Prologue

38 8 2
                                    


"let's get drunk! Yohoooo!"

"ayoko Nica sa tanang buhay ko hindi pa ako nalasing at nakatikim ng alak" tanggi ko pa rito.

Nasa bar kami kaarawan ko ngayon kaya heto't nag celebrate kami kasama ang kaibigan kong si Mica.

"Ano ka ba naman hello nasa manila ka na at wala sa Davao okay? Let's get wasted c'mon!" sabi niya sabay tungga ng inuming hindi ko alam kung ano ang tawag don. Basta kulay mapula na hindi iwan wine yata tawag don?.

"pero 17 palang tayo hindi pa tayo pweding mag lasing" paliwanag ko. Kaka 17 ko pa lang.  Kabilin bilinan ni nanay bago ako lumuwas ng maynila na hindi daw ako pweding uminom ng mga alak kasi babae raw ako. Pero heto ako ngayo't kasama ang aking kaibigan sa loob ng bar. Natatakot akong makarating ito kay nanay.

"Come on birthday girl just one shot okay? Here" sabay abot niya sakin ng kupitang may lamang alak. Tatanggi pa sana ako ng. "Please just this one hindi naako mangungulit pa okay? I promise hindi ito makakarating sa nanay mo"

"Sige na nga basta isa lang ha?" paninigurado ko pa sa kanya. Nakakahiya naman kasi lagi ko nalang siyang tinatanggihan. Siya pa naman ang nagbayad sa lahat ng inorder niya rito. Tanging siya lamang ang kaibigan ko.

May kaya ang pamilya ni Nica o Anica Elthon ang buo niyang pangalan kaya magagawa niya lahat ng gusto niya pero hindi rin nawala ang personal bodyguard niya na laging nakabuntot sa kanya saan man siya mag punta. Pero kahit ganun nagagawa at napupuntahan niya ang mga ibig niya.

Wala rito sa bansa ang mga magulang ni Nica kasi busy ito sa business nila abroad. Masasabi kung spoiled si Nica at hindi rin siya natuunan ng pansin ng kanyang mga magulang basta nalang binibigay ng mga ito ang kailangan niya. Kaya lagi akong kinukulit ni Nica nga don nalang titira sa bahay nila kasi siya lang daw mag-isa doon o di kaya sa condo niya na malapit lang din sa school. Pero tinanggihan ko lahat ng alok niya kasi masyado na akong nahihiya. Kapag kailangan ko kasi ng pera at hindi agad makapagpadala si nanay ay siya agad ang sasagip nito tapos pag binayaran ko naman hindi niya tatanggapin lagi niya lang sinasabi na bayaran ko nalang daw siya pagdating ng tamang panahon kung kailan kaya ko na raw.

"yehey! Thank you babe at pinagbigyan mo ako. Dalaga kanang talaga! Congrats"

"hoo! Ang paet Nica. Ang init sa tiyan" nakangiwing sabi ko. Grabi hindi ko maipaliwanag ang lasa ng inuming ito hindi ko tuloy mawari kung bakit marami ang umiinom kung gayon ang pangit naman ng lasa.

"Ito kumain ka muna ng cake para mawala ang pait. Ganyan din ako nong una akong uminom. Pero kapag nasanay kana mawawala na ang pait.  Trust me. Want to drink another shot babe?" nawala na ang pait saaking bibig napalitan ito ng tamis ng sumubo ako ng cake. Hindi ko alam kung bakit tumango ako sa sinabing iyon ni Babe siguro'y gusto ko lang din malaman kung totoo ba ang sinabi niyang iyon na mawawala ang pait kapag nasanay kana.

"Oh ano? Hindi naba mapait?" tanong niya sakin matapos tunggain ang isang shot ng rhum. Oo rhum pala itong iniinom ni Nica at hindi wine.

"mapait parin pero hindi na tulad ng kanina babe. Tama ka nga! " nagagalak na saad ko habang sumubo ulit ng cake. May cake kaming dala kasi ito yong regalo niya kuno sakin wala daw siyang pera pambili ng ibang regalo. I treat niya nalang daw ako. Oh diba? Wala daw pera hahays alam ko na gusto niya lang akong dalhin sa ganitong lugar.

Isa, dalawa, tatlo hanggang sa hindi ko na mabilang pa kung nakailang tungga na ako ng rhum. Parang nag-iinit na ang buo kong katawan parang gusto kong sumayaw ng sumayaw.

"Let's go babe let's dance!" sa sinabing iyon ni Nica parang nabuhay ang dugo ko. Nakadagdag pa ang tugtuging napakaganda at parang gustong sumabay ng katawan ko sa ritmo ng musiko.

One Night Stand (ON HOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon