ALONE|1|

159 6 2
                                    

ALONE |1|

Gumising ako ng maaga upang mag handa na sa unang pag pasok ko sa college. Ako si Marco, isang ordinaryong lalaki. Wala akong kaibigan dahil gusto kong tahimik lang ang buhay ko.

Mag-isa lang akong naninirahan sa bahay ko. Wala akong magulang, namatay sila sa eroplanong sinasakyan nila papuntang Amerika. Wala akong kapatid, at tanging ako lang ang nag tataguyod sa buhay ko.

May times na gusto ko nalang mag pakamatay dahil sa sobrang pag iisa ko, ngunit ayaw ko pa dahil gusto ko munang matupad ang pangarap kong maging scientists. Pag naging scientist ako, pwede na'kong mamatay at sumama sa magulang ko na sumakabilang buhay na.

Humarap ako sa salamin at isinuot ang salamin ko sa mata upang tignan ang kabuoan ko. Kulay white ito, long sleeves polo na may logo ng paaralan sa gilid at pants na kulay black.

Bumuga muna ako ng malalim na hinga bago umalis. Nang makarating ako sa bagong paaralan na papasukan ko, na mangha ako sa ganda ng paaralan,ang laki nito, marame ring estudyante rito.

Inayos ko ang salamin ko at nag patuloy na sa pag lalakad.

Di nag tagal ay naka rating na ako sa classroom ko. Maraming nag dadaldalan at nag haharutan pero di ko na pinansin iyon at nag patuloy na ako sa pag hahanap sa upuan.

Nakakita ako ng bakanteng upuan sa dulo at doon ako umupo.

Nag simula ng mag discuss ang mga prof, maayos naman ang treatment nila sa mga estudyante. Di ko maiwasang ma mangha sa school na ito.

"Hi! Marco right?" tanong sa aken ng babaeng kaklase ko. Hindi ko ito pinansin dahil hindi ako interasado sa kahit na sino man.

Andito ako upang mag-aral hindi magsaya.

Kita ko naman sa babae ang hiya sa mukha niya dahil hindi ko ito pinansin. Umalis na lang ito dahil sa pag kahiya.

Pag katapos ng mga lesson's ay dumaretso akong cafeteria upang bumili ng makakain. Bumili ako ng tatlong tinapay at juice sapat na sa aken iyon para mabusog.

Pag katapos bumili dumaretso naman ako sa library, doon ako kakain dahil gusto kong tahimik lng ang paligid ko para narin habang kumakain ako ay nag babasa na rin ako.

Ako lang ang tao dito maliban sa taga bantay ng library, dahil ang karamihan ay nasa cafeteria.

Binuksan kona ang tinapay at juice ko at nag simulang magbasa habang kumakain.

Habang kumakain ako napansin kong may umupo sa kabilang table na nasa harap ko. Tinignan ko kung sino iyon at nakita ko ang babaeng naka uniporme, mahaba ang buhok nito hanggang sa beywang niya, maputi ang mga balat, namumutla ang labi nito, at medjo singkit ang mga mata. Di ko itatanggi na maganda siya pero ano bang pakealam ko?

Nag babasa siya ng makapal na libro. Napa awang ang labi ko ng makitang siyang nakatingin sa aken, agad ko naman iniwasan ng tingin i'yon at nag patuloy na sa pag babasa.

Habang nag babasa ako naramdaman kong may lumapit sa gawi ko. At nagulat ako ng makita ko ang babae na nasa harapan ko na ngayon at nakaupo.

"Hi!" masayang bati niya habang iwinawagayway ang kamay niya sa 'aken.

"Anong ginagawa mo dito sa table ko?" masungit na tanong ko sa kaniya.

"Sungit mo naman bumabati lang naman ako ng maayos hmp!" nakangusong singhal niya.

"Wala akong pakealam sayo,"masungit pareng sabi ko.

"Tsk gusto lang naman kitang maging kaibigan, wala kase akong kaibigan sa school na to kagaya mo"malungkot na pag kakasabi niya, at kumunot naman ako sa sinabi niya.

Maiikling IstoryaWhere stories live. Discover now