Hello.. kung intensyon mo tong basahin o aksidente ka lang napunta dito. Salamat pa din. Haha. If you happen to like these stories please kindly vote. You can also fan me if you want. Feel free to leave a comment and criticize these to your heart's content. :)
First String ::
"Aris. Gising na Aris. Malelate kana oh."
"Hnn.. Mam..ya na..an ma..." Inaantok pa si Aris ng sobra dahil gabing gabi na siyang natulog sa panonood lang ng mga movies.
"Hay nako Aris! Ayan ang sinasabi ko sayo e! Tatanggalin ko na talaga yang TV sa kwarto mo!"
Kahit ayaw pa talaga ni Aris bumangon ay napabangon siya dahil sa sinabi ng ina. Ayaw niyang mawala ang TV sa kanyang kwarto dahil halos ang panonood lang ng mga movies ang kanyang bisyo at epektibong pampalipas ng oras.
"Eto na ngaAAHHMM. Liligo na po ako." Sabi niya na inaantok antok pa.
**
"Anak tirhan mo naman ang ate mo." suway ng ina sa nakababatang kapatid ni Aris na nasa kindergarten na.
"Opo."
"AAMMIIIIIIIII!!!!!!!!!!!"
Halos masamid ang mga magulang ni Aris sa bigla at lakas ng pagsigaw niya. Maya maya pa ay nasundan yon ng mga yabag ng paang pababa ng hagdan.
"AMI! Ano na naman to!? Ano to! Bat hindi matanggal?!"
Sa hitsura ni Aris ay masasabi mo agad na kakalabas niya lang ng banyo. May natulo pang tubig mula sa kanyang buhok. Pero ang hindi nila alam ay kung bakit tila yamot ito.
"Aris ano ba yon? Bat ka sumigaw?" Usisa ng kanyang ama.
"Punasan mo nga muna yang buhok mo. May natulo pa. Balutin mo sa tuwalya. At bakit ka ba sumigaw?" Pinaghahanda na siya ng kanyang ina ng makakain.
"Ate ano ba yon? Bat mo ko tawag?"
Lumapit si Aris sa may mesa kung saan nadon ang pamilya. Parang wala siyang narinig na sinabi ng ina.
"Ami! Ano ba tong inilagay mo na to? Bakit hindi matanggal?!"
Imbis na sagutin siya ng kapatid ay nakatingin lang itong nagtataka sa kanya. Gayun din ang mga magulang niya. Nakatingin sila sa hinliliit ng kaliwang kamay na itinuturo ni Aris.
"Ha? Ano yan ate? Anong tinuturo mo ate?"
"Ano ba Ami! Ikaw lang naman ang naglalagay sakin ng kung ano ano kapag natutulog ako e. Ano ba tong itinali mong pulang tali na to sa daliri ko??"
Lalo naman nagtaka ang kanyang kapatid at mga magulang sa sinasabi. Hindi alam ng ina niya kung pagsasabihan ba siya sa pagbibintang sa kapatid o dahil kung anu ano ang mga pinagsasasabi nito.
"Anak, anong tali ang sinasabi mo?" takang takang tanong ng kanyang ama.
"Huh? Ano ba papa! Eto oh! Ayaw ngang matanggal ih!" inis na sabi ni Aris sa ama habang pinapakita pa din ang hinliliit na sinasabi niyang may tali.
"ARIS! Tama na nga yang mga kalokohan mo! Latiti na dyan sa pwesto mo ituwalya mo na nga yang buhok mo at kumain ka na!"
"Pero mama--"
"Ano ba Aris!"
Muling umakyat si Aris sa taas at tinuwalya ang buhok niya. Hindi niya alam kung makukumbinsi ba siyang hindi nakikita talaga ng kanyang kapatid at magulang ang pulang tali sa kanyang daliri. Manipis lang ito ngunit di kasing nipis ng sinulid. Ang pinagtataka pa niya ay mula sa tali sa daliri niya ay mukhang merong patutunguhan o pinagkakabitan ang kabilang dulo nito.
BINABASA MO ANG
Red String of Fate[One Shot Collections]
RomantizmA collection of One Shot stories about love and Fateful encounters of different people who are connected to each other.