"Alam mo po maam This is the first time I saw boss acting like that" papunta na kaming clinic kasama itong lalaking inutusan nong lalaking nabangga ko kanina. Hindi ko naman lubusang maunawan kung ano ang nais niyang iparating.
"Po? Anong pong ibig niyong sabihin k-kuya?" medyo nagaalangan paako kung tawagin ko na siyang kuya o hindi. Pero sa huli ay napagdesisyonan ko nalang na tawagin itong kuya.
"Kasi si Boss allergic yon sa babae ayaw niyang may babaeng dumidikit sa Kanya!" nagulat naman ako ng sumigaw siya.
"Ay sorry maam. Pero kasi yong unang reaction niya? Yon ang normal reaction niya pag may babaeng lumalapit sa kanya Maam. Akala ko nga hahayaan ka na niya kanina pero hindi eh iba yong nakita ko kay boss kanina. " ang daldal naman ni kuya hindi ko naman siya naiintindihan.
"Ahm kuya pasensiya na po kayo pero hindi ko po kayo maintindihan" nahihiyang sabi ko pa. Kahit anong pilit kong intindihin siya pero hindi ko talaga makuha yong gusto niyang sabihin. Kita ko naman kung paano nalukot ang mukha niya at tiningnan niya ako na para bang napaka-imposible ng aking sinabi.
Tiningnan niya bawat detalye ng aking mukha na animo'y kinikilala ako. Nailang naman ako sa paraan ng pagkatitig niya kaya't tiningnan ko nalang ang sahig at nilalaro ang aking mga daliri. Mukhang nakuha niya naman ang naging pagkilos ko.
"Sorry maam kung nailang ka. Gusto ko lang alamin kung nagkita na ba kayo ni Boss. Kasi lagi ko namang kasama iyon eh pero hindi talaga kita namumukhaan" tiningnan ko siyang muli na animo'y sinisugarado kung totoo ang sinasabi niya.
"oh chill don't look at me like that my lady" My lady? Kanina maam ang gulo naman pala kausap ng lalaking to.
"Siya nga pala nagkita na ba kayo ni boss? Kahit anong isip ko hindi pa talaga kita nakita pero napaka familiar mo saakin" Naghihintay siya ng sagot ko subalit nasa tapat na kami ng pinto ng clinic.
"Narito na po tayo kuya salamat po sa paghatid" Sabi ko sabay yuko.
"Oh siya sige mag-iingat ka ha kasi baka pag may nangyare saiyong masama dito sa school may mapapalayas na staff or kaya studyante"
Hindi ko masyadong makuha ang nais niyang iparating. Iwan ko baka guni-guni ko lang ito pero yong paraan najg pagkakasabi niya ay para bang tinutukso niya ako.
"Good morning po Maam" bati ko sa nurse pagkapasok ko ng clinic. Nais pa sana ni kuya na ihatid ako hanggang sa loob kaso tinanggihan ko na siya masyado ng nakakahiya. At isa pa baka hinahanap na siya nong boss niya. Nakalimutan ko nga palang itanong ang pangalan niya.
Pero yong lalaking kasama ni kuya tingin ko bigatin siya kasi paano ko nasabi? Simple lang aside kay kuya may kasama pa siyang mga lalaki mga lima yata iyon at laging tumitingin sa paligid ma animo'y sinisigurado ang kaligtasan ng lalaking nagbigay saakin ng coat.
"Oh ikaw yong nasa school website right? What are you doing here?" mataray na turan ng nurse dito sa clinic. Nabigla may agad ko rin itong binawi ng mapagtanto ko kung ano ang ibig niyang sabihin.
Bigla ay nilamon ang buo kong pagkatao ng hiya para akong binuhusan ng malamig natubig. Bigla akong nanigas saaking kinatatayuan at hindi na makagalaw pa na animo'y pinapako ang aking paa sa sementong aking tinatapakan. Hindi ko makapa kung ano ba dapat ang aking isagot sa tanong niya hindi ba't klaro naman sa hitsura ko kung anong kailangan ko dito? Hindi naman siguro ako kakain dito sa clinic kung kaya't naguguluhan ako kung bakit niya pa ako tinanong kung ano ang ginagawa ko sa loob ng clinic.
"Ah-eh m-magpapagamot ho sana ako maam. Kasi po kay mga kalmot at pasa po ang aking katawan. Gusto ko rin po sanang manghingi ng gamot iyon po bang mawawala ang sakit na aking nararamdaman ngayon."
BINABASA MO ANG
One Night Stand (ON HOLD)
Teen FictionPaano kung nagbunga ang katangahan dala ng iyong kalasingan? Posible bang makahanap ng tunay na pagmamahal galing sa isang kasalanan?