Chapter 1 : Contract

2 0 0
                                    

Chapter 1 : Contract

"Ikaw si Maddison, 'di ba?" napa-paused ako sa pagt-type sa laptop at napaangat ng tingin.

"Yeah, why?"

"Pinapatawag ka ni ma'am Eleign sa office niya," tinaasan niya ako ng kilay. "goodluck."

Kumunot ang noo ko. Goodluck? For what?

Umalis na siya sa harapan ko at bumalik sa puwesto niya. Confused, I saved my draft-report first before I stood up para pumunta sa office ng boss namin at habang nasa elevator ako ay napapaisip ako kung anong kailangan niya sa akin.

Well, I'm a new employee here. Isa akong journalist at last week lang ako natanggap sa kompanyang ito. Actually, kung hindi lang nila kailangan nang papalit sa isa nilang empleyado, siguro ay wala pa rin akong trabaho hanggang ngayon. As I heard the news from my co-workers, they're talking about this woman named Dara that has been missing since last month. Until now, wala pa rin silang balita kung ano'ng nangyari kay Dara at dahil kailangan na nila ng journalist na papalit dito, they have no choice but to hired me.

Nang makarating ako sa seventh-floor ay agad na akong dumiretso  sa office ni ma'am Eleign. I knocked three times and when I heard her saying 'Come in', I slowly opened the door and I was greeted by the sunlight coming from the glass wall.

Ito ang unang beses na makakapasok ako sa silid na 'to. Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. There was a big chandelier hang on the ceiling and the floor was covered with black carpet. Every shelves is filled with different books. There was also a mini-table and two sofa on the center of this room and I saw ma'am Eleign sitting on there.

Naglakad ako palapit sa kanya at minuwestra niya naman na maupo ako sa katapat niyang sofa.

"So, you're the new employee, right?" tanong niya nung makaupo na ako.

I nod my head as an answer.

"For sure ay narinig mo na ang tungkol kay Dara na mahigit isang buwan nang nawawala," I nodded again. "Now, I have a question for you."

"What is it, ma'am?" pinigilan ko ang sarili kong mapataas ang kilay.

She smiled at me before answering. "Gusto mo bang maging permanent dito?"

"Of course, ma'am," mabilis kong sagot sa kanya.

"As you can see, miss Maddison, anytime ay pwedeng sumulpot at bumalik si Dara dito. Well, Dara is a great journalist. Isa siya sa mga inaasahan ng kompanya at isang kawalan sa amin ang mawala siya ngayon."

Alright, what is she trying to say?

Tumayo si ma'am Eleign sa pagkakaupo niya bago lumapit sa office table niya kung saan may nakapatong na baso at nagsalin siya ng wine do'n. She tried to offer me but I refused.

"At dahil sobrang tagal niya nang nawawala ay kinailangan namin siyang palitan at ikaw ang pumalit sa puwesto niya," sumimsim muna siya sa wine na iniinom niya bago magpatuloy. "As your boss, I can make you permanent here but of course, you need to do something first in return."

Inilapag niya muna sa table 'yung basong hawak niya dahil may kinuha siyang kung ano mula sa drawer. Muli siyang umupo sa harap ko at inabot sa akin ang isang hindi kalakihang envelope na kulay itim.

"Para saan po 'to?" I curiously asked.

Sinuri ko 'yung envelope na hawak ko. It is wrapped in golden ribbon that's glowing because of glitters. If I'm not mistaken, I think this is an invitation.

"Simple lang naman ang ipagagawa ko sa 'yo, miss Maddison," she smiled at me sweetly. "You knew the dangerous group lurking in our city, right?"

My forehead creased. "Yes, ma'am?" alangan kong sagot.

Play With The Devil (On-going)Where stories live. Discover now