Chapter 4: Buntis ako?

12 2 0
                                    

Chapter 4...

Kapag may mga sitwasyong ganito at naagrabyado ako lagi na lamang dumarating si Mr. Ferrer at masasalo ako. Grabi ang pagkakataon para bang sinasadya na sa bawat pagbagsak ko ay nandiyan siya lagi upang ako'y saluhin. Nakakatawa mang isipin pero naiisip kong baka sinasadya niyang gawin iyon. Pero alam kong malaking kalokohan ang aking naiisip dahil wala namang dahilan ang lalaking ito upang gawin ang mga ganong bagay sakin.

"What's with the commotion here ladies?  Its almost 8 am and yet you're all still here outside having cat fights?! "  napaka cold ng boses niya pero parang ang lakas ng dating nito saakin. Para bang nais ko itong marinig araw araw. Nagpupumiglas ako sa pagkayakap niya saakin mula sa likuran. Masyadong nakakahiya lahat ng mata ay nakatutok saamin.

"Stop moving Young lady! " Kakaiba ang tono ng kanyang pananalita pagdating saakin. Imbis na bitawan ang aking bewang ay mas hinigpitan niya pa ito. Isang kamay niya lang ang nakawak saaking bewang nasa kaliwang parte niya ako. Magkatabi kami ngayon. Nakita ko naman si Kuya Nathan sa akimg gilid na napakalaki ng Ngising binigay saakin. Ngising may bahid ng panunukso subalit hindi ko malaman kung tungkol saan niya ako tinukso.

"Eh kasi Mr. Ferrer that girl beside you she's the one who start all of this! " lakas loob na sabi ni Ciara habang ang kanang kamay ay nakaturo sa direksiyon ko at hindi nakalagpas saaking paningin amg pagkuyom ng kanyang kamao.

Nilingon naman ako ni Mr. Ferrer na animo'y hinihingi ang aking kasagutan.Pero Wrong move yata kasi sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa kunting galaw ay makahalikan ko na siya. Kay kung ano saaking nag tulak na halikan siya para bang gusto kong hawakan ang mukha niya. Pero wala akomg lakas ng loob na gawin iyon. Gusto ko ring amuyin ang kanyang natural na amoy. Tumikhim mo na ako bago nag salita.

"A-ano. Hindi p-po ganon yon Mr. Mr. Ferrer" hindi ko siya matingnan ng deritso. Pahina ng pahina ang aking boses habang sinasabi ko iyon yong tipong hindi na ako sigurado kung narinig niya pa ba kahit sobrang lapit na namin sa isa't isa.

May sinasabi pa siya puro Ingles pero hindi ko na yon naintindihan pa kasi Mas tumindi pa ang hilo na nararamdaman ko. Sumakit rin ang aking tiyan hindi ko maintindihan at hindi ko malaman kung gaano ito kasakit.

"Are you okau Young lady? " rinig kong sabi niya. Pero hindi ko siya pinansin at basta nalang akong napahawak saaking tiyan.

"A-aray! ang tiyan ko po masakit" nahihirapang sabi ko. Nakita ko naman kung paano nagulat ang grupo ni Ciara sa nakita.

"Oh my god Blood! " iyon ang narinig kong sabi ni Ciara. At may kung anong naramdaman akong init saaking mga hita at umaagos saking mga paa.

"Maam! " boses iyon ni Kuya Nathan.  Pero masyado ng malabo at malalim. Parang mawalan na ako ng balanse dahil sa hilo na nararamdaman ko.

"Don't Close your eyes Young Lady!  That's an Order! " yon lamang at nawalan na ako ng malay.

***

Nagising ako sa Hindi pamilyar saaking silid. Nilibot ko ang aking paningin. Agad na bumungad saakin ang maayos at malaking  kwarto kulay krema ito na may halong itim. Ganoon man ay kay lakas ng dating saakin parang gusto kong dito nalang magkulong magdamag at hindi na aalis pa. Agad kong nilibot ang paningin sa hindi pamilyar na silid saakin.

'Ano ba kasing nangyare? Bakit ako narito?  at isa pa nasaan ako kaninong silid 'to? '

Tatayo na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking hindi pumasok saaking isipan na siyang makikita ko ngayon rito. Biglang bumilis ang pintig ng aking puso. Para akong mahilo sa lakas nito. Ganito parati ang kanyang nagagawang epekto ngayong wala naman itong ginawa saakin.  Kahit ako mismo ay hindi mapagtanto kung bakit ganito ang nagiging reaksiyon ng aking katawan sa tuwing siya'y malapit saakin.

