BESIDE YOU |2|
"Ann! Gising na, ma la-late ka na!" Rinig kong sigaw ni tita sa labas ng aking kwarto. Kinusot ko ang aking mata, nag-inat ng katawan at bumangon na ako.
Niligpit ko ang aking higaan at kumuha ng tuwalya upang maligo na. Bago ako pumuntang cr ay tinignan ko muna ang wall clock upang malaman kung anong oras na. 8am na. At alam kong late na nga ako, pero parang walang gana ang aking katawan para kumilos. Kung dati ay kapag na la-late ako, halos hindi na ako makaligo maka pasok lang upang hindi pagalitan nang prof namin. Ewan ko kung bakit wala akong gana ngayon.
I'm a journalist college student. At isang taon na lang at sa wakas ay makaka tapos na ako sa pag-aaral. Kaonting kembot na lang, mararating ko na ang tagumpay.
Kung iniisp niyo kung bakit tita ko ang gumising sa akin, imbis na ang mama ko or ang papa ko ay dahil nasa probinsya sila nakatira. Akala niyo patay 'no? Lol hindi 'to kdrama. Yung tipong namatay ang magulang ng isang main character dahil sa isang car accident at dahil doon magiging matapang yung main character. Tsk.
Nakikitira lang ako sa tita ko rito sa Manila. Mahirap kasi kung ba-byahe pa akong manila galing sa probinsya namin. Sobrang gastos ng pamasahe. Buti na lang at mabait ang tita ko at dito niya ako pinatira sa tahanan niya. Hindi naman ako tinatrato ng masama ni tita, ang totoo nga niyan ay parang anak na rin ang turing niya sa akin gawa nang namatay ang anak at asawa niya dahil sa isang trahedya.
Hindi naman kamahalan ang binabayad ko sa university na pinapasukan ko dahil scholarship ako. Ang hirap maging scholar student, dahil kailangan hindi mo talagang huwag mabitawan ang mga matataas kong grado na nag papabawas ng gastos ko sa paaralan. Buti na lang at masasabi kong matalino ako at nagagamit ko iyon upang maka tipid ako sa gastusin.
Kaonti lang ang allowance ko. 800 sa buong linggong pasok ko. Napag kakasya ko naman iyon sa loob nang isang linggo. Malapit lang kasi ang university na pinapasukan ko rito kaya nag lalakad na lang ako at yung hindi ko nagagastos ay pambayad sa mga bayarin sa school. At yung tira, tinatago ko. O, di kaya naman ay kapag maraming tira, binibili ko nang pagkain ko.
Mahirap maging mahirap 'no?
Minsan nga gusto ko na lang tumigil sa pag-aaral at mag trabaho na lang. Pero kasi, iba 'yung may pinag-aralan ka. Sa society ngayon, hindi ka tatanggapin sa trabaho komo raw wala kang pinag-aralan o natapos man lang. So what? Hindi ako sang-ayon sa gano'ng mindset ng mga tao. Mas naniniwala ako sa kasabihang..'Daig pa nang masipag ang matalino.' Useless din ang talino mo, kung wala kang kasipagan. Kahit ipag-mayabang mo pa kung gaano ka ka-talino, wala rin 'yan.
Nang matapos na akong makapag-ayos ay bumaba na ako.
"Good morning po." Bati ko kay tita na nang lilinis ng salas.
"O, hija. Late kana aba, kuhain mo na ang baon mo diyan sa lamesa at umalis kana, papagalitan ka ng prof mo. Ang tamad mo ngayon a? Kung dati ayaw mo nang mala-late ka, ngayon parang wala lang sa 'yo a?" Naguguluhang sabi sa akin ni tita.
Ewan ko rin kung bakit wala akong gana...
Ngumiti lang ako sa kaniya ng matamis at nag mano sa kaniya. "Alis na po ako." Sabi ko at kinuha ko na ang baon ko sa lamesa.
Nag simula na akong mag lakad papuntang university. Wala ako sa mood ngayon. Bakit ang tamlay ko ngayon? Wala namang malungkot na nangayari sa akin kagabi. Wala ako sa sariling nag lalakad na para bang lantay na gulay.
Habang nag lalakad ako ay may napadaan ako sa isang park malapit sa university. Hindi ko alam kung ano'ng nag tulak sa akin na pumunta roon. Imbis na pumasok ako ay dito ako napunta. Ano ba'ng problema sa akin ngayon?
YOU ARE READING
Maiikling Istorya
Short StoryThough time it's not long enough, still you must have create an awesome story of yours.