Fourth String ::
"Grabe...pagod na ako."
Mabagal na nilalandas ni Reen ang daan papunta sa bahay ng kanyang Lola. kung hindi lang dahil sa kakulangan niya ng 'sense of direction' ay kanina pa sanang tanghali siya nakarating sa pupuntahan.
Lampas na ng alas singko ng hapon at sa palagay niya naman ay malapit na siya ayon sa napagtanungan niya kanina.
"Ah..liliko dun tas direretso lang.. daw?? Tama ba...."
Binilisan na niya ang paglalakad hanggang sa makarating sa may likuan. Nakita niya agad ang babaeng natakbo ngunit hindi agad siya nakailag kaya nagkabangga sila.
"Aray.."
Natumba sila pareho at bumagsak ang bagahe ni Reen. Nakaupo pa din si Reen sa semento samantalang ang babae ay nakatayo na. Agad itong tumakbo pa ulit.
"Naiyak?? Naiyak ba yun ?.. bat kaya?"
Tumayo na siya at kinuha ang bagahe. Nagpatuloy na lang muli siya sa paglalakad at hindi na lamang pinansin ang nangyari.
**
"Ah! Busog.."
"E apo..bat ba hapon ka na dumating? Sabi ng iyong ina tanghali ka daw makakarating dito?"
"Ih.. Lola kasi.. hehehe.. naligaw ako e.."
"Jusko po.. Mabuti't narating mo pa pala to..ano?"
"Lola naman!"(>3<)
"Oh siya sige na't ikay pagod ata. Pahinga ka na sa kwarto may pasok ka na agad daw kinabukasan e."
Grade 6 si Reen ng huling pumunta sa bahay ng lola.Noon ay kasama pa nila ang kanyang lolo ngunit nito lamang ay pumayapa na ito.At dahil mag.isa na lamang ang kanyang lola sa tahanan ay naboluntaryo siyang lumipat dito. Hindi naman nagdalwang isip ang mga magulang niya na payagan siya.Natutuwa din siya na kahit matagal na noong huli siyang makita ng lola ay close pa rin sila.
"Papasok na talaga agad ako bukas.??.haaayyy."
Bago pa man lumipat si Reen ay naasikaso na agad ng kanyang magulang ang tungkol sa paglipat niya ng eskwelahan. Wala na siyang ibang gagawin pa kundi umatend ng klase.
Mula sa pagmumuni muni ay biglang tumunog ang kanyang cellphone. Isang malapad na ngiti ang nabuo sa kanyang mukha ng makita ang nagtext.
//Weylan:
Goog eve :)//
Kyaaaaa.. akala ko hindi na siya magtetext.. tamang tama! masasabi ko na sa kanya.
Matagal ng kakilala ni Reen si Weylan ngunit ang totoo ay sa text lamang. Hindi pa talaga sila nagkakakilala ng personal. Ngunit kahit gayon ay nahulog pa din siya sa lalaki. Nagsimula ang lahat ng manghula si Reen ng number at nagreply ito.
Kung dati ay hindi nila magawang magkita dahil sa magkalayo ang lugar nila ay hindi na ngayon. Nagkataon kasing dun din sa lugar na nilipatan niya nakatira si Weylan. Masaya naman niyang ibinalita sa lalaki ang paglipat niya.
//Weylan:
Talaga? Ayos yan :)//
//Kaso bukas papasok
agad ako! Kumusta
naman yun di ba? >.<//
Matapos niyang isend ang mensahe ay kinuha niya ang mga chichirya na nilagay niya sa may tabing mesa. Laking gulat niya ng makita ang daliring may taling kulay pula.
"Ano to!?"
Sinundan niya ng tingin ang pinanggagalingan ng taling ito. Papalabas na siya ng kwarto ng tumunog ang cellphone niya dahil sa text ni Weylan. Ngunit hindi na niya muna ito pinansin dahil sa sobrang pagtataka kung saan nanggagaling at ano ang taling iyon.
BINABASA MO ANG
Red String of Fate[One Shot Collections]
RomansaA collection of One Shot stories about love and Fateful encounters of different people who are connected to each other.