Karylle’s POV
“Ano ba yan unang araw mo pa lang late ka na gumising”, sabi ng nanay ko.”Eto na po ”, sabi ko habang nagmamadali maligo at kumain.
Pagkatapos ko maligo at kumain, nagpaalam na ko sa nanay ko at tumakbo papuntang school kase malapit lang ito sa bahay naming.Malelate nako!!!!
Ay… Teka! Hindi niyo pa pala ako kilala.
Ako nga pala si Ana Karylle Padilla Tatlonghari. Pero ang tawag sakin ng mga friends at family ko ay Karylle. Kalilipat lang naming ditto at wala pa akong kilala. Bago na rin ang school ko at ngayon ang unang araw ko sa school. Sana marami akong maging kaibigan! Ako ay 16 yrs. old at malapit na mag 17 sa ilang buwan. Ako ay kumakanta. Ako ay isang palaban medyo mataray na babae pero kapag naging kaibigan mo ako malalaman mong isa akong maingay at baliw na kaibigan. Pero kapag sinaktan mo ako o ang mga kaibigan mo ako ang magiging kalaban mo.
Pagdating ko sa school. Ang laki!!!! Parang pang mayaman. Hindi naman kami ganun kayaman dahil isang singer ang nanay ko at iisang anak niya ko. Ang tatay ko? Hindi ko alam eh saka ayaw ng nanay ko pag-usapan.
Wow! Ang ganda sa loob at mukhang hindi pa nag be-bell kaya naglibot-libot muna ako at ang dami kong nakikitang tao. Maya-maya ay nahanap ko na ang principal’s office at pumasok na ako.Pagpasok ko ay nakita ko ang secretary ng principal.
“Hello po. Ako po si Karylle. Kukunin ko po sana yung schedule ko.”, sabi ko sa secretary. Hinanahanap naman ng secretary ang schedule ko, umupo muna ako. Nahanap na ng secretary ang schedule ko at ibinigay sa akin.
(AN: Ano kaya ang mangyayari sa unang araw ni Karylle? Sino kaya ang magiging mga kaibigan niya? )
Abangan...