21 ( continuation of t.b. 18 )

51 4 0
                                    

Marydale's pov

Heto,iha. Kumain ka muna. Para bumalik ang lakas mo ulit. Sabi ng isang ginang na may malumanay na ngiting ibinigay sa akin, na sa tingin ko'y nasa late 50's or early 50's.. Familiar sya sa akin pero hindi ko maalala kung saan o kelan ko sya nakita.

Salamat po. May ngiti kong sagot sa kanya pagkatanggap ko ng pagkaing nasa pinggan.. Puro iyon mga masusustansyang pagkain... Nilantakan ko na ang pagkain at nang matikman ko ang lasa ng luto ng pagkain ay napapikit ako sa sarap dahil napakafamiliar sa akin ang lasa ng pagkain pero wala akong maalala..

Nung naubos ko na ang pagkain ay hinarap ko na ulit ang isang ginang na nakangiti parin sa akin. At nang makita niya na wala nang laman ang pinggan ko'y tinawag niya ang tila isang katulong.

Cielo, pakikuha itong pinggan. At dalhin mo rito ang mga prutas at deserts na ginawa koKinuha naman ito ng babae at umalis sa harap namin at pagkatapos ay bumalik ito't ibinigay sa ginang ang isang basket na puno ng prutas at dalawang baonan.

Heto po,ma'am. Sabi nito at nagpasalamat naman ang ginang.

Heto,iha. Anong gusto mong unahin kainin? May malambing na tanong sa boses nito sa akin at kinuha ang takip ng baunan at nakita ko ang lasagna at spaghetti na nasa loob ng iisang baunan pero nakaseparate ito.. Gustuhin ko mang kaining yun eh, mabigat ang pagkain iyon sa katawan at kakatapos ko lang din kumain.

Ngumiti ako sa ginang  at tiningnan ko naman ang babaeng nagngangalang Cielo na may malumanay ring ngiting nakatingin sa akin, nginitian ko rin ito. At tumingin ulit ako sa ginang.

Prutas nalang po muna,ma'am. Mabigat po sa katawan ang pasta lalo na't kakatapos ko lang pong kumain. Sagot ko sa ginang na syang nagpangiti lalo nito dahil sa sinabi ko...

You still didn't change,iha. Alam mo parin kung kailan kakainin ang pasta. I look at her and I know na makikita sa mga mata ko ang pagkalito dahil sa sinabi nito... Nagkibit-balikat ito saka ibinigay sa akin ang basket na puno ng prutas na grapes, apples, strawberries, blueberries, oranges and bananas.

Pagdating sa prutas, kahit gaano pa karami ito'y mauubos ko parin lalo na't gutom na gutom ako.. Mas mapapabilis kase ang pag digest ng pagkain mo with the help of fruits or ang natural juice ng pineapple...

Ibinigay ko ulit sa ginang ang basket at gaya kanina ay may malaking ngiti ito sa mga labi at nakatitig parin sa akin.

B-bakit po? Tanong ko rito.. She smiled sweetly and caressing my hair gently.

Naalala ko lang ang pamangkin ko sa iyo.. Magkasing-edad lang kayo... At sa awa ng diyos, nakita na namin sya na matagal ng nawalay sa amin simula ng may nangyaring trahedya sa pamilya nila.
Sabi nito. My heart beats fast sa huling sinabi nito..

Biglaan din ang pagsakit ng ulo ko na syang dahilan na ikinapikit ko at may lumabas na mga imahe..

" what do you want to eat, baby princess? Hmm? " ang sabi ng isang boses babae... I can't see her face clearly.

" I want some spaghetti and lasagna---"

Iha? Oh my god! Are you okay? May masakit ba sa iyo ? Tell me? Sabi ng ginang na kaharap ko ngayon at habang natataranta kung ano ba ang unang gagawin, na mas lalong ikinasakit ng ulo ko at may lumalabas na imahe akong nakikita kapag pipikit ako...

Oh my god! Oh my god! Maria Ella May! Oh my god, princess! Cielo! Tumawag ka nang doctor! Bilisan mo! Tarantang sabi nito..

At nang hindi ko na kaya ay napasigaw na ako sa sobrang sakit..

Ah! Araaayyy!! Aaahhhhh!! Masakit! Sobrang sakit na ng ulo ko! Tama na !!

Oh my god! Oh my god! Princess, I'm here.. I'm just here.. Tarantang sabi nito at niyakap ako ng mahigpit at yumakap din ako pabalik sa kanya na tila sa kanya ko ipinagkatiwala ang buhay ko...

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang nurse at doctor..

Meron silang itinurok sa akin na unti-unting nagpapakalma sa buong katawan ko at maya-maya pa'y naging blurred ang paningin ko bago bumukas ulit ang pinto at pumasok ang hindi ko na masyadong mamukhaan na kung sino man ang pumasok sa kwartong nasaan ako ngayon.

At bago pa ako gupuin ng antok ay narinig ko ang dalawang boses na tila napakapamilyar sa akin.

Mom? What's happening? / Marydale, anong nangyari sa iyo?

---

Can't Forget The Past [ ON - GOING ]Where stories live. Discover now