Isa-isang nilagay ni Anya sa kanyang backpack ang mga gamit nya mula sa kanyang locker. Nakita niyang ngumiti ng nakakaloko habang nakatingin sa kanya ang katrabaho niyang si Ariana. Ito lang ang hindi lumapit sa kanya upang makapagpaalam. Wala siyang ganang makipagmalditahan kaya hindi nya nalang ito pinansin at nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit. Nakapalibot naman sa kanya ang mga katrabaho na naging malapit sa kanya.
"Anya, mamimiss kita. Sana kahit natanggal ka na sa kumpanya, text-text or tawag-tawag parin tayo ha. Friends parin tayo", ani Rachelle, katrabaho niya.
"Ate Anya, I'm gonna miss you so much when you're gone."
"Chelsie, natanggal si Anya sa trabaho, hindi sya mamamatay."
"Kuya Jethro naman eh."
"Basta anak, mag-iingat ka palagi ha. Mag-update ka pa rin sa amin ng mga mangyayari sa buhay mo", sabi ni Nanay Leona.
" Opo Nay sige po alis na po ako. Mag-ingat po kayo palagi ha."
Matapos makapagpaalam sa lahat ay tuluyan nang lumabas si Anya sa janitor's ward dala-dala ang malaki nitong backpack. Abala sya sa pagbuhat ng kanyang mabigat na bag. Hindi nya napansin ang taong makakasalubong nya sa bungad ng building.
"Anya?"
Agad syang nag-angat ng tingin at nagulat sa bulto ng tao na nakatayo sa kanyang harapan. Pinasadahan sya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Winawari nito kung bakit nakasuot sya ng maintenance uniform. Winawari nito kung bakit nangangayayat na sya at namumutla ang balat.
"Anya, anyare?"
Feel free to vote and leave a comment everyone. This is my first time to share my piece. Sana po you'll like it.
YOU ARE READING
Anya, Anyare?
Teen FictionThis is Anyanita Corpus' story. A teen who went through depression because of the twist of fate. Will she regain herself? Or will she create another version of herself? Let's discover her story.