"Miss Quinto your an excellent Student and yet you did something horrible. Ferrer International School is a school for elite you are blessed to be a scholar on our prestigious school. Ano itong kumakalat sa ating school website? "
Nabigla ako sa tanong ni Dean. Nasa loob ako sa opisina ng dean wala akong ka ideya-ideya kung bakit ako pinatawag at bakit galit ang dean saakin. Idagdag mo pang na banggit niya din ang school website. Hindi ko alam na may ganoon pala dito.
"Dean sorry po pero hindi ko po alam ang sinasabi niyo" magalang kong turan at hindi makatingin ng diretso sa kanya.
"Ha! Naglalasing ka tapos hindi mo naman pala kaya! Be responsible Miss Quinto. Itong skwelahang pinasok mo ay hindi basta-basta paano na lamang kung makarating ito sa office of the President? Sa tingin mo ba mananatili ka pa sa skwelahang ito? Ma e-expelled ka!"
Galit ngang talaga ang aming Dean. Alam ko naman kung anong skwelahan itong pinasukan ko hindi niya na kailangan bang banggitin iyon saakin. May kung anong namuong kaba sa aking dibdih ng banggitin ni maam iyong tungkol sa paglalasing.
Paanong? Alam kung kami lang nadalawa ng lalaking hindi ko kilala ang nasa silid ng gabing iyon.
"P-po Dean? L-lasing?" utal-utal na tanong ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Isa iyong pagkakamali! Kung sana hindi na lamang ako umiinom. Tama nga si Nanay wala magandang maidudulot ng alak sa aking katawan. Subalit hindi parin ako nakinig nagpadala parin ako sa tukso. Naramdaman kung umiinit na ang aking mga mata.
"Ito tingnan mo diyan kung ano ang ginagawa mo. Sikat kana Quinto" nagtaka man ay tinanggap ko amg cellphone na binigay ni maam.
Gulat ang nakasulat saaking mukha. Parang tinakasan ang buo kong katawan ng dugo. Parang akong nabingi sa aking nakita.
Sino ang kumuha nito?
Isang video na naglalaman ng aking katangahan. Isang video na lubos na nagpapahiya saaking pagkatao. Million of views na ito in just 24 hours. Nasa website ng Ferrer ito. Laking pasalamat ko ng pribado ang website na ito at tanging estudyante lamang ng ferrer ang may access.
"Ngayon iiyak iyak ka Miss Quinto? Be responsible wag iinom kung hindi kaya! Wag kang umiyak diyan do something. Sikat kana Miss Quinto"
Hindi ko na napansin na umiyak na pala ako habang nanood ng video. There I saw myself dancing ang laswa ng sayaw na iyon ng pa giling-giling ako na animo'y nang-aakit. Pagkatapos meron din doon na nakipagsayawan ako sa lalaking hindi ko kilala habang ikiniskis ko ang aking puwetan sa kanyang hinaharap. Nakakahiya. Kung Million na pala ang nakakita nito anong gagawin ko?.
"D-dean hindi ko po alam ang ginagawa ko. L-lasing po ako" totoo iyon wala akong matandaan sa kung ano ang nangyare saaking noong nakaraang araw basta nagising na lamang ako sa kwartong hindi pamilyar saakin na hubo't hubad at sumasakit ang aking katawan.
Laking gulat ko na lamang ng paggising ko wala akong kasama. Pero alam ko sa sarili kung hindi na ako buo na may kulang na saakin. Masakit ang gitnang bahagi ng aking katawan at may mantsa ng dugo ang kama. Iyak ako ng iyak sa araw na iyon at hindi ako umalis sa loob ng kwarto ng hotel laking pasalamat ko at hindi naman ako pinalayas doon at may nag de-deliver pa ng pagkain para saakin.
"Reason Miss Quinto hindi mo ako madadaan sa ganyan. Much better if you prepare yourself im sure the faculty won't allow this kind of behaviour inside our premises. Now leave"
"Dean please gusto ko pong makapagtapos. Ako lang po ang inasahan ng aking pamilya Dean. Ayoko pong ma dismaya saakin ang nanay, ang buo kong pamilya" napahagulhol naako sa harapan ng Dean. Wala na akong pakialam sa sasabihin niya. Basta ang alam ko lang sa ngayon ay kailangan kong tapusin ang aking pag-aaral kahit anong mangyare.
BINABASA MO ANG
One Night Stand (ON HOLD)
Teen FictionPaano kung nagbunga ang katangahan dala ng iyong kalasingan? Posible bang makahanap ng tunay na pagmamahal galing sa isang kasalanan?