Chapter 9

33 21 6
                                    

Chapter 9

Imbis na lunurin ako ng pag iisip at umuwi na agad akong pumunta sa part-time ko 7pm to 3am ang oras ko dito dahil may kapalitan ako.

"Oh Xoese andito ka na ang aga pa 6:30 palang oh." Saad nito nang makita ako.

"Okay na yun ate Lilian hindi ako late." Ngumiti ako dito at naupo dahil pwede dito umupo kung sino mang customer na kakain dito sa loob.

"Kumain ka na ba? Halatang kagagaling mulang sa school."

"Okay lang po ako nagpapalipas lang ako dito ng oras hanggang sa mag out ka." Sinagot ko ito habang nakatingin sa labas tinatamad pa akong magbihis at napapagod ako sa nangyari kanina. Yumuko ako para makapikit, sumasakit ang ulo ko dahil kanina.

Hindi ko itatanggi ang mga sinabi ko kanina, ever since shs hindi ko talaga nagugustuhan kay Tyler, we're like strangers na bigla nalang siyang aamin sakin tapos mangliligaw. Ni hindi ko nga ito napapansin pero alam kong kilala ito ng mga kaklase ko kasi friendly din maraming barkada. I didn't like him pero naging close kami before we graduate as a senior high school student.

Hindi ko din alam kay Ella kung gusto niya ba si Tyler dahil parang wala lang, tinutulak pa nga Ako nito na sagutin na si Tyler. At ngayon kung saan nabibigyan ko na siyang pansin dahil naging kami na eh, dahil sinagot ko siya para ayaw ko masayang ang mga nagawa niya tapos malalaman ko may relasyon sila ng kaibigan ko.

"Xoese, gising na aalis na ako." Napaangat naman ako ng ulo at umalis sa upuan saka hinarap si ate Lilian. "Hintayin muna kita, magbihis." Tumango ako at agad na kinuha ang damit upang magbihis.

Naging ka close ko na rin si Ate Lilian na nagaaral din 4th year college in education ang kurso niya kaya mahirap para sakanya na mag work tapos mag aral

"Salamat ate Lilian, see you bukas." Paalam ko dito nang lumabas ako at matapos magbihis. Imbis na umupo ay tiningnan ko nalang ang mga produkto dito at kung meron bang refillan at mukhang wala akong gagawin dahil puno at kunti lang ang bawas siguro naasikaso na to ni Ate Lilian pati Ang ibang pagkain ay matagal pa ang expiration.

Naupo nalang ako at kapag may customer agad akong nagtatrabaho. Hanggang sa 2:30am na inaantok na ko kanina pa pero nilalabanan ko lang at uminom na din naman ako ng coffee para pilit na gisingin ang sarili.

Tiningnan ko ang pumasok na naka hoodie at agad na pumunta sa mga shelf at nang makakuha na ng bibilhin ay tamad akong iniscan ang pinamili nito which is alcohol.

"575, sir." Saad ko habang nakatingin sa monitor, antok na talaga ako at may 30 mins pa akong natitira kaya kaya pa naman. 9:00 am pa.naman ang pasok mamaya. Pinilig ko pa ang ulo para hindi makapikit.

"I said 575, po." Paguulit ko dahil naiplastic ko na ang mga binili niya pero di pa siya nagbibigay.

"Xoese?!" Malalim ang boses nito kaya napaangat ako. Kahit nagulat ay hindi ko yun pinahalata.

"575, yung total item." Pag ulit ko for the third time mukhang nahimasmasan siya at nagbigay ng 1000.

"Keep the change." Saad nito at kinuha ang binili, mukhang wala sa mood dahil kaninang umaga lang ay---

Napahawak ako sa bibig nang maalala kaninang umaga nag oo ako sakanya, pero bakit ganun ang itsura niya siya ba ang iinom lahat non? Eh mga nasa 7 na pirasong beer yun.

"Bat naman parang concern pa ako, anong pakialam ko sakanya." Saad sa sarili dahil sa naiisip ko.

Napaunay ako ng mga braso ko nang 3am na dahil sakto naman na dumating ang owner nitong pinagtatrabahuhan ko.

"Ingat Xoese!"

"Sige po, ate Nida. Paalam po." Pag papaalam ko dito nang makapagpalit ako at lumabas ang lamig pa naman pag madaling araw wala akong dala na jacket. Mabuti at hindi kalayuan itong pinagtatrabahuhan ko sa bahay at walang byahe. Kaya naman naisipan ko na maglakad nalang.

My Heart Still On You [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now