Kinabukasan…..
Karylle’s POV
Pagkagising ko ay agad ako naligo at kumain.”Ang aga mo yata ngayon Karylle.”, sabi ng nanay ko.”Masama ba nay?.... Jk! Hindi ko din po alam eh. Ngayon lang ako gumising ng maaga eh.”, sabi ko.
Pagkatapos ko kumain, lumabas nako at dumeretso na ako sa school. Pagpunta ko dun, ang konti pa lang ng tao. Masyado yata napaaga ang dating ko ah. Nagikot na lang ako sa school kasi hindi ko pa rin alam ang bawat sulok ng school na ito. Maya-maya nabored na ko kaya umupo na muna ako at naglaro sa phone habang nakikinig ng music.
Maya-maya nung medyo marami ng dumadating, tumayo na ako at pumunta sa locker ko para kunin ang books ko. Habang naglalakad ako, may nakabangga sa akin at nahulog yung books ko. “Sorry, miss. Hindi ko sinasadya. Naglalaro kasi ako sa phone ko eh. Sorry talaga. Tulungan na kita.”, sabi nung nakabangga sa akin at tinulungan ako kunin ang books ko. Siguro lalaki to kasi ang lalim ng boses eh. “Thank You! J”, sabi ko at pag kakita ko sa kanya, lalaki nga! Napakagwapo niya kaya napatulala ako sa kanya.
He chuckled and said “Is there something on my face?”. Patay English Speaking…. “Uy! Kung iniisip mo na English speaking ako, hindi naman in fact pure Pilipino ako. Hehehe”, sabi niya. (Pano niya nalaman?) “Sorry. Hindi kasi ako sanay mag- English eh.”, sabi ko naman. “It’s fine. Ako nga pala si Jhong. Ikaw anong pangalan mo?”, sabi sakin nung nakabangga sakin…. este ni Jhong pala. “Ako si Karylle J”, sabi ko habang nakangiti.
“Bago ka pa lang dito no?”, sabi niya at tumango ako. “Gusto mo i-tour kita sa school saka ako na magbibitbit ng books mo”, sabi naman ni Jhong. “Ok”, sabi ko at binigay sa kanya ang books ko(gwapo na nga gentleman pa). Ang laki pala talaga ng school na to no! Ang daming rooms, music room, canteen, offices, gym, aula minor, stage, grounds at ang pinakafavorite ko… garden. Ang ganda sa garden. Madaming bulaklak at ang sarap ng hangin dito.
Kumuha naman si Jhong ng bulaklak at inilagay sa tenga ko. “Mas bagay sayong nakaganyan. Mas lalo ka pang gumanda.”, sabi sakin ni Jhong at feeling ko namumula ako kaya tumingin ako sa ibang direksyon. Hinarap naman ni Jhong ang mukha ko sa kanya at sinabi,” Wag mo nga itago yung mukha mo. Ang cute mo kaya pag nag bublush J”. Dahil sa sinabi niya namula na naman ako at tumawa siya at pinich ang cheeks.
Hinatid niya ko sa room pagkatapos niya ako tinour at pumasok na ako. “Karylle, saan ka galing at bakit kasama mo si Jhong?”, tanong sakin ni Anne pagkaupo ko. “Galing lang ako sa labas. Tinour ako ni Jhong sa buong school.”, sabi ko at dumating ang teacher at nakinig na kami.
Maya-maya noong lunch na, Pumunta na kami ni Anne sa canteen para puntahan yung 6 (Angel, Leona, Regina, Christine, Vhong at Joshua) Nakita na naming sila at umupo kami doon habang yung iba nag-order na ng pagkain. Nakita ko naman si Jhong na papunta sa akin at umupo sa tabi ko. Nag-hi kami sa isa’t isa. Hinintay ko ang pagkain ko at kumain na kasama ang buong barkada.
Pagkatapos naming kumain, nag-usap usap muna kami dahil mamaya pa magtitime. Nag-usap kami ni Jhong. Nalaman ko na kasali siya sa basketball team katulad ni Vhong. Siya ay sumayaw at minsan kumakanta. Nag-uusap lang kami habang ang dalawa na may bf ay sobrang sweet. Si Leona at Angel naman, bumili pa ata ng pagkain ulit. Si Christine naman, ayun may sariling mundo at nakatulala. Nabobored na ata siya eh.
Habang nag-uusap kami ni Jhong, may narinig akong mga tili ng babae kaya tinignan ko kung anong nangyayari. Si bakla pala. Kapapasok lang at parang naiirita sa mga tili nung mga babae. Hindi ko naman siya masisisi kasi kung makatilki sila wagas. May kasama siyang isang babae at isang lalaki. Nakita ko siyang tumingin dito at nakita ko sa mata niya ang inis at….. selos??? Kanino? Siguro kay Jhong kasi gwapo, magaling sumayaw, getleman, sweet at masaya kasama siya.
Vice’s POV
Pagpasok ko sa canteen, narinig ko na nagtitilian na naman ang mga babae ditto. Nakakairita na kaya sila. Alam naman nilang bakla ako pero kung makatili, wagas. Napatingin naman ako dun sa babaeng humalik sakin kahapon at kasama niya si…….. JHONG??!! Kung di niyo pa alam crush ko si Jhong simula nung nakilala ko siya kasi napakasweet at caring niya sakin at napakasarap niyang kasama.
Ang tawag ko nga sa kanya cutipie pero hindi niya naman mind kasi it’s just a nickname. Dati kasi pumunta kami sa bahay nila Camille tapos magbabake sana kami ng pie kasi tinuruan kami ng nanay ni Camille. Habang nagbabake kami naglalaro kami at maya-maya naluto na ito kaya kinaha na ni Camille yung pie. Kami naman ni Jhong naghahabulan at bigla naman napatid si Jhong at nahulog yung mukha niya sa pie!!!! Hahahahahahahaha tawa kami ng tawa nung araw na yun saka sabi ko kay Jhong nacute siya pag may pie sa mukha kaya simula nun, ang tawag ko sa kanya cutipie.
Umupo na kami nila Camille at Cedric at kumain. Nakatingin naman ako sa kanilang dalawa(Jhong and Karylle). Nagseselos ba ako? Nakakainis! Simula nung dumating yang babaeng yan, nakuha niya na nga First Kiss ko, pati ba naman Crush ko?!
Natapos na ang lunch at maya-maya ay nag uwian na kaya umuwi na sila
Abangan ang next chapter bukas:
Malling and Love.