#17)"Paulit-ulit Nang Nasabi."

53 21 1
                                    

There is only one happiness in this life, to love and be loved.

  Paulit-ulit nang nasabi
Mga pangyayaring ganito...
Laman ng sari-saring awitin,
Tula at iba't ibang kuwento...
Kahit na sa pelikula
Mula doon hanggang dito...
Pilit na gustong hulihin
Kurot at kilig ng puso.

Pero kung ako ang tatanungin
  Kung ano aking damdamin...
Ngayong ikaw ay kahati ng buhay ko,
  Kahit anong pang tula't awitin
   Sigurado akong kakapusin
  Masukat ang ligayang dulot mo.
Wala pa yatang kanta,nobela o pelikula
Ang kayang tapatan ang kuwento nating dalawa.

Paulit-ulit nang nasabi
  At kay tagal pang hinintay
   Pinangarap,pinantasya
Ang kakambal ko sa buhay...
  Ngayong tayo'y magkasama
    Di pa rin makapaniwala
Itong suwerteng dumating sa akin
   Na pumayag kang mahalin kita.
     

"Tula ng Isang Kabataan."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon