Chapter 8

39 23 22
                                    

Chapter 8

"Uuwi kana agad? Wag muna kaya." Napatingin ako sa pinto nang pumasok si Kuya.

"Kung alam mo lang pilit lang ang pagpunta ko rito, dahil may mga gamit pa ko dito. Saka nga pala may nakita kang kwintas dito?" Sambit ko habang inaayos ko ang mga gamit nang alisin ko ang tingin sakanya.

"Wala." Tanging sagot nito, hindi ako nagsalita.

"Hindi mo ba ginagalaw ang hinuhulog ko sa card mo bilang allowance?" Umupo ako sa kama ko habang siya ay naupo malapit sakin dahil may couch doon, dito rin naman ako sa kama nag aayos ng gamit ko

"May pera naman ako kuya."

"Alam ko pero gamitin mo din, sakin galing yun magtatampo ako." Umiling nalang ako dahil sa itsura nito at natatawa ako.

"Panget mo magtampo." Asar ko dito.

"Panget ka rin magkapatid tayo eh." Umirap ako, kaya nag seryoso din siya.

"Ako na maghahatid sayo."

"Huwag na." Pagtanggi ko pero hanggang sa nakatapos ako ng pag aayos ng gamit ay wala naman na akong nagawa dahil nakahanda na ito.

"Aalis ka agad Xoese?" Umirap naman ako nang marinig ko ang boses nito, ayaw ko itong patulan dahil alam ko naman na ako nanaman ang palaging mali, mas matanda lang ito sakin ng ilang buwan dahil makaedad kami.

"Bumalik ka ba dito dahil hindi mo na kaya mag-isa?" Bumuntong hininga nalang ako dahil sa accent pa nito na kala mo sobrang tagal na nakatira sa ibang bansa at uuwi dito sa pilipinas para magmayabang.

Nasa taas kami at pababa na ako ng hagdan ng lumabas ata ito sa kwarto niya ng di ko napansin, pinagpatuloy ko lang ang pagbaba kung pwede lang na takbuhin ko ay ginawa ko na dahil ayaw ko itong makasagutan.

"Tara na." Ngumiti ako kay kuya nang sabihin niya yun pinagpapasalamat ko at hindi bumaba si Hazel.

Tahimik lang ang byahe at nakatulog na rin ako ng isang oras kaya naman malapit na din naman kami. Pero imbis na sa bahay na tumuloy ay huminto kami sa isang mall.

"Tara." Bumaba nalang ako ng alukin niya, tiningnan ko pa ang mall na malaki dahil nasa province pa naman kami kukunti lang naman ang buildings at halos mga nasa 10-15 floor lang ibang-iba sa manila.

"May bibilhin ka ba dito?" Takang tanong ko nang papunta kami sa isang clothing store.

"Wala pero ikaw meron." Tinaasan ko naman ito ng kilay, nakita rin naman iyon.

"Bumili ka ng damit, ako ang bahala Ken." Ginulo pa nito ang buhok ko bago ako itulak paloob.

Pinilit ko nalang ang mga damit na nagustuhan ko at ang mahal pala dahil kunti lang sana pero dinagdagan pa niya at alam na alam ang sinusuot ko.

Day passed at pasukan ulit start of second sem, tumatawag sakin si Archy but I continuously ignored him. Hindi ko na kailangan ng reason o ano man. Nasanay na ako kasi ganun eh ganun nangyari sa parents ko, my father cheat habang pinagsasabay ni papa sina mama at Tita Gill. At parang ganun na rin yun nang malaman ko.

"Xoese!!!" Ngumiti naman ako kay Zyumi nang makita ako nito dahil nasa baba pa lang naman at sa 2nd floor ang room namin.

"I know the tea." Sambit agad nito nang makalapit na para bang sinusuri pa ako.

"Ano ba yan Zyumi yan talaga ang uunahin mo pwede ba makarating muna sa room." She nodded.

Pero bago pa man kami makalakad ay nahinto na kami dahil sa mga estudyante na kala mo may dadaan na artista.

My Heart Still On You [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now