Ice Cream Overload

6.1K 57 2
                                    

[Pinalitan ko na po yung mechanics nung game. Tignan niyo na lang po. :))))]

Karylle's POV

Lunch na namin ngayon. Papunta kami ni Jhong sa grounds kasi daw may contest. Pagbaba namin, nagsulat na kami dun sa papel ng mga sasali tapos pinaupo kami. Bago kami umupo, nakita ko si Vice na kasama si Bianca? Kanina ayaw niya kasama si Bianca tapos ngyon nagtatawanan pa sila. Magkatabi pala kami. Umupo na kami ni Jhong at naghintay para magstart.

Vice's POV

Bumaba na kami ni Bianca nung lunch at pumunta sa grounds. Pagkasulat namin, umupo na kami. Nag-usap muna kami dahil maya maya pa magiistart yung contest. Hindi parin nagbabago si Bianca. Makulit, masayahin, cute at masarap kasama.

Napatingin naman ako sa kanan ko at nakita ko si Karylle kasama si.... Jhong? Ba't di ko sila nakita? "Uy, nandito pala kayo", sabi ko kay Karylle. "Oo, nakikipag-usap ka kasi kay Bianca nung dumating kami.", sabi naman ni Karylle.

"Ok", sabi ko tapos dumating na ang principal at sinabihang magready na. Pinosas na yung kaliwang kamay ko sa kanan niya at kanan ko naman sa kaliwa niya. Ganun din sa iba. Nilagay na ang ice cream sa table namin at nagstart na yung contest.

"Uy, damihan mo kaya kain mo.", sabi ni Bianca. "Ok lang. Alam ko namang kaya mo yan ubusin eh.", sabi ko. "Bad ka", sabi niya. Tumawa na lang ako at kumain. Bigla naman ako nilagyan ng ice cream sa ilong ni Bianca.

"Ba't mo ginawa yun?", sabi ko sa kanya habang tinititigan ng masama. "Your so cute when you have ice cream on your nose", sabi niya at tumawa. "Ganyanan pala ah", sibi ko tapos nilagyan ko siya ng ice cream sa cheeks.

Hanggang sa halos puro ice cream na mukha namin. "Jose, tanggalin mo na yung ice cream sa mukha ko para manalo tayo.", sabi ni Bianca. Oo nga noh. Ang dami pa nung sa iba. Yung amin mukha na lang.

Tumingin naman ako sa kanan at nakita kong nag-eenjoy si Karylle at si Jhong. Eto na naman yung nararamdaman ko pag nakikita sila. "Uy, may problema ba?", sabi ni Bianca. Andyan nga pala siya. "Wala", sabi ko at tinanggal na yung ice cream sa mukha niya gamit yung bibig ko kahit nandidiri ako.

Tinanggal naman niya yung ice cream sa mukha ko. ":Uy, mayroon ka pang ice cream malapit sa labi mo.", sabi ni Bianca. Sinubukan ko namang tanggalin yun ice cream pero di ko abot. Kainis! "Ako na nga.", sabi ni Bianca at kinuha yung ice cream malapit sa bibig ko gamit ang bibig niya.

(0_0) Nagulat naman ako sa ginawa niya kaya natulala ako. Bakit parang i have no regret sa ginawa niya? Ginusto ko ba yun? Ewwww Tinanggal na samin yung posas at sinabi ang winner. Kami ang nanalo. Akalain mo yun.

"Uy, kanina kapa tulala ah. May problema ba?", tanong sakin ni Bianca. Hindi ako nakapagsalita. "Dahil ba sa ginawa ko kanina?", sbai niya. "Sorry ah.", sabi niya tapos nag-pout. "Ok lang yun.", sabi ko at dumeretso sa classroom.

"Galit ka ba sakin?", sabi ni Bianca. "Hindi",  sabi ko at dumating ang principal. Tinawag kami para magpractice ulit para sa play.

My Gay......... Husband???!!! (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon