Chapter 42

81 1 0
                                    

Errors ahead

Chapter 42
Rose in my desk


"Pardonne-moi pour ce que je pourrais faire, Dexie. "


Matapos niya akong niyakap ay ginulo niya lang ang buhok ko at saka umalis nang wala ng sinabi bukod sa salitang iyon na hindi ko alam ang lenggwahe.


Hindi naman ito espanyol kaya hindi ko alam kung ano ang balak niyang iparating. Nilingon ko ang daang tinahak niya. Kahit wala na siya sa paningin ko ay nararamdaman ko pa rin ang yakap niya.


Aish! Darn it! Ayos na sa akin iyung nangyari sa lawa tapos dinagdag niya na naman ito.


Huminga ako nang malalim dahil pakiramdam ko ay parang umaabot na sa lalamunan ko ang kaba ko na nagdudulot para may bumara rito at hindi ako makapagsalita.


Naglakad na ako papunta sa classroom. Sa buong paglalakad ko ay puros ang paghinga ko nang malalim, naninikip ang dibdib ko. Bago ko pa tuluyang mapasok ang silid ay nakasabay ko si Sir Kyle.


What's with his bright smile, today?


Ngayon ko nalang ulit ito nakitang ngumiti tila ba may nangyaring maganda sa araw niya ngayon.


"Are you okay, Miss Wilson? You look pale," Pero nakangisi ito, walang halong sinseridad sa mata niya.


"Like you really care Kyle," inirapan ko ito at saka dumiretso sa upuan ko.


Nakita ko naman si Tuazon na diretso ang tingin sa pisara na dati-rati ay nakangisi sa akin.


May mali talaga sa nangyayari e.


"Good morning, Dexie." Bati sa akin ni Matt habang malawak ang ngiti.


"Good mood kayo?" Sarkastikong tanong ko.


"Oo eh, pinaaga kasi ang camp vista." Nanlaki ang mga mata ko. Napatayo pa ako sa upuan ko na naglikha ng matinis na tunog na nakaagaw ng atensyon ng lahat.


"What's wrong Miss Wilson?" Tanong ni Kyle.


Umupo ako sa kahihiyan. Hinarap ko si Matt at pinaulit ang sinabi niya kanina.


"What do you mean?" Nagugulumihanang tanong ko rito.


"Imbis na 2 weeks from now naging next week na," dagdag nito.


"Bakit?"


"Hindi ko rin alam. Nakita ko lang sa email ko e, hindi ba sinend sa'yo ng school?" Patukoy niya sa email ng school kung saan magno-notif iyon kapag may bagong announcement.

The Badass Girl in Boys Town | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon