Lumipas ang dalawang araw nararamdaman kong may mga pagbabagong nangyayari sakin sa school na hindi ko din alam kung bakit ganto. Hindi naman ako siguro manhid para hindi maramdaman. Tipong naglalakad ako sa hallway feeling ko sa likod ko andaming mata na nakamasid sakin. Yung mag isa lang akong kumakaen sa canteen feeling ko lahat sila pinagbubulungan ako. Yung parang ang bitter na sakin ngayon ni Trixia pag kausap ko sya. Yung gusto kong isigaw sa buong campus kung ano ba talagang nangyayari? Eh yung totoo nababaliw na ba ko? Ewan ko ba nahihibang na ata ako. Sana naman mali ang nararamdaman ko.
Sa Canteen:
Mag-isa lang akong kumakaen sa table nang may biglang umupo sa tabi ko, si Kenneth
"excuse me anong ginagawa mo dito?"
"aww feeling mo naman gusto kitang katabi wala ng vacant seats kaya dito ako umupo"
"ngayon ka lang ba pumasok bakit wala ka kanina sa shop? Teka lang? magaling ka na ba diba naOspital ka anong nangyari?
"eh bakit andami mong tanong? Kumaen kana nga lang" - wala ako sa mood makipagdebate sakanya ngayon kaya nanahimik nalang ako at kumaen
"sinungaling ka Leigh!! You're freakin'Liar!!" - dumating si Trixia kasama si Megan. Nagulat ako ng bigla nya kong binuhusan ng tubig sa mukha habang kumakaen O_O
"Trixia anong ginawa mo!?" - bulyaw ni Kenneth
"niloko nyo kong dalawa!!"
"Trixia anong sinasabe mo?" - sabat ko sakanya
"shut up! Akala ko ba alam mo ang limitasyon mo!? What the hell are you doing!? Sabay pa kayong kumakaen pinapakita nyo pa sa iba na manloloko kayo!! Let's go Megan baka matuklaw pa tayo ng mga ahas dito!!" - sagot nya pagkatapos ay umalis na sila ni Megan. Hindi ko naiintindihan ang nangyayari basta isa lang ang sigurado ko nasaktan ako sa mga sinabe ni Trixia
"sorry Leigh"
"bakit ka nagsosorry Kenneth?"
"kasalanan ko lahat to di ka dapat nadadamay" - sabay abot ng panyo sakin
"ano ba talagang nangyayari? Bakit parang galit si Trixia?"
"mamaya nalang tayo mag usap. Hihintayin kita sa playground malapit sa inyo"
Pagkabalik ko ng classroom hindi ko maiwasang mailang kay Trixia dahil katabi ko sya. Nang matapos na ang klase diretso uwi na ko at sa napag usapan nga namin ni Kenneth magkikita kami sa playground. Ang bilis nyang nakarating kaya pagdating ko andun na sya agad. Umupo ako sa katabing duyan kung san sya naka upo. Tahimik lang sya habang nakatitig sa damuhan hanggang sa nagsalita na sya
"Break na kami ni Trixia" - nagulat ako sa sinabe nya
"kelan pa!?"
"nung sinugod ako sa Ospital"
"bakit anong nangyari?"
"hindi mo pa maiintindihan sa ngayon"
"ipaintindi mo kasi sakin"
"MAHAL KITA LEIGH!! Hindi mo ba nararamdaman! Manhid ka ba talaga?"
"Please don't betray me Kenneth! Ikaw na mismo nagsabe sakin na si Trixia ang gusto mo!"
"please payagan mo kong mahalin kita"
"ngayon naiintindihan ko na kung bakit malamig ang pakikitungo sakin ni Trixia"
"wala akong pake'elam sa sasabihin ng iba"
"hindi Kenneth! NO! Ilang taon na kitang kilala pero kilala ba talaga kita!? Kaibigan mo ba talaga ko? Ni hindi ko nga alam kung anong meron sayo"
BINABASA MO ANG
Fling or Real Thing?
Teen FictionSOME PEOPLE ARE MEANT TO FALL INLOVE WITH EACH OTHER BUT NOT MEANT TO BE TOGETHER.