Fling or Real Thing 2.5

145 14 7
                                    

Time check: 8:03 pm

  Time to sleep kahit obviously na napakaaga pa. Eh kasi inaantok nako napagod ako kakadaldal sa school. O sya tulugan na!!

Z z z z z z z z z z z  -__-"

"Leigh!" - sigaw ni daddy sa baba. Nubenemenyen! Si daddy talaga oh kung kelan matutulog na eh T_T tinatamad nakong tumayo kasi nakahiga nako kaya sumigaw nalang ako.

"bakit po daddy!?"

"may bisita ka bumaba ka muna saglit" - bisita? o_o Gantong oras? Sino naman? Bumaba ako kahit antok na antok na ko kasi hindi parin ako makakatulog nito sa sobrang curiousity! 

"sino po daddy?"

"classmate mo daw anak"

"naku tito! Classmate? Baka manliligaw?" - sabat ng epal kong pinsan si Zel

"manliligaw!? Hindi nuh baka boyfriend na nya" - sabat pa ulit ng isa pang epal na pinsan si Dianne kapatid ni Zel. Halata noh? Magkapatid nga sila parehas may saltik sa ulo.

"shut up both of you!!"

"wow insan english!"

"tse! Tigilan nyo nga kong dalawa"

Paglabas ko nakita ko si Kenneth \O-O/

"anung ginagawa mo dito?"

"mangongopya ng assignment"

"assignment? Wala namang assignment ah"

"wala ba? Paturo nalang sa Physics hindi ko naintindihan yung lesson kanina eh"

"Kenneth umuwi ka na nga nang aasar ka nanaman eh gabi na matutulog nako please!?"

"uy insan ang aga aga pa eh? Diba Zel?"

"oo nga upo ka muna dito papa Kenneth" - Rawr! Bakit ba ng nagsabog ng kamalasan sa mundo dami kong nasalo? Nagkaroon pa ko ng mga pinsang sira ulo ><

"kayong dalawa pumasok na nga kayo sa loob!"

"tara na nga Dianne 'to talagang si insan gusto lang masolo si papa Kenneth eh. Bye papa Kenneth ingat ka dyan kay Leigh nangangaen  yan Araaaaay!!" - binato ko sya ng tsinelas ayaw manahimik eh

"papasok ba kayo? O ibabato ko pa tong isa!?" - sabay dila ng dalawa sakin :P  :P

"ang kulit din ng mga pinsan mo eh noh ang cute pero mas cute ka"

"ha-ha-ha pagkalat mo. Bakit ka ba talaga nandito?"

"gusto kitang makita masama?"

"oo masama lalo kung gabi na!! At lalo kung hindi alam ni Trixia na nandito ka"

"edi ikwento mo sa pagong"

"umuwi ka na nga gabi na nasa galaan ka pa atyaka wala ka namang kwenta kausap alis! Alis na!!"

"bakit nanay ba kita? Bakit mo ko pinapauwi? O sige na nga mommy uwi na ko"

"kadiri ka wag mo nga kong tawaging mommy"

"uwi na ko bye"

O_O/

O_O/

\O_O

\O_O

(o)_(o)

Fling or Real Thing?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon