#19)"Isang Panaginip."

80 16 1
                                    

    Just because a relationship ends, it doesn't mean it's not worth having.     

Nang ako'y masaktan nang walang dahilan,
Nandyan sa tabi ko,di mo ako iniwan
Palagi mo akong tinutulungan at
Sinusuportahan mo ako sa lahat
Ang tunay na pag-ibig ay ganyan dapat

Parang aso't pusa kung tayo'y mag-away
Natapos natin ang ganyang mga bagay
Kasi sa totoo lang,ganyan ang buhay
Sa dami-daming pinag awayan natin
Nandoon parin ang pagmamahalan natin

Ang buhay ko ay punong-puno ng gulo
Sobrang nakakasakit ang ulo
Pero pagka andito ka sa tabi ko
Nawawala ang buhay kong gumugulo
At parang umiilaw ang aking mundo

At dahil diyan,huwag mo kong iiwan
Kasi hindi lang ako ang masasaktan
Tayong dalawa rin ang magdudurusa
Kasi naman pag ako ay lumuha
Siguradong-sigurado na babaha

Nawala ka at hindi ko alam bakit
Ang puso ko ay punong-puno ng galit
Nang ikaw ay umalis ng isang saglit
At nang dumating ka sa iyong pagbalik
Binigyan mo ako ng isang munting halik

Pero isang panaginip lamang ito
Nagising ako't sumakit ang ulo ko
Pag-ibig ko'y itinapon sa basurahan
At hinding-hindi ko na babalikan
Hindi na ako makikipagbiruan...

Dahil  ayaw na ayaw ko nang masaktan.

"Tula ng Isang Kabataan."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon