WAITING|5|
"Babain mo na siya, nilalamok na, oh?" anang pinsan ko sabay turo sa labas ng aming bintana.
Nag-papanic akong umiling. "Hayaan mo siya."
Wala na nga yatang mas ititibok ang puso ko sa pagkakataong ito. Halos lahat ng tao rito sa bahay kinukumbinsi akong babain ang lalaking dalawang oras na mahigit naghihintay sa labas ng bahay namin.
Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama at sumilip ng bahagya sa bintana. I saw him immediately. Standing at front of our house while holding a bunch of flowers.
Gabi na at andiyan pa rin siya.
Tumila na rin ang ulan na akala ko ay magpapasuko sa kaniya sa paghihintay sa akin.
Ang kulit talaga niya. Sinabihan ko na siyang sumuko na, pero eto pa rin siya...lumalaban kahit ubos na ubos na.
I sighed.
"Babain mo na, Ate. Kawawa naman si Kuya Tris," sambit ng kapatid ko.
Nagmistulang cinehan ang bahay dahil sa kaganapang ito. Ang mga iba kong pinsan ay kinikilig marahil parang nasa isang teleserye raw kami.
Habang kinikilig sila...heto ako, hinihiling na sana umalis na siya. Pero may magagawa ba ako? Kahit anong tibay ko sa sarili ko na talikuran siya, makikita ko pa rin ang sarili ko sa harap niya.
As I said...I saw myself walking out of the house. Ready to meet him again.
Habang palabas ako ng bahay, rinig na rinig ko ang tilian at hagikgikan ng pamilya ko.
Sa puntong nakalabas na ako, sinalubong ko kaagad ang mata niyang umaasa. Naninikip ang puso ko tuwing nakikita kong ganiyan ang mga mata niya. Na kahit ilang beses ko na siyang pinagtabuyan, heto pa rin siya.
Dalawang taon hanggang ngayon...heto pa rin siya. Naghihintay na mabuo ko ang sarili ko.
"Hindi ako susuko Chell...hangga't may nakikita akong pag-asa, lalaban at maghihintay ako..." mahinang sambit niya habang nakatinginn sa malawak na damuhan.
Palihim kong hinawi ang isang butil ng luhang tumulo sa pisngi ko. "Kung sakaling mapagod ka kakahintay...okey lang na s-sumuko ka..."
Iyon ang huling sinambit ko nung gabing iyon. Sa huli ay sumuko na naman ako at binigyan siya ng pag-asang lumaban pa.
Nakakatakot tumaya kasi...paano kung sumuko siya kakahintay sa akin? Na hangga't maaari...gusto kong tatagan niya ang sarili niya sa paghihintay sa akin. Sa totoo lang natatakot akong sumuko siya...nakakatakot na baka maubos na ang sarili niya in the process of waiting for me.
I feel so selfish.
Dalawang taon na siyang naghihintay sa akin. Sa loob ng dalawang taon na 'yon...hindi ko siya nakitang sumuko. Hindi ko kayang tanggapin ng buong-buo ang pagmamahal niya marahil hindi ko pa nabubuo ang sarili ko.
Siya na nga yata ang pinakamatatag na lalaki na nakilala ko. Ilang beses akong nagdalawang-isip kung deserve niya ba ako...pero kahit kailan hindi niya pinakita sa akin ang pagod sa paghihintay niya. Kahit ang pamilya ko ay hangang-hanga sa katatagan niya.
Nang matapos ang gabing iyon, desidido na akong lumaban muli. Na hangga't naghihintay siya sa akin ay marapat din akong tumaya sa sugal na hindi kami sigurado.
And there's also one reason why I have not yet been able to accept his love. And Tris already knows what's that reason.
"Na-torpe ako noon Chell...pero ngayon hindi na ako muling maduduwag pa sa nararamdaman ko..."
YOU ARE READING
Maiikling Istorya
Short StoryThough time it's not long enough, still you must have create an awesome story of yours.