"Ah- Mr. Ferrer bakit po ako nandito? " nahihiya may hinanap ko ang aking lakas upang mag tanong. Pero kahihiyan agad ang bumalot saaking pagkatao ng hindi niya ako sinagot sa halip hinagod niya lang ako ng tingin. Umusbong ang kaba saaking dibdib ng isipin kong baka magagalit siya dahil nakahiga ako mismo sa kama niya. Dali-dali akong tumayo pero dahil masyadong nanghihina ang aking katawan napahiga rin akong  muli. At laking gulat ko ng dali dali itong lumapit sakin at inalalayan akong mahiga muli.

"Mr.  Ferrer Sorry po h-hindi ko po alam bakit nandito po ako. B-basta nalang po p-pag g-gising ko nakahiga napo ako rito" pahina ng pahina ang aking boses ng sabihin ko iyon sa kanya. Gusto kong tumakbo nalang bigla upang makaalis dito dahil sa labis na kahihiyan subalit wala akong sapat na lakas upang gawin ang bagay na iyon.

"You young brat! you're not listening to me right?  I told you to be careful what if something bad happen you and him ha? " hala! galit ba siya?  At sinong tinutukoy niyang him? Binigyan ko siya ng inosenting tingin at pinagkakatitigan ko siya. Kita ko kung gaano siya ka seryoso habang sinasabi ang mga iyon.

"P-po?  hindi ko po kayo maintindiha Mr. Ferrer" sabi ko. Sasagot na sana siya ng biglang may pumasok.

"Yow Maam! buti naman at nagising kana. kasi yong isa diyan ay gusto ng manapak ng Doctor kanina pa" Sabi ni kuya Nathan habang sinulyapan si Mr. Ferrer. Nakita ko naman kung paano nilakihan ng mata ni Mr. Ferrer si Kuya Nathan pero gayun paman ay hindi ko nakuha ang sinasabing iyon ni kuya. Kasunod ng pagpasok ni kuya ay siyang pagpasok naman ng lalaking may soot na White gown at basi sa kanyang kaanyuan ay kaedaran lamang ito nila kuya.

"Hi there beautiful. Im glad you're awake before it's too late.  " sabi nito habang tumawa ng  bahagya.

"h-hello din po.. ano.. Sir" nahihiya may pilit kung ibinalik ang pagbati sa kanya.

"You're so cute no wonder many men will fall for you Including my Possessive friend" nginitian ko nalang siya dahil hindi ko alam kung paano tugunan ang pamumuring ginawa niya saakin. Gwapo ang binatang ito Matangos ang ilong , may mapupulang labi din perpekto ang hugis nito. May dimple din at masasabi kong hindi lang siya gwapo kung hindi ay Cute pa. Parang may kung ano saaking nagtulak na hawakan ang kanyang pisngi kung saan naroon ang kanyang biloy.

"By the way I am Doctor Crismar Cruz,  the friend of that dude beside you" sabi niya sabay abot ng kanyang kamay. 

"A-ako din po pala si Angel Serenity" tatanggapin ko na sana ang kanyang kamay ng may biglang tumikhim at nagsalits kung kaya't hindi iyon natuloy.

"Stop what you're doing Cruz your not going to like if touch even a single strand of her hair" striktong wika ni Mr. Ferrer. Nakakatakot siya.  Pero ako lang yata ang natakot kasi tumawa lang ang dalawa.

"All right someone id jealous here.  Anyway miss beautiful please be more extra careful start today. And bawas bawasan mo ang pagiging stress its not good for you and for your baby.  Eat healthy foods then resr early okay? " sabi niya sabay tap ng aking ulo. Naguguluhan ko siyang nilingon.

"P-po? B-baby po? " ang masaya niyang mukha ay napalitan ng pagkagulat at nilingon niya si Mr.  Ferrer kaya't nabaling din ang attention ko sa kanya. Pero ang binata ay binaling lang sa kabilang direksyon ang kanyang paningin. Tumikhim muna si Sir Cruz bago sinagot ang aking tanong. Pero sana mali nalang ako ng narinig pero hindi tama ako.

"Congratulation Miss beautiful your 3 weeks pregnant " Nagbunga ang aking pagkakamali.

***
Itutuloy...

Enjoy

~M S C U T I E💝

One Night Stand (ON HOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon