Muli ko siyang nilingon. "What?"

"Bakit ka sumali sa grupo namin?" seryoso niyang tanong at kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang kuryosidad.

Saglit akong napatitig sa kawalan bago ako umiling.

"Hindi ko masasagot 'yan," sagot ko bago tuluyang binuksan ang pinto. "Salamat sa paghatid."

I slammed the door shut behind me as I stood beside the car. Ilang segundo pa muna ang hinintay ko bago tuluyang umalis ang sasakyan ni Indigo.

Play With The Devil (On-going)Where stories live. Discover now