MY ANGEL
Isa akong rebeldeng kabataan. Oh mas tinatawag nilang walang mararating sa buhay at mas inuuna ang barkada kesa sa school.
Hindi ako naghahabol ng grades, may bisyo ako, lagi akong may kaaway sa school, bulakbol ako at higit sa lahat, hindi ko kinikilala ang Diyos.
"Magtiwala lang tayo sa Diyos, anak. Kahit ano'ng mangyari, may plano siya sa atin na mas maganda pa sa mga plano natin..."
Tandang-tanda ko pa ang laging sinasabi sa akin ni Nanay nung bata ako. Si Nanay na walang sawang nananalig sa kaniya...si Nanay na kahit pagod na pagod na ay hindi pa rin tumitigil sa pagkakalat ng salita ng Diyos. Napaka-bait ni Nanay. Tuwing may sumisira sa kaniya, hindi niya ito ginagantihan sa halip ay minamahal niya pa rin ito.
Sabi niya...kapag binato ka ng bato ng kalaban, batuhin mo ng tinapay. Kapag sinampal ka raw ng kalaban sa pisngi, iharap mo pa ang kabilang mong pisngi. Kahit ano'ng mangyari, huwag na huwag daw akong gaganti sa mga kalaban at ipanalangin ito na mawala ang galit sa puso. Gano'n daw ang pagmamahal ng Diyos.
Lumaki ako sa maka-Diyos na pamilya. Nagse-serve kami sa church. Wala kaming mintis kung manalig sa kaniya.
Nung bata ako...punong-puno ako ng katanungan. Bakit gano'n na lang ang pananalig ng mga tao sa kaniya, eh hindi ko naman siya nakikita? Superhero ba siya?
Wala akong pangarap nung bata kundi ang lumalim ang pananalig ko sa kaniya, kagaya nila Nanay at Tatay. Kasi sa tuwing nakikita ko sila Nanay na nagsasamba sa Diyos...kitang-kita ko ang mga saya sa mga mata nila. 'Yung saya na matatagpuan mo lang sa kaniya?
Lumaki akong palaging nagba-bible study tuwing weekends. Tandaan ko pa noong elementary ako...sobrang saya-saya ko palagi tuwing dumadating ang weekends dahil may malalaman na naman akong bible verse.
Nung bata ako, pakiramdam ko ang perfect-perfect ng buhay ko. Na wala nang hihigit pa kung gaano kami kalaya kung magsamba sa kaniya. Kaya naniniwala ako noon na kaya namin natatamasa ang magandang buhay ay dahil nananalig kami sa kaniya.
Pero lahat ng iyon ay natigil nung namatay si Nanay sa isang aksidente. Nabunggo ang jeep na sinasakyan niya. Simula noon...gumuho na ang mundo ko.
Nagsimulang tumatak sa isip ko na...hindi naman nagkulang si Nanay sa pananalig sa kaniya, pero bakit hinayaan niya si Nanay sa aksidenteng iyon? Bakit hindi niya niligtas si Nanay? Hindi naman kami nagkulang kakasamba sa kaniya, ah? Bakit kailangan niyang kuhain si Nanay? Bakit kailangang mamatay si Nanay nang gano'ng kaaga? Ang unfair ng Diyos.
Simula no'n, lumayo na ang loob ko sa kaniya. Nagtanim ako ng sama ng loob sa kaniya habang lumalaki ako nang pinipilit kong masanay na wala na si Nanay sa tabi ko. Napakabait ni Nanay...bakit kailangang mangyari pa iyon sa kaniya...
Hindi ko maintindihan ang Diyos. Palaging sinasabi sa akin ni Nanay na huwag akong matakot dahil ililigtas tayo ng Diyos sa kapahamakan. Pero bakit hindi niya niligtas si Nanay noong panahong kailangan niya ng tulong at magliligtas sa kaniya?
"Tara, cutting," pabulong na sambit sa akin ni Jerome habang nagtuturo ang teacher namin sa unahan.
Ngumisi ako. "Palag."
Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa at nakagawa kami ng paraan upang makatakas sa klase. Marami akong tropa. Halos nga pagkamalan kaming gang, eh. Well, parang totoo naman.
Sa pagyaya nila na mag-cutting, alam ko na kung saan pupunta ang cutting na iyon.
"Ambag mo, pre. Lakihan mo, ha. Nagmahal na ang red horse ngayon!"
YOU ARE READING
Maiikling Istorya
Short StoryThough time it's not long enough, still you must have create an awesome story of yours.