12 ( throwback 9 )

81 3 0
                                    


1 week later...

Hahaha!!! Tapos,ayun na nga! Dahil sa kalasingan ng boss namin ay nahulog sya sa inuupuan niya.. Pano kasi, pumasok pa sa opisina na lasing na lasing dahil hindi raw siya nakascore sa asawa niya kagabi at sinampal pa nga raw siya ng asawa niya! Pagkukuwento niya.. Ang sarap tingnan ng mga ngiti niya at marinig yung halakhak niya...

Wala na! Hulog na hulog na ako..

Nandito kami ngayon sa isang tindahan na may karenderya din. Alas syete na ng gabi kasi kaya dito nalang kami kumain malapit sa bahay niya para hindi na sya mahirapan pa.

Ganun ba talaga kayong mga lalaki? Kapag hindi napagbigyan ni misis, maglalasing? Napatingin ako sa kanya.. Nakikita kong napaka-inosente niyang tingnan sa tanong niya.

Hmmm.. Hindi ko alam.. Hindi naman kasi lahat ng lalaki ay ganyan eh.

Hmm.. Sabagay.. Tama ka naman..

As I look at her intently, nakikita ko sa mga mata niya na inaantok na sya at pagod na pagod.... Kaya,hindi na ako nagdadalawang-isip na tanungin sya..

Ahm.. Marami ka bang trabaho kanina? You look so tired.

Hmmm.... Marami nga... Nabigla nga ako eh dahil sunod-sunod yung photoshoot ko ngayong araw.. Mostly kasi, dalawa hanggang tatlo lang ang photoshoot ko in one week.. Pero, this week? Apat na beses sa isang araw yung sunod-sunod na photoshoot ko.. Bukas naman, para sa e-endorse kong limang products.. Kaya, minsan, nakakatulog lang ako ng isa hanggang dalawang oras.. Pero, kadalasan kalahating oras lamang yung tulog ko. Napatawa naman ito saglit. Thanks to my fiancé. Sya yung dahilan kung bakit marami akong projects... Simula kasi noong nalaman ng halos lahat na fiancé ko si Edward John Barber, mas marami na akong projects na natatanggap kesa noon.... Mabait narin yung direktor namin sa akin... Kahit pagod ako, I can't say NO to you kapag bigla ka nalang susulpot doon sa tinatrabahuan ko... Hindi ko alam, ang bilis kong makagaanan ka ng loob eh.. Dahil siguro na isa ka ring baliw.. Nasasabayan mo yung mga trip ko kahit halata namang hindi ka sanay. Napangiti na lamang ako sa sinabi niya.

Can't Forget The Past [ ON - GOING ]Where stories live. Discover now