Chapter 7 : Cornered

6 0 0
                                    

Chapter 7 : Cornered

Lunch date my foot.

He started eating his food while I was still staring at him. I'm so pissed at him right now. Hindi ko alam kung nananadya ba siya o ano. Wala akong ideya sa kung ano nga bang pakay niya sa pakikipagkita sa akin. I know he has a plan but I don't want to ask him about it.

Pinunasan niya ang kanyang bibig bago nag-angat nang tingin sa akin.

"Stop staring. Eat your food," hindi ako umimik at nanatili lamang sa pagtitig sa kanya. Gusto kong malaman niyang wala akong panahon para makipaglokohan sa kanya.

"Give me your car key," sabi ko sabay lahad ng palad.

Tinaasan niya ako nang kilay. "Why?"

I rolled my eyes. "Ako na ang kukuha nung phone ko sa kotse mo para makaalis na ako. Don't worry, hindi ko nanakawin ang sasakyan mo," sagot ko at pinigilan ko ang sarili kong kunin ang kutsilyong nasa harapan ko at isaksak 'yon sa kanya nang hindi niya ako pinansin. Instead ay nagpatuloy lang siya sa pagkain niya.

Napapikit ako sa sobrang inis na nararamdaman ko.

"Just eat if you really want to retrieve your phone," seryoso niyang sabi bago uminom nang wine na kaka-serve lamang.

Huminga muna ako nang malalim bago kinuha 'yung tinidor at kustilyo para kumain dahil nakaramdam na rin ako nang gutom. Besides, alam kong kahit anong pilit ang gawin ko sa kanya na ibalik na ang phone ko ay wala akong mapapala. After all, I'm dealing with this devil.

Nang mag-angat ako nang tingin sa kanya ay nakita kong siya naman ang nakatitig sa akin ngayon. Kumunot ang noo ko.

"What?" tanong ko dahil nakakailang 'yung pagtitig niya sa akin.

"I don't want to do this but I need to," he whispered but enough for me to hear.

"Do what?" I asked and for a moment, I saw confusion in his eyes.

'Agad siyang umiling at napaiwas nang tingin. "Nothing."

Tumigil ako sa pagkain. I'm so curious about what he just said. He don't want to do it but he needs to? What the hell is he talking about?

"What is it?" desperado kong tanong. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman ang gusto niyang mangyari.

His face became more serious. "You really wanna know?" walang pag-aalinlangan akong napatango. "Then you need to come with me."

Sinalubong ko ang mga titig niya sa akin. I tried to read what's on his mind right now through his eyes but I know I couldn't. Looking in his dull eyes sent shivers down my spine.

"I don't trust you-"

"I know," he cut me off. "I just want you to come with me."

"Why?" I asked, confused. "Are you going to kill me? Or dadalhin mo na ako ngayon sa leader niyo?" my lips trembled after I said that to him.

Ipinatong niya ang kanyang dalawang siko sa lamesa at mataman akong tiningnan.

"If I wanted to kill you, I should've done it on the yacht party but I didn't," mariin niyang sabi. "instead, I saved you from us."

Hindi ako umimik. Why? What does he wants me to do? Thank him from saving me from them? Alright, I know. I know I should be thankful to him because he spare my life. If not because of him, wala ako rito ngayon sa kanyang harapan. I must face the consequences of me being careless back there at the yacht party.

Okay. I made up my mind. I'm going to fix my own mess. Ayokong madamay ang pamilya ko sa gulong pinasok ko kahit alam kong sa umpisa pa lang ay damay na sila. Protecting them is the only thing I could do and I am willing to do it at all cost.

Play With The Devil (On-going)Where stories live. Discover now