Red String of Fate [3]

158 7 0
                                    

Third String ::

Nakinig ni Luke na nagbukas ang pinto. Alam niyang kapatid niya yun dahil sila lang naman dalwa ang nakatira sa bahay dahil nasa ibang bansa pareho ang mga magulang nila. Ngunit malapit na rin naman silang madagdagan sa bahay dahil di magtatagal ay ikakasal na si Luke sa kanyang fiancee.

"Oh Leo bat ngayon ka lang ha? Kumain ka na."

Tila hindi naman siya nakinig o hindi lang ata talaga siya pinansin ni Leo dahil nakatingin ito sa cellphone niya. Nagtaka naman si Luke dahil parang ang saya saya ng kapatid. Hindi na lamang din niya ito pinansin bagkus ay kinuha niya rin ang cellphone at nagtext.

**

//"You have message! You have message!"//

Kinuha ni Mikaela ang cellphone sa kanyang bag. Hindi naman niya maiwasang mapangiti nung nakita kung kanino galing ang mensahe.

//Yes po mahal. Pauwi na ako//

"Message sent!"

Ilalagay na sana ulit ni Mikaela ang phone sa bag ng mapansin niyang may kung ano sa hinliliit niya sa kaliwang kamay.

"Ano to??"

Nakita niyang mula sa daliri ay nakalawit pa ito at ng tumingin siya sa likod ay ang mahabang tali pa. Napatigil pa tuloy siya sa paglalakad at hinila hila ang tali.

What's this?? San galing to? And why can't i get this off.

Hinila niya to ng hinila ngunit kahit gano pa niya to hilahin ay hindi ito nababanat. Maya maya pa ay narealize niyang pinagtitinginan siya ng mga nadaan.

Ano ba yan nakakahiya. Ano ba kasi to at bat ayaw matanggal? Mukha na akong timang dito.

Sa akala niya ay dahil sa pulang tali kaya siya pinagtitinginan. Ngunit dahil sa narinig ay parang nagulat siya at napaisip.

"Mama. Luka ba yon? Bat parang may hinihila siya e wala naman??"

"Sshh.. Wag mo ng pansinin yun anak."

Huh!? Ako luka? At anong wala naman daw akong hinihila?? Eto ah. Etong--.

Bigla na lamang may pumasok sa isip niya. Pinagmasdan niya ang mga taong nadaan at ni isa ay wala man lang napansin sa mahabang pulang tali kahit inaapak.apakan na nila ito. Wala ring nagtataka kung bakit ang pulang taling ito ay nakatali sa kanyang daliri.

Oh no! I think Im seeing things!

Hanggang makauwi siya ay nasa bulsa lang ang kanyang kaliwang kamay. Hanggang maaari ay ayaw niya tong tingnan. Iniisip niya na baka nasosobrahan na siya sa trabaho kaya naman kung anu ano na ang nakikita niya.

"Ma andito na ako!!"

"Oh Mika. Kumain ka na.."

"Kumain na po ako sa labas.. sige po magpapahinga na ako."

Umakyat na si Mikaela papunta sa kwarto niya at ibinagsak ang sarili sa kama. Tila bang nalimutan na niya ang pulang tali sa daliri. Muli niya lang itong naalala nung kukunin niya ang cellphone sa kanyang bag.

Just what is this string?? Imagination ko lang ba to? Argh. Forget it.. baka mamaya wala na din o bukas.

Hindi na niya nga masyadong pinagtuunan ng pansin ang tali. Matapos niyang itext  ang kasintahan upang mamasyal bukas ay agad siyang nagpalit ng damit at natulog.

**

"It's 7 o'clock! It's 7 o'clock!"

Agad kinapa ni Mikaela ang alarm clock na nasa may ulunan niya. At dahil ayaw niyang malate sa date nila ni Luke ay agad siyang bumangon, naligo, nagbihis at kumain.

Red String of Fate[One Shot Collections]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon