Nakaupo na ko sa first subject at ipinamimigay na yung papel. OO yun nga yung test na nag effort akong magmadali di ko din pala maaabutan T_T Okay fine edi sila na meron, kainis lang bulungan ng bulungan sa likod ko.
Anong score mo?
Anong score mo?
Anong score mo?
Blah-Blah-Blah!!! Haay O.p tuloy ako dito.
"Leigh papel mo oh nice dalawa lang mali 28 over 30 ikaw na!" - sabay abot sakin ng papel
"ha? Yung totoo nang iinsulto ka ba?" - pagkahawak ko agad kong tinignan. Ano to!? Pa-paanong meron akong!? Imposible hindi naman ako nagtake ng exam ha!? Teka parang kilala ko tong sulat na to O_o Napansin kong tapos na ipamigay yung mga papel pero si Kenneth walang natanggap
"Kenneth?" - tumingin ako sakanya
"ssshh wag kang magsalita"
"bakit mo ginawa yun?"
"wag kang maingay kung ayaw mong mapahamak" - ano? Yun lang yun? Akala nya matatouch ako sa ginawa nya eh sira na talaga tuktok ng lalaking to nilagay nya yung pangalan ko sa papel nya imbis na pangalan nya. Paano kung may makaalam nun? Edi pati ako damay! Urggh >o< parang 30 points lang naku naman nanganganib pa tuloy kami ngayon! Tss~
"Leigh Caberto" - bigla kong tinawag ni sir De Guzman yung masungit naming teacher sa FineArts *tug*tug*tug*tug* kinakabahan nako at pinag papawisan di ko na alam ang mga susunod na mangyayari >_<
"Kenneth Bolina" - sunod na tinawag si Kenneth lalo na kong kinabahan. Patay na! Eto na talaga yun >////< Nagkatitigan kaming dalawa ni Kenneth
"yare ka talaga sakin mamaya, kasalanan mo to eh. Intensyon mo talagang ipahamak ako kainis ka grrrr~" - bulong ko sa isip ko
"Leigh Caberto at Kenneth Bolina go to my office later may pag-uusapan tayo"
"sir!? Sorry po. Sya naman po talaga yun eh. Hindi ko po talaga sinasadya. Hindi na po mauulit promise patawarin nyo na po kami!" - napalakas ang sabi ko. Rinig buong room dahilan para tignan nila kong lahat (o)_(o)
"Leigh okay ka lang? Anong sinasabe mo?" - tanong sakin ni sir
"aah sir di po ba papagalitan nyo kami?"
"bakit naman ako magagalit? Ang totoo nyan masaya ko dahil estudyante ko ang napili para sa gaganaping wall painting contest Congratulations Leigh at Kenneth mag usap tayo mamaya for more information"
Krrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinngg!!
Nag ring na yung bell. Labasan na namin. Speechless padin ako, parang gusto ko nang lumubog sa lupa sa sobrang kahihiyan -____-"
"sabe naman sayo wag kang magsalita eh"
"sige lang mang'asar ka hanggang gusto mo"
"tara na nga punta na tayo sa office"
"ayoko ikaw na lang"
"tara na sa susunod makikinig ka kasi sakin" - sabay hinawakan nya kamay ko at hinatak papunta sa faculty ni sir. Pagkatapos ipaliwanag yung tungkol dun sa wall painting contest pumasok na kami para sa next subject. Pagkalapag ko ng bag biglang nagsalita si Trixia
"Leigh can we talk?
"tungkol san Trixia?"
"about my problem na ikaw lang ang makakatulong"
"problema na ako lang makakatulong ano ba yun?"
"girl talk to gusto ko tayong dalawa lang, mag usap tayo mamayang uwian"
"sige ikaw bahala" - ang weird naman ni Trixia. Ano naman kaya pag uusapan namin? Nung mag uwian na nagpaiwan kami sa classroom walang tao kaya nakakabingi ang katahimikan
Silence
Silence
Silence
Ang awkward naman nito. Ano ba hindi ba sya magsasalita? Pero maya maya'y nagulat ako umiiyak na sya sa harap ko
"Trixia bakit ka umiiyak?" - tanong ko. Pero hindi sya sumasagot
"huy Tixia wala namang ganyanan bakit ka umiiyak magsalita ka nga"
"Leigh hindi ko alam kung paano to sasabihin sayo. Hindi ko din alam ang mga mangyayari pagkatapos nating mag usap. May gusto kong hilingin sayo"
"hindi ko maintindihan pero sige ano ba talaga yun?"
"napaka selfish ko siguro kung hilingin ko sayo na layuan mo na si Kenneth kasi mag kaibigan kayo. Aaminin ko Leigh nagseselos talaga ako sa inyo. Ewan ko ba? Kahit sinasabe nyang mahal nya ko hindi ko padin maiwasan isipin ka feeling ko kasi mas malapit pa kayo kaysa sa amin. I'm sorry Leigh pwede bang layuan mo na si Kenneth?" - nabigla ako sa sinabe nya sa totoo lang hindi ko alam ang isasagot ko
"Trixia wag kana umiyak. Gusto kong sabihin sayo na alam ko naman ang mga limitasyon ko. Maniwala ka na magkaibigan lang talaga kami"
"wala ba talaga akong dapat ikaselos Leigh?"
"ano bang klaseng tanong yan Trixia? Kung ganyan ang nararamdaman mo bakit ako ang kausap mo ngayon? Bakit hindi mo kausapin si Kenneth?"
"sorry Leigh pero umaasa ako na wala talagang namamagitan sa inyo"
"ikaw ang gusto ni Kenneth kaya kung may doubt ka na may namamagitan samin nagkakamali ka"
"nabalitaan ko kasi na gusto ka pala nya dati at binusted mo sya tama ba? Naisip ko lang na baka hanggang ngayon may feelings padin sya sayo at nagtetake advantage sya sa friendship nyo"
"its almost two years Trixia just move on kaya nga ikaw ang girlfriend nya kasi ikaw na ang mahal nya ngayon. Pwede bang tigilan na natin to?"
"nakakatawa sorry sa lahat ng sinabe ko. Thankyou din Leigh kalimutan mo nalang na nagpakaparaning ako ngayon" - kung gaano kasensitibo ang usapan namin ganun lang kasimple natapos yun
Habang naglalakad ako napaisip ako ng husto sa sitwasyon ko at sa mga sinabe ko kanina
"Gusto kong sabihin sayo na alam ko naman ang mga limitasyon ko. Maniwala ka na magkaibigan lang talaga kami"
Limitasyon? Hanggang san nga ba ang limitasyon ko? Paano kung mahulog nga ang loob ko kay Kenneth kakayanin ba ng konsensya ko? Hindi ko intensyong manira ng relasyon at sabe nga ni Bea sa pelikulang "The Mistress" Walang babaeng pinangarap maging kabet
BINABASA MO ANG
Fling or Real Thing?
Teen FictionSOME PEOPLE ARE MEANT TO FALL INLOVE WITH EACH OTHER BUT NOT MEANT TO BE TOGETHER.