Chapter 38

5 5 0
                                    

Chapter 38

"Ms. Salvador we cleaned your wounds." Saad naman ng isang nurse. Simula nang buksan ni Reinz ang pinto at papasukin ang nurse ay hindi ko ito binabalingan ng tingin, nasa bandang kaliwa ko ito hindi kalayuan sa kami.

"Pwede mo po ba ilagay ang buhok mo sa kaliwang balikat." Saad nito, tumango naman ako at gamin ang kaliwang kamay ay kinuha ko ang buhok. At para naman akong nahinto nang marinig ko ang pagbuntong hininga ni Reinz at tinulungan na Ako nito na ilagay ang buhok ko sa kaliwang balikat kaya naman naibaba ko ang kamay ko.

Nakatingin lang ako sa nurse na ngayon ay inaayos ang gagamitin. He signed her hand, at inayos ang suot kong hospital gown ibinaba nito ang manggas ng damit, exposing ng right shoulder. Ramdam ko naman na napahinto sa pag ayos ng buhok ko si Reinz pero hindi ko na pinansin ito.


"All done, and make sure you drink your medicine para gumaling agad." Tumango ako rito at ngumiti bago pinanood ko ang pag alis.

Tuluyang nabalot ng katahimikan ang kwarto nang umalis ang nurse. Pansin ko na umalis na ito sa pagkakatayo sa kaliwang banda ng kama at lumapit sa mesa kung saan nakaupo kahapon sina Zyumi.

"A-ah k-kahapon anong oras nakauwi sina Zyumi?" Basag ko sa katahimikan nakatingin ako dito dahil nakatalikod naman ito. Pero halata pa rin ang kaba ko sa boses.

"Umuwi sila ng 8." Sagot nito, tumango naman ako.

"Eh, i-ikaw ba umuuwi ka sainyo?" Ngunit hindi ito sumagot, hinintay ko naman na matapos ito sa ginagawa. At pinaglaruan ko ang daliri, ang awkward bat naman kasi ginawa niya yun!! Ipinilig ko ang ulo ko para alisin sa isip pero hindi ko magawa.

Lumapit naman ito sakin naka baba pa rin ang ulo ko. At gaya kahapon inayos niya ang table sa higaan at may inilagay siyang mga pagkain.

"Kumain ka muna." Hindi ako sumagot at tanging tango lang ang ginawa ko. "Wait, I need to  answer this call." Saad nito at saka lang ako nag angat ng tingin nang lumabas ito ng kwarto.

"Woah!" Agad na react ko dahil kanina pa ko dito tensiyonado. Tiningnan ko naman ang nakalagay sa harap ko rice, tocino, boiled egg, bread, at kung ano pa.

Agad ko naman kinain ito at dahil gutom na rin ako, bago pa bumalik ulit ito rito ay tapos na ako. At pasalamat ko nang matapos ako ay hindi pa ito bumalik. Kailangan ko puntahan si papa dahil kahit si Hazel o Tita Gill ay hindi man lang ako pinuntahan rito.

Nasa harap na ako ng pinto handa nang lumabas dahil nailigpit ko naman na ang pinagkainan ko.

"Ayy bwiset!!!" Gulat na saad ko nang biglang bumukas ang pinto bago ko pa man mabuksan ito.

"Saan ka pupunta?" Pagtatanong nito.

"A-ah w-wala!" Utal na saad ko at lalagpasan na sana ito nang iharang niya ang sarili sa dadaanan ko.

"Alis nga diyan!" Asik ko rito hindi ko pa rin tinitingnan ito sa mukha. Pansin ko na tumingin ito sa kama at ibinalik ang tingin sakin.

"Have you eaten yet?" I give him a slightly nod.

"Tumabi ka jan, pupuntahan ko si papa."

"He's not here." Kumunot naman ang noo ko at tiningnan ko ito, nagtama ang paningin namin.

"What?!"

"He's not here, nasa ibang hospital siya your step mom choice."

My Heart Still On You [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now