Continuation....................................................
Vice's POV
Ilang linggo na ang nakakalipas. Halos di na kami makapasok araw-araw eh. Lagi kami busy ni Karylle pero atleast magkasama kami. Pero halos ako lagi ang kasama sa shoot at medyo minsan na lang si Karylle eh.
"Lester! Halika na magiistart na.", sabi ni Elisha tapos hinila na ako at inupo sa harap niya. Actually, feeling ko nga may poblema si Elisha eh. Minsan malungkot, walang kibo tapos minsan naiinis, napipikon at nagagalit.
Pumunta ako sa dressing room ni Elisha at nakitang nag-aayos siya ng gamit. "Elisha.", sabi ko at tumingin naman siya sakin. "Bakit ka andito?", tanong naman niya. "Gusto ko lang makipag-usap sayo.", sabi ko.
"Ano ba pag-uusapan natin?", sabi niya. "May poblema ba?", sabi ko kay Elisha. "Wala.", sabi niya. Alam kong nagsisinungaling siya sakin dahil hindi siya tumitingin sakin pag nagsisinungaling siya eh.
"Alam kong nagsisinungaling ka Elisha. Alam kong may problema ka. Andito lang ako Elisha incase na naghahanap ka ng masasabihan ng problema.", sabi ko. "Paano kung may minahal ka na may mahal nang iba?", sabi niya.
"Bakit mo naman natanong yan?", sabi ko. "Basta. Sagutin mo nalang tanong ko.", sabi niya. "Well. Kung minahal man akong may mahal na iba, hahayaan ko na lang siya kung san siya masaya o kaya ipaglalaban ko ang pagmamahal ko.", sabi ko naman.
Totoo naman eh. Lahat gagawin mo para sa taong mahal mo. Pero sometimes you need to sacrifice for love. "Ok.", sabi niya. "Yun ba yung problema mo? Yung taong mahal mo eh may nilalaman na ang puso?", sabi ko.
"Oo eh.",matamlay na sabi nito. "Marami ka pa namang mahahanap diyan eh. Ikaw pa. Sa ganda mong yan, wala magkakagusto sayo. Naalala mo pa ba dati? Diba may crush ako sayo dati?", sabi ko.
"Oo nga eh. Ang saya dati noh?", sabi niya. Ngitian ko naman siya. "Gusto mo labas tayo? Para naman makalimutan mo muna yung problema mo. May alam akong bar malapit dito eh.", sabi ko naman.
"Sure.", sabi niya. Inayos na namin yung gamit namin tapos nilagay ko yung gamit namin sa likod tapos pumasok na sa kotse at nagdive. "Saan ka ba uuwi mamaya?", sabi ko kay Elisha. "Sa condo ko siguro. Bakit?", sabi niya.
"Hatid na kita mamaya ah. Hindi pwedeng hindi.", sabi ko. "Ok. Fine.", sabi niya. Pagdating namin sa bar, pumasok na kami tapos umupo sa may VIP. Umorder kami ni Elisha hanggang sa marami na kaming nainom na beer.
Ok pa ko pero di ko lang alam kay Elisha. Sumasayaw kasi siya sa dancefloor eh. Nakita ko namang maraming pumapalibot na lalaki sa kanya. Bumalik naman siya dito at umupo sa tabi ko tapos hinawakan niya yung kamay ko.
"Tara. Sayaw tayo.", sabi niya. Tumango na lang ako at sumayaw kami sa dancefloor. Bigla naman akong nag-init dahil sa mga ginagawa ni Elisha dala ng kalasingan. "Elisha. Tara na.", sabi ko kay Elisha.
"Mamaya na. Le't just have fun.", sabi niya tapos sumasayaw parin. Hinila ko naman siya paalis ng dancefloor at pinaupo. "Uwi na tayo Elisha. Lasing ka na eh.", sabi ko. "Ayoko! Hindi pa ako lasing noh!", sabi naman niya.
Umorder na naman siya ng beer tapos ininom niya yung kalahati. "Tama na Elisha.", sabi ko naman sa kanya. "Sige. Sayo na lang to oh. Pag ininom mo yan, papayag na ko umuwi.", sabi niya kaya ininom ko yung kalahati at medyo nahihilo na ako.
Hinila ko agad siya papunta sa kotse at nagdrive na ako. Dumating na kami sa tinitirahan niyang condo at nakatulog na pala siya habang pauwi. Binuhat ko na lang siya tapos umakyat at pinasok siya sa kwarto niya.
Palabas na ko ng kwarto ng bigla siyang nagsalita. "Lester, wag mo kong iwan.", sabi niya tapos tumayo. na-out of balance naman siya kaya sinalo ko siya pero fail dahil parehas kaming nahulog sa sahig.
Nagkatitigan naman kami at bigla niya akong hinalikan. Hindi ko namang namalayan na hinahalikan ko din siya. Siguro dahil sa kalasingan. Tumayo naman kami pero naghahalikan peo tapos humiga sa kama.
Hinubad naman niya yung pangitaas ko hanggang sa.............................."Cut!!!", sabi ni direk. "Good Job everybody.", sabi ni manager. Nilagay ko na yung pangitaas ko tapos dumeretso sa labas. Sumunod naman sakin si Kaye.
"Ang galing mo kanina ah.", sabi ni Kaye. "Tnx. Ikaw din naman eh. Siguro marami ka ng nahalikan.", sabi ko. "Hindi noh. Actually, first ko pa nga lang nung nagkahalikan tayo nung sa swimming contest eh..", sabi niya. "Wehhhhhhhh", sabi ko naman.
"Oo nga. Ang kulet.", sabi niya. "Ibig sabihin.......... ako ang unang-", sabi ko pero nagsalita siya. "Oo, ikaw ang first kiss ko.", sabi niya. Hindi ko alam pero napangiti ako. "Ummmm. Nakita mo na ba yung bagong script?", sabi ni Kaye.
"Anong bagong script?", tanong ko naman. "May inasikaso kasi yung dapat na magiging leading man ko eh. Saka pumunta siya sa ibang bansa dahil may sakit yung dad niya.", sabi ni Kaye. "Sino papalit para maging leading man mo?", sabi ko.
"Ikaw.", sabi niya. "Ako?", sabi ko naman. "Oo. Ikaw.", sabi niya. "Paano si Kaylle.", sabi ko. "Kaya nga nagbago yung script eh. Pinalitan yung story pero hindi naman tatanggalin yung mga nashoot natin. At si Kaye, well may gusto parin siya sayo kaso tayo yung magkakatuluyan. But don't worry, mayroon naman siyang magiging leading man eh.", sabi niya.
"Ah. Ok.", sabi ko. "Galit ka ba? Pwede ko namang sabihin kay direk na humanap na lang ng kapalit niya eh.", sabi ni Kaye. "Hinde na. Ok lang ako. Tara. Hatid na kita.", sabi ko tapos sumakay na kami sa kotse at nagdrive.
Pagdating namin sa bahay ni Kaye, Binuksan ko yung pinto at inalalayan pababa tapos pumunta na kami sa gate. "Thank you nga pala sa paghatid ah.", sabi niya. "Wala yun.", sabi ko. "Sige na. Pasok na ko.", sabi niya tapos kumiss sa cheeks ko.
Pumasok na ako ng kotse at pumunta sa bahay. Pagdating ko sa bahay, pumasok agad ako at nakita ko si Karylle na nakatulog sa sofa kakhintay sakin. Sinabi ko namang wag niya na ako hintayin eh.
Pinatay ko na yung TV tapos binuhat siya papunta sa kwarto niya. Pagkababa ko sa kanya sa kama, tinignan ko naman ang kanyang mukha at napangiti. Hinalikan ko siya sa noo tapos pumunta na sa kwarto ko.
Itutuloy.......................................................