Red String of Fate [2]

211 9 0
                                    

Second String ::

"Whoa! Ano to!?"

Bigla bigla na lamang napabangon si Leo mula sa kanyang pagkakahiga ng mapansin niyang bigla ang pulang tali sa hinliliit ng kaliwang kamay. Sigurado siyang bago siya mahiga at magbasa ng 'manga'(japanese comics) ay wala pa naman ang tali sa daliri.

"Shit. Ano to? San to galing??"

Pilit niyang tinatanggal ang pagkakatali nito sa daliri ngunit ayaw talagang matanggal. Kumuha pa siya ng gunting sa may drawer sa side table niya at sinubukang gupitin ang tali ngunit ayaw nitong magupit. Nahiwagaan siya sa pulang tali at doon niya napansin na naggagaling sa labas ng kwarto niya ito.

Takte! pinagtitripan na naman ata ako ni kuya!

Kahit sinabi niya iyon sa isip ay hindi pa rin niyang maiwasang isipin na wala pa naman talaga ang taling yon bago siya mahiga kaya imposible din namang trip iyon ng kuya niya. Ngunit ayaw naman niyang takutin ang sarili kaya pinagpilitan na lang niya sa isipan na tinitrip siya ng kanyang kuya.

Lumabas siya ng kanyang kwarto para sundan ang pulang tali. Nakita niyang nanggagaling ito sa baba. Medyo lumakas pa ang kanyang kutob na kuya niya nga ang may pakana ng iyon dahil nasa baba ang kuya nito.

"Hoi kuya! Ikakasal ka na't lahat kung ano ano pang naiisipan mo!"

Nagulat ang kuya nito na kasalukuyang nanonood ng paboritong anime na ilang beses na naman nitong napanood dahil sa bigla biglang pagsasalita ni Leo. Kumunot pa ang kilay nito dahil sa pagtataka.

Lumapit si Leo sa kuya niya.

"Kuya. Walastek naman kung ano ano na naman ang naiisipan mo sa buhay e. Ikakasal ka na parang di ka nagmamature tsaka yan! Anime? Anlaki mo na para jan kuya!"

Lalong kumunot ang noo ng kuya niya.

"Tantanan mo ko Leo! Any Age kaya ang anime! Cartoons ang pangbata kaya! Tsaka ikaw din naman kung makapagsalita ka diyan."

Tila hindi pinansin ng kuya  ang naunang inerereklamo ng kapatid at yung tungkol lamang sa panonood niya ng anime kahit malaki na siya ang kanya lamang dinepensahan.

"Bakit 17 pa lang naman ako. Pang kasing edad ko ang anime tae."

Muntik na sanang makalimutan ni Leo ang tungkol sa pulang tali kung hindi lang napagawi ang panangin niya sa may pinto kung saan muli niyang nakita ang pinanggagalingan ng pulang tali - sa labas ng kanilang bahay.

"Oo nga pala kuya naman. Ano baga to? San mo naman to kinabit."

Tanong niyang muli sa kanyang nakatatandang kapatid habang hinihila ang pulang tali. Bigla na lamang natawa ang kanyang kuya kaya napalingon siya dito at napatigil sa paghila.

"Hahaha! Ano yan bro? Anong ginagawa mo? Mime act? Gusto mo bagang hulaan ko yang ginagawa mo? Hahaha! Para kang tanga."

Nagtaka at medyo nainis naman si Leo sa reaksyon ng kapatid.

"Tangna. Oo na para na akong tanga! Tanggalin mo na to. Ano bang ginawa mo dito at hindi ko matanggal?!

"HUH??"

"Anong Huh!? Eto pusha! Itong tali sabi ko tanggalin mo na!"

"HUH?! Anong tali? Mukha kang timang bro."

Tinalikuran siya ng kuya niya at muling bumalik sa panonood ng anime. Ilang beses pa muna nitong kinulit ang kanyang kuya tungkol sa pulang tali ngunit ilang beses din sinabi ng kapatid na hindi nito alam ang sinasabi niya hanggang sa tuluyan na nitong hindi pansinin si Leo.

Red String of Fate[One Shot Collections]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon